Chapter 13: It's A Date?

473 23 3
                                        

♥Tiffany♥

"Good morning! " Masaya akong naglalakad sa hallway at binabati ang mga empleyadong nakakasalubong ko.

Good mood ako dahil bagong araw, bagong gawain. Masaya ako dahil balik trabaho ako at dahil rin sa na-close na deal ni Nich kagabi.

Humarap ako sa kanilang lahat tsaka pumalakpak para makuha ang atensyon nila. Lumingon naman silang lahat sa akin.

"Attention everyone! This day is a good day for us that's why, today you can do everything you want. Everything as long as it can't cause accidents or problems for us. You can eat outside together with your friends; go home; shopping; or if you want to stay here and do your works. It's up to you guys." Tiningnan ko sila para malaman kung anong reaksyon nila pero nakatulala lang sila sa harap ko. Hindi siguro sila naniniwala sa sinabi ko dahil bihira ko lang sila bigyan ng free day.

"Ano ba naman kayo. Ayaw niyo ba na magpahinga muna kahit ngayong araw lang? Spend time with your friends?! I know you all did a great job that's why I'm giving you this day as your free day. It's time for us to enjoy!" Wala pa rin silang reaksyon. Ganun ba talaga ako kasungit kaya hindi sila makapaniwala sa sinabi ko?

"Gusto niyo bang bawiin ko ang--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sabay-sabay silang nag-sigawan. Wala na akong nagawa kungdi ang ngitian silang lahat. Nakikita ko sa mukha nila na masaya silang may free day sila.

Niligpit nang iba ang mga gamit nila para umalis. 'Yung ibang makakasalubong ko ay magpapa-salamat sa akin. Dumiretso ako sa office ko. Ako naman ang kailangang magtrabaho. 'Yung mga nagta-trabaho para sa kompanya ko, kailangan din nilang magpahinga. At ako, gagawin ko muna 'yung mga trabaho na dapat ko nang tapusin. Dito lang ako buong araw.

"Come in!" Sabi ko sa kung sino mang kumatok sa office ko.

"Ms. Tiffany." Nilingon ko si Victoria na ngayon ay nakatayo sa harap ko.

"Bakit nandito ka pa, Victoria? Diba free day niyo ngayon? Go na!"

"Eh kayo po, Ms. Tiffany? Bakit nandito po kayo? Hindi po ba kayo lalabas para sulitin ang araw na 'to?"

"Lalabas naman ako mamaya. I just need to finish some paper works. Natatambakan na kasi ako." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa laptop ko.

"Ganun po ba? Hindi na rin po ako lalabas ngayong araw. Magta-trabaho--"

"Ano?!" Nagulat naman si Victoria sa sinabi ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis dahil sa sinabi niya? Pinayagan ko na nga silang lumabas.

"Pinayagan ko kayong lumabas hindi para magtrabaho kungdi mag-enjoy. Sumama ka na sa mga kaibigan mo para ma-enjoy mo ang araw na ito." Bakit kasi masyadong mabait itong si Victoria? Masyado niyang kina-career ang pagiging sekretarya ko.

"Kasi Ms. Tiffany, nagta-trabaho pa po kayo kaya magta-trabaho na lang po ako ngayong araw."

"Victoria, lalabas din naman ako mamaya. Iiwan ko din ang ilang paper works ko dito para lumabas. Kaya ikaw, go! No works for today!"

"Pero, Ms. Tiffany--"

"Gusto mo bang tanggalan kita ng trabaho?"

"Sabi ko nga po mag-enjoy ngayong araw eh. Haha. Sige po, bye Ms. Tiffany." Agad siyang lumabas na opisina ko. Sasakit talaga ang ulo ko kay Victoria. Masyadong dedicated sa trabaho niya. Hindi niya ba alam na magpahingan man lang?

*tok tok tok

Napabuntong hininga na lang ako. Sino na naman ba 'yon? Makulit na empleyado ba na hindi marunong magpahinga? Baka naman si Victoria na naman?

Poser GirlfriendWhere stories live. Discover now