Chapter Thirty-Nine : STASHA & LUCAS

20.8K 405 34
                                    

STASHA

"UMIYAK KA NA naman," hindi ngumingiting puna ni Jacob sa akin nang magkita kami sa parking lot.

Nagkataong magkatabi ang mga sasakyan namin sa pag-park.

Pareho pa lang kaming papasok sa mga klase namin. Late na akong dumating sa school kaya nagpasya akong huwag na lang pumasok sa unang klase ko.

"Ang gwapo..." komento ko nang makita ko ang kulay dilaw nitong Hummer. Hindi ko binigyang-pansin ang komento nito.

Dati kasi ay kulay orange na Jaguar ang sasakyan nito. Magkaibang-magkaiba sila ni Lucas.

Si Lucas kasi ay mas prefer ang kulay black na sasakyan. Lucas did not also like to drive flashy cars for security reasons.

Unlike Jacob who liked fast and flashy cars with bright colors. Well, it suited his personality, anyway.

"Thank you. Matagal ko ng alam na gwapo ako," nakangiting sabi ni Jacob.

Alam naman nitong ang Hummer nito ang tinutukoy ko.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi ikaw," sabi ko at lumapit ako sa Hummer nito at tinapik iyon. "Ito..."

Natawa ng malakas si Jacob. Ako naman ay napangiti. Sumandal ako sa Hummer nito.

"Anong oras ang klase mo?" tanong nito sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi ako nagmamadali. Tumabi ito sa akin sa pagkakasandal sa Hummer.

"May klase ako sa mga oras na 'to pero hindi na ako papasok kasi late na ako, eh," sagot ko. Tumingin ako rito. "Ikaw?"

"Mamaya pang eleven ang pasok ko. Maaga lang ako kasi may summon letter ako from Dean Lily Diaz mamayang ten."

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"

Nagkibit ito ng balikat. "I don't know. Baka gustong makakita ng gwapo," biro nito and then smiled.

Other girls, I was sure, would swoon over Jacob's handsome smile. But not me.

Immune ako sa gwapong ngiti nito. Siguro ay dahil talagang magkaibigan lang kami ni Jacob.

I rolled my eyes. "You're so humble," biro ko.

He chuckled. Pagkatapos ay matamang tumingin sa akin.

"What?" defensive kong tanong.

"Umiyak ka na naman," seryosong sabi nito. Nakatingin ng diretso sa namamaga kong mga mata.

Lumabi ako. "Last ko na 'yung kagabi. Iniyak ko ng lahat kagabi. Starting today, I will no longer shed a single tear because of Lucas Agoncillo."

Tumangu-tango ito habang nakalabi na para bang hindi nito pinaniniwalaan ang sinabi ko.

"I have decided to move on," matapang kong deklara.

"Can you?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. Waring duda sa sinabi ko.

"Can I what?" kunot-noong balik-tanong ko.

"Move on."

Bumuntong-hininga ako. "Of course. I have no other way but to move forward," sagot ko na pinagtapat ko ang dalawang kamay ko para imuwestra ang salitang 'move forward'.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay pigil ang ngiting tumingin sa akin.

"You look so beautiful today. Is that a statement of—" Nagmuwestra ito ng quote-unqoute sa kamay. "--Moving on? Para ipakita kay Agoncillo kung ano ang nawala sa kanya?"

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloWhere stories live. Discover now