STASHA
PAPALAPIT PA LANG ako sa pinto ng Office of the Student Council ay halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. I took a deep breath.
Kaya mo 'yan, Stasha
Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit kinagat ko ang dare ni Ashley gayong alam kong halos imposible ang gusto nito.
Kahit ako sa sarili ko ay duda kung magawan pa ng paraan ni Lucas ang approval para sa acquaintance party.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Mapapahiya ako kapag lumabas ako ng opisina ng student council nang hindi ko napapirma si Lucas.
Wala akong mukhang ihaharap kina Ashley at sa mga It Girls. But how would I do it?
How can I use my charm to someone who was invincible to it?
Sana kung si Jacob Maravilla iyon. Or si Tres Esquivel. Pero kay Lucas Agoncillo?
Nakaramdam ako ng pinong kurot sa puso sa thought na hindi kaya ng charm ko si Lucas.
Sa labas ay dinig ko na masayang nagkukuwentuhan ang mga nasa loob. I knew Lucas was there. I made sure of it before I decided to go.
Inayos ko muna ang buhok ko at saka marahang kumatok sa pinto sabay bukas niyon.
Parang may dumaang anghel nang bumungad ako sa pinto. Shock was apparent on their faces.
Why, paano ay minsan lang naman ako makapasyal sa office ng student council. Madalang pa sa patak ng ulan tuwing tagtuyot.
Nakatalikod si Lucas sa pinto kaya ang reaksiyon nina Miranda at Lance ang una kong nakita.
Tapos ay may dalawang lalaking galing sa lower batches na hindi ko kilala.
Si Miranda ang unang nakabawi sa pagkabigla.
"Hi, Stasha," nakangiting bati nito nang makabawi sa pagka-shock.
Matipid ko siyang sinuklian ng ngiti. "Hi." Nag-hi din sa akin si Lance.
"Hi, Your Highness," sabay pang sabi ng dalawang lalaki naroroon. Napangiti ako dahil sa sinabi ng mga ito.
At si Lucas?
Humarap ito sa akin. Kung na-shock man ito sa pagkakagawi ko sa balwarte nito ay hindi ko iyon makita sa mukha nito.
Maya-maya ay ngumiti ito. Isang ngiting lalong nagpapaguwapo rito.
Isang ngiting hahamon sa 'makalaglag-underwear' na ngiti ni Jacob Maravilla.
"Hello, Wifey. This is a surprise."
There goes that 'wifey' thing again. It seemed that I was beginning to like it.
Lumabi lang ako. Hindi ako makapagsalita sa lakas ng kabog ng dibdib ko. I had to clear my throat.
Lumapit si Lucas sa akin habang ang mga mga kasamahan nito ay nagpipigil ng ngiti.
"Sana nagpasabi kang pupunta ka para naipalatag ko ang red carpet," biro nito. "Or should I just give you a welcome hug?"
He chuckled and he spread his arms as if he was going to hug me.
Napangiti lalo sina Miranda, Lance at ang dalawang lalaki.
Sinimangutan ko ito at inirapan pero ang totoo ay lalong nagrigodon ang puso ko.
Napakamot sa ulo si Lucas sa reaksiyon ko at itinaas ang dalawang kamay na para bang nagsasabing suko ito at hindi lalaban.
"By the way, kilala mo na sina Miranda at Lance 'di ba?" sabi ni Lucas.

YOU ARE READING
I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas Agoncillo
Teen Fiction(Will be published under BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION - PINK AND PURPLE imprint) Lucas Jaime Agoncillo, currently the President of Student Council was known for his good-super good looks and for his brains, being a consistent Dean's Lister since...