STASHA
SA GITNA NG helipad ay naka-standby ang isang helicopter.
Iyon pala ang naririnig kong ingay habang umaakyat kami sa hagdan.
A chopper? Seriously?
Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Lucas.
"D-d'yan tayo sasakay?" nauutal kong tanong habang nakaturo sa chopper.
He flashed me his handsome smirk. "Yeah."
OMG!
Where the hell is he taking me?
I was still in a daze when a guy in pilot's uniform approached us.
Nakangiting kinamayan ito ni Lucas. "Sorry for the short notice, Captain."
"No problem, Mister Agoncillo," sagot naman nito na tinapik pa si Lucas sa braso.
Tumingin ito sa akin.
"Si Stasha," pakilala ni Lucas. "Stasha, this is Captain Marvin Tolentino. He's our pilot."
"Hi, Captain," nakangiti kong bati saka kinamayan ang nakalahad na kamay ni Captain.
Binati rin ako ni Captain at pagkatapos ay tumingin kay Lucas. "Ready?"
"We are, Captain," sabi ni Lucas at hinawakan ako sa siko at saka iginiya sa pagsakay sa chopper.
Pagsakay sa chopper ay ipinakilala sa akin ni Lucas ang co-pilot ni Captain Tolentino.
Nginitian ko ito sa kabila ng malakas na kaba sa dibdib ko sa tindi ng antisipasyon.
It was my first time to ride a chopper.
Nang sumara na ang pinto ng helicopter at nag-abiso na si Captain Tolentino na lilipad na ang chopper ay hindi na rumehistro sa utak ko ang iba pang sinabi nito.
Iba naman kasing experience ang helicopter sa eroplano kahit na ba pareho silang lumilipad.
Lalo pa at ang kasama ko ay isang Lucas Jaime Agoncillo na ang lapit-lapit ng pagkakaupo sa akin.
Nagulat ako nang hawakan ni Lucas ang kamay ko. Nahiya ako kasi alam kong nanlalamig iyon.
"Nervous?" he fondly asked.
Tumango ako. Para kasing nalunok ko ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita.
Aware ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko.
But suprisingly, it made me feel safe.
Ngumiti si Lucas. "Don't be," anito. "You are with me."
I pursed my lips. Kinikilig kasi ako.
Huminga ako ng malalim. "Where are you taking me?" tanong ko pagkatapos.
"Silang, Cavite."
Kumunot ang noo ko. "Jollibee Silang, Cavite branch?" biro ko.
He chuckled. Pagkatapos ay kumamot sa noo. "Madrid Golf and Country Club."
"Oh..." ang tanging nasabi ko. I was taken aback. Hindi man lang sumagi sa isip ko na doon ako dadalhin ni Lucas.
The Madrid Golf and Country Club was a one hundred fifty-hectare recreational complex located in Silang, Cavite.
It was one of the famous, world-class and for members-only recreational etablishments in the country.
Ang alam ko, pag-aari iyon ng pamilya ng mother ni Lucas na si Josephine Agoncillo, nee Madrid.

YOU ARE READING
I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas Agoncillo
Teen Fiction(Will be published under BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION - PINK AND PURPLE imprint) Lucas Jaime Agoncillo, currently the President of Student Council was known for his good-super good looks and for his brains, being a consistent Dean's Lister since...