Chapter Three : STASHA

29K 873 315
                                    

Hi, there! Here's the continuation of Lucas and Stasha's Love Story. Please leave a comment if you like it or not. Thanks you. Lotsa' Love! :)

STASHA

"OKAY," NATUTUWANG SABI ni Tres. "Now we can really start the ceremony." Maluwang ang ngiti nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Lucas.

Ibinaling ni Tres ang tingin kay Lucas. "Lucas Jaime Agoncillo, do you take Stasha Marie Villaruel to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness or in health, until death do you part?" sabi ni Tres habang binabasa ang hawak na papel bilang kodigo.

Habang sinasabi ni Tres ang mga salitang iyon ay nakatungo lamang ako.

Alam kong si Lucas ay nakatingin sa akin kahit na hindi ako nag-aangat ng tingin dahil tumatayo ang mga balahibo ko. Only Lucas' stare can do that to me.

Nang hindi agad sumagot si Lucas ay nag-angat ako ng mukha at napatingin sa kanya. He looked straight into my eyes.

"No..." walang ekspresyong sabi nito. Ang mga mata nitong diretsong nakatingin sa mga mata ko ay hindi ko mabasahan ng anumang ekspresyon. "No, I don't."

Napaawang ang bibig ko. Pagkatapos ay parang umakyat ang dugo sa ulo ko. Lalo pa at nakita ko si Miranda na napatakip sa bibig nito dahil sa pagkabigla sa hayagang pagtanggi sa akin ni Lucas.

The nerve of this guy!

Tinatanggihan ako ni Lucas Agoncillo?

Ako, si Stasha Marie Villaruel? Tinatanggihan ni Lucas Agoncillo kahit na sa kunwariang kasal lang?

Napakuyom ako ng palad. Hantaran akong ipinapahiya ni Lucas Agoncillo. I cannot forgive him for the rest of my life for doing this to me!

It could only mean that I was not really Lucas' type. Na kahit sa laro lang tulad ng kasal-kasalan na ito sa marriage booth ay hindi pa ako matanggap nito.

At bakit nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib? Na para bang ang puso ko ang nasasaktan at hindi lang ang pride ko?

Pero hindi ako magpapakita ng pagkatalo sa Lucas na 'to, sabi ko sa isip.

Pinapormal ko rin ang ekspresyon ng mukha ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata at mataray na tinaasan ng kilay na para bang sinasabing, 'ah, gano'n?'

He smirked. And then a slow smile played on his lips na para bang ikinatutuwa nito ang reaksiyon ko.

Our eyes locked.

Hindi ko magawang ibaling ang tingin sa ibang direksiyon kahit na ang pagla-lock ng tingin namin na iyon ay nagdudulot ng mabilis na pagpintig ng puso ko. Parang nahi-hypnotize niya ako.

Ang mga tao naman na kasama namin sa Art Room ay pawang natahimik.

Maging si Tres ay hindi malaman ang gagawin. Si Miranda ay halatang tensyonado.

"I think this is really a bad idea," resigned na sabi ni Tres.

"Ask me again, Esquivel..." maya-maya ay sabi ni Lucas. His eyes never leaving mine.

Natigilan si Tres. Hindi alam kung susundin si Lucas o hindi. Pagkatapos ay tumikhim si Tres.

"Lucas Jaime Agoncillo, do you take Stasha Marie Villaruel to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness or in health, until death do you part?"

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloWhere stories live. Discover now