Special Chapter 1 : Lucas Leaves For Boston

15.9K 293 18
                                    

Happy new year everyone! 🎉 -- from Lucas & Stasha

**********************************
STASHA

Ninoy Aquino International Airport

PAREHO KAMING WALANG kibo ni Lucas habang magkasalikop ang mga kamay namin.

Habang pareho kaming naghihintay ng oras ng check in niya sa flight niya papuntang Boston.

Para sa kanyang pinapangarap na Ivy League education.

He passed in three Ivy League universities--Brown, Princeton and Harvard.

His application letter and essay were impressive. Even his grades. Kaya walang dudang hindi siya makakapasa.

He nailed it, so to speak.

And he chose the Harvard Business School.

Lucas wanted it. He dreamed of it.

High school pa lang siya ay nakaplano na ito. Bago pa ako dumating sa buhay niya.

Kaya siya nag-aral nang mabuti. Kaya siya nagsunog ng kilay sa HFU para rito.

Nakaplano na ito. At bilang girlfriend niya, ayokong ako ang makasira sa plano niya. Kaya kahit mahirap para sa akin ay todo suporta ako sa kanya.

I threw a sideway glance at him. He was poker-faced.

Napangiti ako sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko.

He was popularly known in HFU for his poker-face. It was his trademark.

Na kung nag-poker-face siya at hindi mo siya kilala, hindi mo alam kung galit ba siya o natutuwa inside o naiirita na.

Pero dahil kilalang-kilala ko ang aking si Lucas Jaime Agoncillo, alam kong malalim ang iniisip niya.

Ilang beses ba siyang bumuntong-hininga?

Ilang beses ba kaming sabay na bumuntong-hininga?

Bilang paglalabas ng kalungkutan dahil magkakalayo na kami.

Graduate studies certifcates in Harvard can take a year or two depending on the curriculum.

Hindi ko rin gaanong maintindihan. At ayoko nang intindihin habang ineesplika niya ito sa akin.

Basta, malinaw ang nakarehistro sa utak ko.

Na aalis siya at magkakahiwalay kami.

Magkakahiwalay kami ni Lucas. At hindi lang araw kung hindi buwan--maraming-maraming buwan ng paghihiwalay.

At ngayon na ang takdang araw na iyon.

The day I had been dreading for months since graduation day.

Pagkatapos ng graduation day ay panandalian ko iyong nakalimutan kasi maraming mga ganap sa buhay namin.

Isa na ang pag-alis ni Tres nang walang paalam dahil sa naging alitan nila ni Jorj.

Hindi namin alam hanggang ngayon ano ang totoong nangyari between Tres and Jorj.

Hindi naman kasi nagkukuwento si Jorj.

And she had been sad since. Ako rin naman bilang malapit kong kaibigan si Tres.

Sa gang, ako ang pinakaunang naging kaibigan ni Tres dahil nagparamdam siya ng kapilyuhan ng panliligaw noong first year kami.

Kaya sobrang mabigat ang dibdib ko sa pag-alis niya lalo at walang paalam. Lalo at hindi namin alam kung nasaan siya hanggang ngayon. I would always pray to God to keep him safe and sound.

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloWhere stories live. Discover now