LUCAS
KATAHIMIKAN.
"LUCAS?" MAYA-MAYA ay sabi ni Stasha.
"What?"
"Kasama ka sa pinagkuwentuhan namin ni Miranda..." sabi nito. Medyo mabilis ang pagkakasabi nito.
At bago pa rumehistro sa utak ko ang sinabi nito ay nagpaalam na ito na parang nahihiya sa sinabi. "Bye, Lucas."
I pressed her number again nang agad nitong tapusin ang pag-uusap namin.
It made me excited.
I wanted to know kung ano ba ang mga pinagkuwentuhan nito at ni Miranda tungkol sa akin.
Gusto kong marinig ang opinyon nito tungkol sa akin.
"What?" natatawang bungad nito nang sagutin nitong muli ang tawag ko.
"Ano naman ang napagkuwentuhan n'yo ni Miranda tungkol sa akin?" diretso kong tanong
"You ask Miranda na lang, Lucas," tila nahihiyang sabi nito.
"Come on, Wifey. I want to hear it straight from you," sabi ko sa malambing na tinig at ine-encourage si Stasha.
Ilang saglit muna ang lumipas bago ito sumagot. Alam kong nag-iisip ito habang kagat-kagat ang ibabang labi. Bumuntong-hininga ito.
"Well, we just talked how kind and generous you are. How gentleman you are and how you respect women. How--" Huminto ito.
"How?" pange-encourage ko.
Narinig ko ang pagtikhim nito. "How handsome you are. Kaya maraming babaeng nagkakagusto sa'yo."
"Kasama ka ba sa statistics ng mga babaeng nagkakagusto sa akin?" birong tanong ko.
"Oh, my God! In your dreams, Lucas Jaime!"
I threw my head back and laughed. "It's just a question answerable by a 'yes' or 'no', Wifey," sabi ko habang natatawa pa rin.
Hindi ito kumibo.
At nagbigay iyon sa akin ng lakas ng loob. Hindi naman ako torpe pero pagdating sa kanya natotorpe ako.
"Silence means 'yes', Stasha..." sabi ko sa mahina ngunit seryosong tinig.
Katahimikan.
"What do you think, Lucas?" balik-tanong nito.
"Maybe?" nangingiting biro ko.
Natawa ito ng mahina. "Pwede," sagot nito at tumawa. "I'll see you tomorrow. I'll be expecting a handsome guy at my doorstep," ganting-biro nito.
Natawa ako ng malakas.
Damn! I was happy to hear that.
KATATAPOS KO LANG makipag-usap kay Miranda nang marinig kong may marahang kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
"Come in," sabi ko. Ibinaba ko ang cellphone ko sa side table at tumingin sa pinto.
It was my mom.
"Hi, Mom."
"Dumating na ang dad mo kaya nagpa-ready na ako ng dinner natin," nakangiting sabi nito at umupo sa gilid ng kama ko.
Umupo ako sa tabi nito. Kilala ko ang nanay ko at kapag ganitong pinasok ako nito sa kuwarto ko ay may gusto itong sabihin, itanong o ikuwento sa akin.
My mom was a beautiful woman--inside and out. She always made her family--us--her number one priority.
There was no moment in my life or in Lila's life na hindi kami nakaramdam ng sobrang pagmamahal at pag-aalaga mula rito.
At tama rin ang sabi ng iba na ang nanay ang pinakauna mong guro.
She raised and taught me to be a good man--just like my dad. She would always remind to treat women with utmost respect.
Na kahit ano pa ang gawing pagsusuplada ng isang babae sa akin, I have to be patient with women. And never ever retort back.
Dahil ang babae, sabi ng nanay ko, ay dapat tinatratong parang reyna at hindi kailanman sinasaktan--mapasalita man o gawa.
Words of wisdom I memorized by heart.
Kaya kung hindi rin lang ako sigurado sa nararamdaman ko para sa isang babae, hindi ko na lang inuumpisahang makipaglapit dahil ayokong makasakit ng damdamin.
"May nasagap akong tsismis tungkol sa'yo," panimula nito.
There she goes, nangingiti kong sabi sa sarili ko.
I smirked habang nakataas ang isang kilay. "And I thought you are only interested in royal and hollywood gossips," biro ko.
Tumawa ito at malambing akong hinampas sa braso.
"Sabi ni ate Cricket mo, pina-reserve mo raw ang private villa kanina. And sabi naman ng dad mo, hiniram mo ang company chopper," sabi nito na ang tinutukoy ang ang pinsan kong in-charge sa operations sa country club. "And Chef Jenny called me up and informed me that you rushed an order of a blueberry cheesecake from her."
Napakamot ako sa noo. Sa pinakahuli nitong sinabi ako nahiya. I name-dropped her.
"I have a date tomorrow, Mom," pagtatapat ko. Hindi naman ako nahihiyang magsabi rito. She would, in fact, encourage me to date.
Minsan nga ay inirereto ako nito sa mga anak ng mga amiga nito.
Exaggerated na napahawak ito sa dibdib. "Oh,my!" bulalas nito. "My baby has asked a girl out on a date," excited nitong sabi.
Napakamot ako sa ulo. "Your baby? Mom, itong baby mo, pwede nang makagawa ng sarili n'yang baby," biro ko.
"Lucas Jaime!" nanlalaki ang mga matang saway nito sa akin.
I laughed.
Mom looked at me with fondness and love in her eyes. "You asked a girl out, that could only mean that you really like her. Why, 'yung huling pakikipag-date mo, si Auntie Suzy mo pa ang nagreto sa'yo ng ka-date mo."
Napangiti ako nang maalala ko ang date kong iyon. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ako nang maalala si Stasha. "This girl, Mom, si Stasha, I really like her. She is so special to me. "
Tumingin ako sa glass door na patungong balcony ng kuwarto ko na para bang nakikita ko roon si Stasha.
Ibinalik kong muli ang tingin sa mommy ko. "She can make me laugh, Mom. Masaya ako kapag nakikita at kasama ko s'ya. Hindi ko nga namamalayan ang oras kapag kasama ko s'ya. And just by the mere sight of her makes my heart beats faster. She can even make me jealous without her knowing it. Do you know Jacob Maravilla? 'Yung anak ng sorority sister mo?"
"Amor Maravilla," pagsu-supply ng mommy ko sa pangalan ng mommy ni Jacob Maravilla.
Tumango ako. "Nanligaw si Jacob kay Stasha at may balitang naging sila. At nagseselos ako dahil doon, Mom."
Kumunot ang noo ko nang maalala ang eksenang nakita ko noong araw na mag-walk out si Stasha sa kasal-kasalan namin. "I know I don't have the right but I am jealous. Lalo pa at nakikita kong malapit pa rin sila sa isa't-isa."
"Oh, dear," ang tanging nasabi ni Mom.
Ngumiti ako. "But I finally had the courage to ask her out. Kanina lang. At gusto kong matuwa siya sa date namin para makipag-date s'ya ulit sa akin."
I winked at my mom. "That's why I name-dropped you para lang makausap si Tita Jenny."
Winagayway ng mommy ang isang kamay nito. "Don't worry about it anymore. We have to do it sometimes naman just so we can get what we what. 'Wag lang magiging madalas dahil hindi na tama iyon."
"Thanks, Mom," nakangiting kong sabi.
"So--si Stasha-- kelan mo naman s'ya ipapakila sa amin?"
"Kapag girlfriend ko na s'ya."
"Of course, magiging girlfriend mo s'ya. You're a good catch, son."
I smirked. "Yeah, right. Syempre sasabihin mo 'yan kasi nanay kita."
My mom just laughed.

YOU ARE READING
I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas Agoncillo
Teen Fiction(Will be published under BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION - PINK AND PURPLE imprint) Lucas Jaime Agoncillo, currently the President of Student Council was known for his good-super good looks and for his brains, being a consistent Dean's Lister since...