Chapter Twenty-Seven : STASHA

24.5K 473 16
                                    

STASHA

KINABUKASAN AY MAAGA akong sinundo ni Lucas sa bahay. He was in white Ralph Lauren polo shirt, denim pants and sneakers.

He kissed me on the cheek when he saw me and gave me three white daisies--na alam kong pinitas nito sa bakuran namin.

Sabay-sabay kaming nag-breakfast kasama si Daddy.

Nag-usap muna sila sandali ni Daddy while I fixed myself.

Pagkagaling namin sa bahay ay nag-decide kaming magsimbang dalawa sa simbahan malapit sa village namin.

Gusto ko iyon. Parang isang paraan to bless our relationship. Hawak nito ang kamay ko habang nakikinig kami ng misa.

Palihim ko itong pinagmamasdan habang nakaluhod at taimtim na nananalangin.

He was so handsome. And kind, generous and sweet. I was really lucky to have him.

Pagkatapos naming magsimba ay nag-decide kaming pumunta sa bahay nina Miranda.

Wala kaming definite na lakad ngayong araw. Puro spur-of-the-moment thing lang ang pagdi-decide.

But I liked the spontaneity. Iyon bang tipong iyong mismong moment na iyon lang magdidesisyon kung saan kami pupunta.

Parang exciting. And it was even more exciting because I was with the handsome guy named Lucas na sigurado akong hinding-hindi ako pababayaan saanman kami makarating.

Alam na ni Miranda ang tungkol sa amin ni Lucas kagabi pa lang. Masyado kasi akong excited na ipagpabukas pa ang pagkukuwento rito.

"GRABE! TOTOO NGA!" bulalas nito nang mabungaran kami sa pinto na magkahawak-kamay ni Lucas.

Tawa lang ang isinagot naming dalawa ni Lucas habang pumapasok sa bahay nina Miranda.

"Hi, Lolo," bati ko sa lolo ni Miranda at nagmano rito.

Ganoon din ang ginawa ni Lucas. Nag-aalmusal si Lolo Jose at niyaya kaming mag-almusal nito.

"Tapos na po, Lolo," sagot ni Lucas. "Nag-almusal na ho kami sa bahay nina Stasha."

"Ikaw kunwari ka pa, eh," natatawang tukso ni Miranda kay Lucas.

"O, 'di ba, tama ang mga vibrations ko sa'yo? Na matagal ka ng may crush kay Stasha? Kaya pala kahit na nagmamadali ka o kahit malayo sa parking lot, talagang iikot ka pa sa tambayan ng It Girls para lang masilayan si Stasha."

Sinundan nito ng hagikgik ang sinabi habang nanunuksong nakatingin kay Lucas.

Pagkatapos ay tumingin sa akin si Miranda. "Lagi kaya siyang tampulan ng tukso namin sa council's office."

Napatingin ako kay Lucas para kumpirmahin ang sinabi ni Miranda.

He flashed me a handsome smile. "Guilty as charged."

A glint of mischief is his eyes. Na parang isang batang nahuli sa kapilyuhang ginawa.

Ibinaling ko ang tingin kay Miranda. "Eh, bakit naman ngayon mo lang ikinuwento 'to ha?" nangingiting tanong ko.

Miranda just smiled and shrugged her shoulders. "There's no need for that. You and him? I can see it coming. It doesn't take a genius to figure that out. Alam kong hindi magtatagal, magtatapat si Lucas sa'yo ng nararamdaman niya."

Pilya pa itong kumindat kay Lucas na ikinatawa naming pareho ni Lucas.

Pagkatapos ay magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Hawak pa rin ni Lucas ang kamay ko.

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloWhere stories live. Discover now