Chapter Eleven : STASHA

22.2K 500 47
                                    

Hi, there! Lotsa' Love!

STASHA

"LUCAS!" BAKAS SA mukha nito ang pagkagulat nang mabungaran kami.

Pagkatapos ay tumingin sa akin at nginitian ako ng maluwang. "Hi, Stasha."

I did not smile back Tinanguan ko lang ito habang pormal ang mukha ko.

Nagngingitngit ang kalooban ko. Ito pala ang dadaanan ni Lucas.

"Tuloy kayo," yaya ni Miranda at niluwangan ang bukas ng pinto.

Kahit na nakakaramdam ako ng inis ay hindi ko naiwasang mapansin ang kagandahan ni Miranda.

Kahit na lumang pink T-shirt and shorts lang ang suot at hindi maayos ang pagkakatali ng buhok nito ay lumutang pa rin ang bumbaying ganda ni Miranda. Lalo tuloy akong nainis.

Tumingin si Lucas sa akin pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Miranda.

"Hindi na," tanggi nito. "Dumaan lang ako para ibigay 'to," sabi nito at inabot ang Macbook. "At ito," dagdag nito at ibinigay ang malaking supot ng in-order nitong Jollibee food kanina.

Naitakip ni Miranda ang kamay sa bibig para pigilan ang excitement nang makita ang dala ni Lucas.

"Jollibee!" parang batang sabi nito, "Ano ba? Dapat sa lunes mo na lang dinala 'to," nahihiyang sabi nito.

"Alam ko kasing manghihinayang ka sa masasayang mong weekend dahil wala kang nagawa sahil sa sira mong desktop."

"Nakakahiya naman," sabi ni Miranda. "Basta hiram lang 'to, ha?"

My eyeballs rolled. Naiinis ako dahil obvious namang gusto ni Miranda na makuha ang Macbook.

Huling-huli ako ni Lucas sa pag-ikot ng eyeballs ko pero wala itong sinabi. I crossed my arms at nagpakita ng pagkainip.

"Hindi na kami magtatagal, Miranda. Ikaw na lang magsabi kay Lolo na hindi na ako nagpakita sa kanya kasi nagmamadali na rin kami," sabi nito.

"Ah, oo, ako na lang magsasabi. Maiintindihan naman ni Lolo 'yun." Tumingin ito sa akin. "Pasensya ka na, Stasha, ha. Naabala pa pati ikaw."

Hindi ako sumagot. Tinaasan ko lang ito ng isang kilay.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami kay Miranda. Inihatid pa kami ni Miranda hanggang sa kalawanging gate nila.

"You know what, Stasha, sometimes you're a snob," pormal ang mukhang sabi ni Lucas nang makaakyat na si Miranda sa hagdan at hindi na nito maririnig pa ang sasabihin ni Lucas.

"When someone smiles at you it is but right to smile back. You gave Miranda a brush-off back there," sabi nito na itinuro pa ang bahay nina Miranda.

Para akong batang pinangangaralan nito.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na papangaralan ako ni Lucas na parang bata dahil doon.

Dahil kay Miranda.

Dahil sa crush nitong si Miranda!

"Don't be such a snob, Stasha."

Napakuyom ang mga palad ko sa magkabilang gilid ko. "I'm not a snob," sabi ko na napapadyak pa.

"You are," sabi ni Lucas at iginiya na ako sa passenger seat.

Binuksan nito ang pinto ng kotse at sumakay ako.

"I'm not," mariin kong sabi nang makaupo ako sa loob.

Idinukwang nito ang ulo sa loob ng kotse at inilapit ang mukha sa mukha ko. Napalunok ako dahil sa closeness namin. Naamoy ko na naman ang mabango nitong cologne.

"You are," mariin nitong sabi at saka isinara ang pinto ng passenger seat. Pagkatapos ay umikot ito sa driver's seat at sumakay.

Bago ito sumakay ay kinuha nito ang messenger bag na naiwan nito sa driver's seat. Hindi ko sana papansinin iyon dahil naiinis ako rito pero may nahagip ang mga mata ko.

Our "wedding ring".

Bago nito mailagay ang bag sa likuran ng sasakyan ay hinawakan ko ang singsing na ginawa nitong chain tag.

Nakakabit ang singsing sa isang gintong chain at ikinabit nito sa bag nito. Hindi ko napigilang mapangiti.

So, he was keeping it.

It made me smile and I chewed on my bottom lip para hindi lumabas ang ngiti ko.

All the while pala ay nasa bag na laging dala lang pala nito ang singsing.

"Ginawa mo palang chain tag ang singsing," kaswal kong sabi.

Hinawakan muna ni Lucas ang singsing. Ngumiti ito at saka inilagay ang bag sa likuran ng sasakyan.

"Where's yours?" tanong nito at in-start ang sasakyan.

Sumandal ako sa backrest ng upuan at humalukipkip. "I threw it away."

"You did what?!" gulat na tanong ni Lucas.

Hindi nito nagawang paandarin ang sasakyan. Humarap ito sa akin.

"I threw it away," ulit ko and raised my chin defiantly habang nakataas ang isang kilay.

Parang nakaramdam ako ng pagkapanalo nang makita ang pagkagulat sa mukha nito. Para akong nakaganti rito sa pangangaral nito sa akin kanina.

Napatiim-bagang ito. "You don't throw wedding rings away, Stasha," nakasimangot nitong sabi.

I pouted my lips. "I just did."

Napasuklay ito sa buhok. "Magagalit ang pari sa 'tin," hinaluan pa nito ng biro ang sinabi kahit na sa tono nito ay naiinis at disappointed ito.

Tumaas ng isang kilay ko. "You mean, Tres Esquivel?"

Tinitigan ako nito. Bigla naman akong nakaramdam ng pangingimi.

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang tingin nito.

"Well, if for you, the ring is not worth keeping, I guess, I cannot do anything about it..." anito.

Napatingin ako rito. Nasa tinig nito ang disappointment at lungkot. He smirked. His eyes looked sad.

Parang natakot ako sa reaksiyon nito. Was he back to giving me a poker face?

Gusto ko na tuloy aminin na hindi ko namang itinapon ang singsing.

Itinago ko ang singsing sa isang maliit na pouch kasama ang rosary na galing sa Vatican na iniwan sa akin ng mommy ko bago ito namatay.

The rosary was so important to me. It reminded me of my mother and her love for me.

Doon ko rin isinamang itinago ang "wedding ring" namin ni Lucas.

Hindi ko alam kung bakit. Balak ko na nga iyong itapon noon pero hindi ko magawa-gawa. I didn't have the heart.

Parang merong parte sa akin ang malulungkot at manghihinayang kapag itinapon ko iyon.

Naisip ko na lang na gawing remembrance sa kayabangan at pagpapaiyak sa akin ni Lucas sa "araw ng kasal" namin.

Dala-dala ko palagi sa bag ko ang rosary. I felt safe whenever it was with me.

And surprisingly, ganoon din ang epekto ng singsing sa akin kapag dala ko iyon.

Hindi na nagsalita si Lucas pagkatapos noon. He would look at me and then would flash me a smile. Pero ngiti na hindi umaabot sa mata.

Habang nagda-drive ito ay tila napapaisip at napapakamot sa noo.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit. Dahil ba sinabi kong itinapon ko ang singsing?

Ganoon ba iyon kahalaga rito?

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloWhere stories live. Discover now