Kapag...

11 1 0
                                        

Kapag nagtatalo tayo
Kapag nagsalita ka na
Siguradong talo na ako
Lalo na kapag galit ka na
Pero mas lalo kapag umiyak ka pa
Nakatatakot
Nakatatakot kasi baka sabihin mo nang, "Hindi na kita mahal. "
Baka kasi masabi mo
Lalo kapag galit ka
Bugso ng damdamin eh

Kapag nagtatalo tayo
Siguradong talo na ako
Wala eh
Baka mauwi sa hiwalayan pa
Pagsisihan ko pa

Kaya kapag nagtatalo tayo
Tatahimik ako
Makikinig ako sa'yo
Kapag tapos mo
Okay na tayo

Ang saya 'di ba?
Away lang
Walang hiwalayan...

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now