Takot

23 2 0
                                        

Takot

Minsan mo na ako binihag. Aaminin ako'y naduwag tila buntot ko'y nabahag. Lilimang letra kung ating titingnan ngunit ka'y lalim ng 'yong kahulugan. Natatakot ako... Dahil nariyan ka na naman at handang lumukob sa aking sistema. Hindi ko mawari, bakit kailangang magbalik ang lilimang letrang 'yan? Anong nais ipabatid? Na ako'y apoy at ika'y tubig at sa huli'y magtatagumpay na ako'y iyong muling matupok? Para saan? Nais mo bang ako'y sukating muli? Sukatin ang aking tiwala kay Amang hari at sa'yo ay muling magpa-angkin? Hindi maaari! Ika'y lilimang letra lamang 'di gaya ng aking tiwala sa taas! Ito'y walang hanggan! Takot... pangako ko'y mananatili ka na lamang na nakaraan. Ang nakaraang minsang tumupok sa nag-aalab kong paniniwala sa itaas.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now