Mr. Instructor

62 5 4
                                        

A/N: Hi guys. Naisip ko lang to kanina bago ako matulog nang hapon. Hope you'll like it.
***

Panibagong araw na naman at kung mamalasin ka nga naman unang araw nga pala ng klase namin sa NSTP. Tuwing linggo lang ang klase namin sa NSTP, and I chose ROTC as my NSTP. Ayaw ko mag-CWTS, walang thrill masyado. Though not literally klase 'yon kasi military training siya. Anyway anong oras na nga pala?

"What! Mama ba't hindi mo naman ako ginising! Mag-aalasiyete na at malalate na ako! " Seven thirty and class formation namin at ayoko sanang mahuli hanggat maaari dahil first day pa naman. How I wish 'wag naman!

"Alexia 'wag ka nga sumigaw! Ginising kita kanina pa diyan! Sadyang tulog mantika ka lang."

Ba't wala naman akong naramdaman na gumigising sa'kin kanina? Makaligo na nga muna.

After 15 minutes, natapos rin ako sa paliligo. Ang nakakainis lang naman sa susuotin; first, kailangan naka-tack in ang plain white T-shirt sa maong pants namin. Second, kailangan naka pony tail ang buhok mo. Tapos kailangan white socks pa. Well para sa mga girls lang naman 'yan so don't imagine na para sa boys 'yan ok?

"Alexia de Guzman! Tutulala ka na lang ba diyan o papasok ka na!"

"Papasok na ho! Ma, baon ko nga pala?"

Binigyan naman ako ng 70 pesos since lalakarin ko lang naman ang papuntang eskwelahan. Gosh, 7:18 am na! Huwag naman po sana akong malate. Crossed fingers.

After 5 minutes nakarating naman ako sa school.

"Pakitanggal ang earrings mo pati na din 'yang relo mo. Next time, 'wag ka nang masuot ng mga alahas baka maibenta namin 'yan." Nakangiti naman siya. Siguro isa sa mga maghahandle sa amin.

"Opo sir."

Natapos ang pagbibilad sa amin. Wala naman masyadong ginawa since first day pa lang siguro by next training day mas magiging mahigpit sila. Nakakainis lang 'yong ibang babae na pabebe. Sarap ibaon sa lupa eh. Nag-ROTC tapos mag-iinarte ka te?

"Alexia, kumusta naman ang ROTC niyo? Mahirap ba?" Tanong ng isa kong blockmate. Hindi ko nga sila maintindihan e, naturingang mga lalaki pero CWTS ang pinili nila. Ilan lang ata kami nag-ROTC bilang NSTP namin and for the record, isa lang ang lalaking kumuha ng ROTC.

"Okay naman, basic nga e," sabay tawa ko sa kanila.

"Sus, bayabas ka Alexia." Sabay tawa din niya. Sa mga hindi nakaka-alam, bayabas means mayabang.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas muna ako since wala namang prof ngayon, baka may faculty meeting. Lakad lang ako nang lakad. Malaki rin naman pala ang eskwelahan namin kahit papaano. Kasi kung titingnan mo parang ang liit lang niya.

"Alex! Alex!"

Makapunta nga muna ng canteen, bigla akong nagutom. Sana wala pa ding Prof.

"Alexia! Alexia de Guzman!"

Alexia de Guzman? Sh*t ako 'yon a!

Nilingon ko naman, only to find out n isang gwapong lalaki ang tumatawag sa'kin. Hindi ko naman siya kilala. Well, hindi naman ako attracted sa kaniya besides kailan nga ba ko na attract sa lalaki?

"Bakit po kuya? May kailangan po ba kayo?"

"Nahulog mo kasi itong ID mo kanina lang. So tinawag kita." Sabay about sa'kin ng ID ko.

"Maraming salamat po. Sige po, mauna na po ako. Nagugutom na po kasi ako e. Maraming salamat po ulit. " I know I may sound rude pero nagugutom na talaga ako e.

Nag-umpisa na akong maglakad pero bigla na naman siyang sumigaw. Pansin ko lang, hobby niya ang sumigaw? Parang nakalunok ng megaphone e.

"Bakit po?"

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now