Unan

64 3 0
                                        

Boses mo ang magiging inspirasyon ko. Paningin mo ang magiging gabay ko. Kamay mo ang magiging kasangkapan ko. At katawan mo ang magiging sandalan ko. Lahat ng ako ay magiging ikaw. Sa bawat pagbagsak ko'y aasahan ko ang malamlam mong mga matang nakatingin sa akin, sinseridad na sa'yo ko lamang nadadarama. Sa bawat luhang papatak mula sa'yong mga mata, papawiin ng aking maiinit na palad. At sa bawat paglapat ng ating katawan ay sisiguraduhing walang sasayanging sandali. Kaya ngayon, hayaang magpahinga sa aking tabi.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now