Ilang taon na nga ba?
Simula nawala ka?
Ilang buntong hininga pa ba?
Nawala ka ngunit ang sakit ay nandito pa
Ilan pa bang buga?
Sana'y ito'y huli na
Paki-usap masakit naNaaalala ko, noong ako'y musmos pa
Kitang kita ko mula sa kalsada
Na noo'y palaruan ko
Na ngayo'y lugar para sa mga lasenggo
Ang kurba sa'yong mapupulang labi
Ang pinakaaaliwan kong mga ngitiAng walang katuturan mong biro
Na kahit kwentong barbero
Ayon at ikukuwento mo
Kaya ako? Walang magawa kung 'di ang sumagot ng oo
Dahil kung hindi, katumbas ay hampas at palo
Baka diretso na naman sa mukha koAng mga mapang-asar mong banat
Na kahit ang aking balat
Hindi mo na gawang mapalampas
Mang-aasar ngayon, 'wag mag-alala may kasunod pa matapos ang isang oras.Ang panunuod natin ng nakatatakot
Sa halip na mabahag ang 'yong buntot
Ayon at iiyak ka pa. Sa takot? Hindi naman pala
Akala ko noon, baliw ka
'Yon pala'y napapangitan ka sa multo, sa kaniyang mukha.
Ngunit sa huli'y tatawa ka
Ayon na't nabaliw ka na
Ako'y lalayo't baka mangagat kaTama na! Ilang alaala pa ba?
Pakiusap... Masakit na
Ang 'yong imahe sa'king panaginip
Ang buhok mong iniihip
Na tila sumasabay sa saliw ng hangin
Na hindi ako magawang patuluginHindi ko maatim na masaya ka
Masaya ka samantalang ako'y nangungulila
Na kahit sa tabi mo, ako'y wala. Ngiti sa'yong labi'y makikita
Sa itaas, tunay bang masaya?
Kapag ba ako sayo'y sumama
Ang sakit ba'y mawawala?
Ang sakit ba'y mapapalitan ng tuwa at saya?
Tayo ba'y pagtatagpuin at magkikita? Makakasama?Nawala ka ngunit nag-iwan ng supling
Nakuha ang 'yong pagiging masayahin
Sabi nila'y 'carbon copy' mo raw
Ngunit hindi niya mapalitan
Ang lungkot na nag-uumapaw
Bagkus ay mas nadagdaganSa aking kanduan, si Eya ay mahimbing na natutulog
Hindi mapigilan, luha na naman ay umaagos
Ate... Bakit hindi ko magawang bumitaw?
Na kahit ulo'y iumpog
Ang lungkot sa aki'y gumagapos
Ate... Hindi ko magawang bumitawMga alaalang ang hirap bitawan
Na tunay nating pinagsaluhan
Na kahit sa aking panaginip
Ikaw ang laging nasa sa isipAte... Namimiss na naman kita
Ate... Death Anniversary mo 'di ba?
Sa puntod mo ba'y kayong pumunta?
Ate... Kaya ko na ba?
Ang makita, pangalan mo'y nakaukit sa lapida?
Ate na saan ka na ba?
Ate... Pakiusap umuwi ka na
Naghihintay si Eya.

YOU ARE READING
Random Thoughts
PoetryCompilations of my randomness as a newbie Author. It maybe a poems, short story, essay or what ever that may comes to my mind. Highest rank achievement #908 in Short Story. All Rights Reserved 2015 ♠ Antukin Productions ♠