Sa aking pagkaka-alaala, pusa akong pakalat-kalat
Nagpaskil kay Mamang Facebook na magrarandom chat
Naghahanap kasi si Pusa nang makakausap, kung maaari lahat
Malay mo ikaw pala aking hinahanap, kaya kausapin mo'ko 'yon ang dapatSabi ko pa, "Ako ang magrarandom chat. Ako 'yong kakausap"
Pero saki'y may nang bigla, nagpadala ng mensahe. Saki'y kumausap
'Di kalaunan, ika'y humingi ng pasensiya
Sabi mo, "Sorry, boring ako kausap" Ewan ko pero nakatutuwa ka
Tugon ko sana, "Mas nakababagot pa ako" pero hinayaan kita
Bakit? Hindi ko na maalala, hayaan na nga. Okay lang ba?Ang kasabihan ng matatanda, lahat ay may wakas
Tanong ko, pag-uusap nati'y doon din ba magwawakas?
Pero napag-alamanan, isa ka rin palang manunulat
Hindi akalain napakagaling mo palang sumulat
Sa paggamit ng mga malalalim na Wikang Pilipino
Doon mo mas napabilib akoKailan nga ba nag-umpisang sumali sa patimpalak?
Paano nga ulit? Sa pagkakaalala ko, noon ako'y 'yong naitag
Pero seryoso, ito ang una kong sasalihan
Ano ba dapat? Dapat ba ako may asahan?Laking pasalamat sa patimpalak, doon ay mas nakilala ka
Sabi ko, "Ay, maaari ko 'tong maging ina-inahan. Ang tanong, maaari kaya? "
Akala'y 'di papayag. Noon kasi, nag-aalangan ka pa
Pero walang panama sa pusang makarisma'Meme, ' 'yan ang itinawag ko sa'yo
Pinaarteng Mama. Wala eh, maarte ang pusang 'to
Mama kasi naghahanap si pusa ng kalinga
Isang kalinga na tanging ang Ina ang mapapadamaKapag may problema ako
Ikaw, meme ang takbuhan ko
Kapag ayoko nang umiyak
Sasabihin mong, "Iiyak mo lang lahat"
Kaya kahit alam kong sobrang masakit na
Nandiyan naman ang imaginary mong yakap paSi Meme na nadarapa pa, sa 'yong 'post' aking nakita
Mga gamit mo, kung 'di nahuhulog, nawawala
Si Meme, alam kong makikita ko
Maaaring hindi ngayon, pero malay mo
Nakalimutan ko, Mika Reyes, kaniyang iniidolo
Napakagandang dilag na, magaling pang manlalaroBaka 'yong tanungin, "Para saan 'tong tula? "
Maaaring balik-tanaw kung paano nagkakilala
Pero para sa'kin, isa 'tong maliit na pasasalamat
Na sa isang tula, roon ko lamang mailalahad
Kaya sana naisawalat ko ang lahat-lahat
Kung 'di naman, kahit kalahati nang nararapatNgayon, paano nga ba 'to tatapusin?
Dapat bang magtapos sa madramang linya?
'Yong tipong maluluha ka na may kasamang uhog pa
Pero 'wag naman sana. Sige Meme, papangit ka
Hayaan nga't ikaw na ang humusga
Sana hanggang dulo'y iyong basahin
Tulang pinag-ukulan ng pansin
Nang isang Pusa na isda ang kinakain

YOU ARE READING
Random Thoughts
PoetryCompilations of my randomness as a newbie Author. It maybe a poems, short story, essay or what ever that may comes to my mind. Highest rank achievement #908 in Short Story. All Rights Reserved 2015 ♠ Antukin Productions ♠