Happy New Year mga Idol ^_^ wohuuuuuuu !! :D Oh galit pa din ba kayo ?? hahah Peace na muna tayo heheh ;) Christmas Fools palang yun mga Idol heheh abangan natin yung april fools wahahah XD :D
Enjoy Idol ;)
-------------------------------
Den - " (cough) ( cough) ..."
Ella - " Oh Den .. mukhang malala na yang ubo mo ah .. "
nag lalakad na sila papunta ng parking area , kasama nila sila Mich at Jia .. si Jho sumabay na kay Bea para dumaretso ng hospital kasama si Maddie at Amy . ang mga Rookies naman nauna na ding umuwi dahil sa pagod na nararamdaman pag katapos ng laban . si Mae naman umuwi na din mag isa .. sila Coach Cha naman nauna na din kasabay ng mga bisita nila
Jia - " Oo nga naman Ate Den .. "
naglagay na ulit ng earphones si Mich sa tainga nya , hindi naman sa ayaw nyang makipag usap . sadyang ito lang talaga ang lagi nyang ginagawa para malibang . nakita naman ito ni Jia pero hindi na lang pinansin , tulad lang nuon . balik na sila kung anong meron sila dati pero mukhang si Mich lang ang bumalik sa dati pero si Jia mukhang may iba .. hindi lang nya maamin sa sarili nya pero parang may iba lalo't may nginingitian na iba si Mich .
Den - " ah wala lang 'to ... siguro dahil lang sa lamig "
nagtitigan naman si Ella at Jia dahil napansin nilang parang ang bigat ng pag hinga ni Dennise , kaya naman hinipo ni Ella ang nuo ni Dennise .
Ella - " hala !! nilalagnat ka !! "
Den - " OA huh ? Lagnat laki lang yan "
Jia - " Ate lalaki ka pa ba ? "
dahil sa sinabi ni Jia , ayun kinurot lang naman sya ni Dennise . hindi naman malakas dahil nang hihina na din si Dennise .
Ella - " hay naku .. mabuti pang bilisan na natin at baka abutan tayo ng ulan .. para makauwi ka na din at makapag pahinga .. "
Mich - " tama si Ella .. kailangan ka namin sa team "
ngumiti na lang si Dennise dahil kahit papaano may pakelam na si Mich sa Team , tama naman si Mich kailangan si Dennise ngayun pa't nasa Final Four na sila . siguradong hindi na biro ang makakaharap nila , kaya kailangan nilang mas lumakas .
nakarating na sila ng parking lot at sumakay na sila Jia at Mich sa kanilang kotse , si Ella naman ay tinignan pa si Dennise na parang may kinukuha pa sa loob ng bag .
Ella - " Oh .. anong problema ? "
Den - " Yung susi ko kasi .. hindi ko makita "
patuloy naman sa kakahalughog ng sport bag pa si Dennise para makita yung susi nito sa kotse nya .
Den - " naku ! baka naiwan ko sa BEG .. "
Ella - " oh tara .. balikan na natin "akmang lalakad na sya ng biglang nag salita si Dennise
Den - " ah ano .. ako na lang Ells , mauna ka na .. ako na lang ang babalik sa BEG "
Ella - " HUh ? hindi naman pwede yun ! may sakit ka at baka mapaano ka pa pag hinayaan lang kita .. mukhang uulan na "

YOU ARE READING
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...