Surprise !! :D hahah dapat nextweek ko pa UD to pero dahil beerday ni Idol/Master/Devon ng buhay ko ! HAHAHAH joke ! ;) ^_^ ayan nag UD na ako heheh ... so yun lang enjoy Read Idol's !! (n_n)
-------------------------
sa loob naman ng restaurant tahimik lang nakain si Dennise samantalang yung iba nyang kasamahan ang liligalig . sa mamahalin sila kumain at sagot naman ni LA kaya okay lang mag pakabusog si Ella .
malalim ang pag iisip ni Dennise ngayun dahil hindi nila kasama si Alyssa at ang bago nilang Coach Cha . " tss talagang pinandigan niyang hindi sumama huh ! bahala sya dun ! mag sama sila " sa isip na lang nya
napansin naman ni Ella na napapahigpit ang kapit nito sa tinidor at akala mo mananaksak , kaya naman pasimple syang lumayo ng kaunti at binulungan si Mae sa tabi nya ,
Ella - " Mae-----" naputol ng sasabihin nya ng biglang mag salita si Mae
Mae - " Ella , omorder ka na lang ulit .. kulang pa ito sa akin eh ! "
nung una nag taka si Ella pero sa huli naintindihan nya yung sinabi ni Mae kaya ayun . napabuga ng wala sa oras si Mae ng biglang kiniliti sya ni Ella sa tagiliran .
Mae - " putik ! problema mo na naman bang liit ka !? "
Ella - " shhhh wag kang maingay ... " lumapit pa ito lalo kay Mae " may napapansin ka ba kay Den ? "
tumingin naman si Mae kay Dennise at napansin nyang tahimik lang ito habang kumakain . muli nitong tinignan si Ella at bumulong din .
Mae - " wala naman ah ... bakit ? "
pareho na silang pasimpleng napasilip kay Dennise , pinag lalaruan na nito ang pag kain nya at muli silang nag titigan .
Ella - " parang may gumugulo kasi sa isip nya ... " bulong nya
Jia - " hoy ! anong pinag bubulungan nyung dalawa ? "
tinakpan naman ni Mae ang bibig ni Jia na katabi lang nya dahil sa malakas na boses nito . nilawayan naman ito ni Jia .
Mae - " YUCK !! " sigaw nya bigla
umayos naman ng upo sila Ella at jia at napatingin lahat kay Mae , pati si Dennise napatingin din kay Mae .
Mae - " YUCKYSOBA Oo tama .. parang gusto ko ng Yakisoba heheh " ngumiti ito ng alanganin
nag kibit balikat naman ang lahat at nag patuloy na lang sa kinakain , pasimpleng sinipa ni Mae ang paa ni Jia na kasalukuyang nag pipigil lang ng tawa .
LA - " Babe may gusto ka pa ba ? "
umiling naman si Dennise kahit hindi ito nakatingin kay LA . narinig na lang nila yung malalim na pag hinga ni Dennise . tumingin naman si LA kay Myco pero kibit balikat lang ang sinagot nito sa kanya . tumingin na lang ulit si LA kay Dennise .
LA - " ahmmm gusto mo bang mag pahinga na lang ... gusto mo ihatid na lang kita ? "
Den - " wag na LA .. pag katapos nito kay Ella na ako sasabay " ngumiti na lang ito ng pili
sa totoo lang parang zombie sya ngayun , aware naman sya dun . siguro dahil na din sa pagod pero twing titignan nya si LA parang may hinahanap sya dito . hindi lang nya maintindihan kung ano yun .
kita ni LA kung paano ngumiti ng pilit si Dennise , balak pa sana nyang mag tanong ng biglang tumayo si Dennise at nag paalam na pupunta na muna sa Comfort room .

YOU ARE READING
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...