Chapter 18

11.5K 278 78
                                        


Konting paalala lang po mga Idol's .. wala po akong alam sa larong volleyball pero dahil sa panunuod ko may mga nakuha na akong moves hahah .. pag pasensyahan nyu na lang yung kalalabasan ng laro nila .. seryoso wala talaga akong kaalalam alam kung paano gumawa eh heheh .. bawi na lang ako sa 'Tunay na laban' . Enjoy Idol's ^_^


-----------------------------------------------------




sinunod naman ni Alyssa ang utos ni Coach Cha , tumakbo sya pabalik ng bahay nila Coach Cha para kumuha ng maiinum sa mga bisita . 

habang tumatakbo sya naiisip nya kung buhay pa kaya sya pag katapos nitong kunin lahat ng maiinum . ganun pa man wala syang magagawa kundi ang sumunod na lang .

Aly - " psshh pwede bang sabihin nyu sa akin .. bakit ko nga ba pinasok ito !!! " sigaw na lang nya

wala naman nakarinig sa kanya kasi nasa kalayuan na sya ng Beach , napatawa na lang sya ng mahina ng maalala na nagmumukha na naman syang ewan . napahinga na lang sya ng malalim atsaka sinabi sa sarili ang mga katagang pang palakas ng loob nya .

Aly - " Kaya ko to ! " 


-----------------


nasa kalagitnaan na ng paglalaro ang bawat kupunan , aminadong mas mahirap mag laro ng volleyball sa buhanginan kaya naman ang team nila Dennise ay humihina ang dipensa at opensa .

napansin naman iyon ni Coach Cha kaya agad itong humingi ng time out kay Mang Tai , agad naman nag siinuman ng tubig ang WVT dahil sa pagod . 

Bea - " ahhh ! " sigaw nya pag katapos uminom " grabe ! ang hirap talagang mag laro sa Beach ... "

Den - " wag ka ng mag reklamo .. talunin na lang natin sila "

pareho naman silang napatingin sa kabilang team at nakita nilang hindi man lang ito nahirapan sa pag lalaro . kung sabagay dati na silang napasali sa Beach Volleyball kaya hindi na sila nahirapan . 

Coach Cha - " pagod na ba kayo ? "

agad silang napatingin kay Coach Cha , seryoso ang mukha nito kaya naman kinabahan sila dahil siguradong magiging beastmode ito ., pero laking gulat nila ng biglang ngumiti ito at tumingin din sa kabilang team .

Coach Cha - " Apat palang sila pero nahihirapan na kayong manalo ... " 

napayuko sila dahil hindi nila alam kung anong sasabihin , kung advantage ang pag uusapan nasa WVT yun pero kung sa experience naman ang pag uusapan , nasa kabilang team iyon .

Coach Cha - " bakit nga ba tayo nandito ? " ginala nya sa team nya ang paningin nya " bakit pa kayo nagpakihirap kong mag papatalo lang kayo sa kanila ? " 

naiyukom naman ni Dennise ang kamao nya dahil wala syang nagagawa sa dipensa , ganun pa man hindi pa sya sumusuko . ayaw nyang sumuko , kaya naman tinapik nya si Bea sa balikat at napatingin naman ang huli sa kanya .

Den - " kaya natin ito .." 

napangiti naman si Bea ng marinig nya iyon , parang narinig na nya ito nung mga panahon na tigahanga lang sya . muli tinignan nya ang score bored na nasa tabi lang ni Jai . 

Bea - " 7-15 " lamang ang kabilang team " heheh ...hahahahah HAHAHAHAHAH " 

napatingin naman silang lahat kay Bea dahil sa mula pag hina nito ng tawa hanggang sa palakas , napakamot na lang si Bea sa nuo nya . " tss Alyssa ... " sa isip nya na may ngiti sa labi nya .

Nerdy FighterWhere stories live. Discover now