dahil sabaw 'to .. hindi ko na pinatagal hahah XD :D panalo din kagabi yung BGSM ! Wohuuuuu champion mga Idol !! hindi na kangkong wahahah XD :D
sorry Idol's biglaan lang eh kaya nakapag UD ng sabaw hahah .. Enjoy na lang Idol's ^_^
-------------------------
ito na ang huling araw ng puspusang insayo nila , halos lahat nasa BEG at hinihintay lang nila si Coach Cha . katatapos lang nila ng training dahil bukas na ang pinakaabangan nilang laban , umpisa palang kailangan nilang ibigay lahat . dahil mapupunta lang sa wala ang pinag hirapan nila .
hindi na hiniwalayan ni Alyssa si Bea dahil alam nyang kailangan ni Bea ng karamay dahil hindi pa din nagalaw si Maddie para pag ayusin sila ni Jho .
si Dennise naman ayos naman sila ni justine , pero nitong mga nag daanang araw madalas laging may ginagawa si Justine . hindi naman nya ito tinatanong kung anong pinagkakaabalahan dahil sa totoo lang mas pinagkakaabalahan pa ni Dennise si Alyssa .
nagdaang araw ay dumidikit na ito kay Alyssa , hindi na din nya ito pinapahiya sa maraming tao . pero hindi naman maiwasan ni Dennise na kumulo ang dugo dahil patuoy ang pag dikit ni Laura kay Alyssa . minsan pa nga nung kumain ulit sila sa lomi ni Manang Mi , nagulat na lang silang dalawa ni Dennise at Alyssa dahil biglang sumulpot si Laura at dun na nakikain , sa inis ni Dennise iniwan nito si Alyssa .
napansin naman ni Alyssa ang kakaibigang ginagawa ni Dennise , minsan mabait pero madalas masungit . buti na lang nandyan si laura na hindi nya alam na yun ang dahilan kung bkit madalas mainit ang ulo ni Dennise sa kanya .
Coach Cha - " kompleto na ba lahat ? "
agad naman lumapit ang mga player kay Coach Cha , napansin nilang may hawak itong malaking box . ganun din naman si Alexa at mukhang alam na ni Alyssa kung ano ang laman ng box na yun .
Bea - " Coach uniform ba namin yan ? "
ngumiti na muna si Coach Cha kay Bea bago tumungo , na-excite naman ang lahat dahil sa nalaman .
Coach Cha - " yung iba hindi ko na pinalitan ng jersey No. "
nag umpisa na nitong ibigay ang uniform sa mga player , si Alyssa tahimik lang sa likod habang ang iba nag yayabangan na . umupo na muna ito sa bleachers saka pinagmasdan ang buong team habang nag kakasiyahan sa natangap nilang uniform .
naalala nya nuon nung bago pa sya sa Volleyball , labis ang tuwa nya ng makatangap sya ng uniform . hanggang ngayun tandang tanda nya pa ang jersey no. nya . napangiti na lang sya dahil siguradong nabalutan na ito ng alikabok sa luma nyang kagamitan .
Alexa - " oh ba't nandyan ka pa at hindi mo kunin yung uniform mo ? "
Aly - " anong uniform ? hindi naman ako kasali eh ... "
Den - " teka .. may natitira pa ah "
kinuha nito yung nag iisang uniform, tinignan nya kung anong pangalan at maraming nagulat dahil sa nakita nila .

YOU ARE READING
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...