Chapter 7

12.6K 289 46
                                        



yow mga Idol's ! pasensya na kung ngayun lang natapos hahah ang hirap kasi itakas yung laptop , bawal kasi sa hospital hahah XD so ito muna mga Idol :) :) Enjoy read Idol's  

-------------------------------



Bea - " ARAY !! para saan naman yung pag bato mo ng unan !!? wala man lang good morning Bea !? " 


paano ba naman pag dilat agad ni alyssa ng mata sumalubong na sakanya yung nakakalokong ngiti ni Bea . nakasandal ito sa pinto at parang hinihintay lang nito ang pag gising nya " tsk ! sa susunod talaga ilalock ko na ang pinto ! " sa isip na lang ni alyssa saka dumapa at nag takip ng una 

Bea - " hoy hoy hoy ! tanghali na po kamahalan ! baka gusto mo ng tumayo ! "

Aly - " arrgggg ano bang kailangan mo!? ang aga aga pa eh !! sa pag kakaalam ko wala naman kayong training ngayun , bakit nang gugulo ka na naman sa akin !? " 

Bea - " ihhhhh aalis tayo ... " ngumiti pa sya ng pagka tamis tamis 

mas lalong nag talokbong si Alyssa ng unan , dahil makulit si Bea lumapit na ito kay alyssa at pilit na inaalis ang unan sa ulo ni Alyssa .

Bea - " ano ba naman yan baldo ! dali na bangon na ! samahan mo lang naman ako mamili ng gamit eh !! " pilit nya pa ding inaalis yung unan sa ulo ni alyssa 

Aly - " ayoko ! " 

isang malakas na bwelo ang ginawa ni Bea para maialis nito ang unan kay alyssa . dahil pilyo din si alyssa binitawan nya yung unan kaya ang loko napahandusay sa sahig 

Bea - " aray !! kanina ka pa !! ano ba alyssa ! bumangon ka na !! " tumayo sya at nakita nyang nakadapa si alyssa kaya dinaganan nya ito " ayaw mong bungon huh ! " 

Aly - " aaraaaaay ano ba bea ! umalis ka nga dyan ang bigat mo kaya !! "

Bea - " eh bumango ka na kasi !! 

Aly - " bea ! alam mo ba yung salitang pagod !? pagod na pagod ako , kailangan kong mag pahinga kahit ngayung weekend lang ! " umupo sya at nag pungas pa ng mata " grabe ang pagod ko kagabi dahil nilinis ko lang naman yung Gym ! tapos nabasa pa ako ng ulan ! ngayun naman yayayain mo kong mag mall ! ano hibang lang !? " 

Bea - " ang dami mo pang sinasabi .. nag handa na ako ng almusal , 5 min lumabas ka na lalamig na yung almusal natin " 

basta alam ni Bea na umupo na si alyssa galing sa pag kakahiga . hindi na ito matutulog pa . napahilamos na lang si alyssa sa mukha nya dahil sa kakulitan ni Bea . 

tumayo na si alyssa at pumunta na ng Cr para makapag hilamos at mag toothbrush . tumingin sya sa salamin at napangiti sya 

Aly - " sino ba namang sisipaging gumising ng maaga kung ang isang katulad lang ni Bea ang sasalubong sa'yo heheheh " 

Bea - " narinig ko yun ! yung susuotin mo nasa kama na ... bilisan mo huh hahaha " sabi nya saka lumabas ng kwarto ni alyssa 

napahinga na lang ng malalim si Alyssa saka nag hubad ng damit at naligo na . sa gitna ng pag ligo nya naalala nya ang isang babae na lagi syang sinusungitan . " sa wakas dalawang araw din tayong hindi mag kikita ... " sa isip nya pero bakit ganuon yung nararamdaman nya . parang hindi sya sanay na walang tatalak sa kanya twing umaga kada papasok sya . hinawakan na lang nya yung dibdib nya atsaka winasik ang nasa isip nya . 

Nerdy FighterWhere stories live. Discover now