Chapter 8

11.7K 283 80
                                        


Hi mga Idol ! :D heheh ngayun palang gusto ko ng humingi ng sorry sa inyo .. medyo sabaw eh :3 hahah bawi na lang (n_n)


--------------------






nagising na lang si alyssa na masakit ang katawan nya , naisipan nyang umupo mula sa pag kakahiga at minasahe ang sintido nya at pilit inaalala ang ng yari . ginala nya ang paningin nya at pamilyar ang kwarto kung nasan sya ngayun . 

Aly - " teka ... paano ako nakauwi sa bahay ko ? " litong tanong na lang nya

nagising sya sa kwarto ng magulang nya , tatayo na sana sya ng biglang sumakit ang batok nya at naalala nya bigla ang ng yari kagabi . 

naalala nyang bago pa sya tumayo sa huling atake ni Rachel pinagtulungan na sya ng mga kasamahan nya sa moro moro para awatin sya . nagtulong tulong ang mga ito na daganan si alyssa para hindi na muling bumangon . tagumpay naman sila dahil kahit anong laban ni alyssa wala pa din itong palag dahil halos lima ang nakadagan sa kanya . naramdaman na lang nya na may pumalo sa batok nya dahilan para mawalan sya ng malay .

Aly - " langya talaga yung mga yun ! tsk ! " 

inikot ikot naman nya yung batok nya para kahit papaano mawala ang pangingirot nito . tuluyan na syang tumayo at napansin nyang suot pa din pala nya ang pang laban nya sa moro moro . nagpunta agad sya sa CR para na din linisin ang sarili nya .



habang bumubuhos ang malalimig na tubig sa kanya , muli na naman nyang nasilayan ang ginawa ni LA sa binigay nya para kay Dennise . hindi nya maintindihan bakit sya apiktado duon . parang gusto nyang magalit at suntukin sa harap ni Dennise si LA . sa tana ng buhay nya ngayun lang ulit sya nag wala na parang halimaw , maliban lang nung ng yari sa kanya sa nakaraan . ngayun na lang ulit nya naramdaman ang apoy sa dibdib nya na parang gustong sumabog kada nakikita nyang nakikipag kwentuhan si Dennise at nakikipag palitan pa ng ngiti kay LA . 

  Rachel - " kung gusto mo sya , wag kang mag tago at gumawa ka ng paraan kesa nilalabas mo sa iba ang galit mo ! " 

napadilat sya ng marinig nya ang boses ni Rachel na sinabi nito bago pa ito mawalan ng malay . malinaw at klarong klaro ang sinabi ni Rachel sa kanya .

Aly - " gu-gusto ko sya ? " 

umiling iling naman si Alyssa para iwasik sa isipan nyang iyon na gusto nya si Dennise . 

Aly - " hindi .. hindi ... hindi ! " 

mabilis syang nagbuhos ng tubig sa katawan at muling pumikit . sa pag pikit nyang iyon muli nitong nasilayan yung mga ngiti ni Dennise nung mga oras na binigay nito yung staffed toy . napangiti sya pero mas lumapad ang ngiti nya ng maalala nyang inirapan sya nito bago yakapin ng mahigpit yung staff toy .

Aly - " hayyy .. siguro lalayuan na lang kita Dennise para hindi na lumalim ang nararamdaman ko sa'yo " ngumiti na lang nya bago nya patayin ang shower 








hapon ng maisipan ni Alyssa na umuwi sa condo nila ni Bea , naisipan kasi nyang linisin ang bahay nya at para gabihin na din sya sa pag uwi . ayaw nya kasing mag tatanong si Bea at siguradong wala syang masasabing sagot sa mga katanungan ni Bea .

Nerdy FighterWhere stories live. Discover now