Chapter 33

16K 458 552
                                        


ahmm gusto ko lang mag pasalamat kay Master Idol 1-2-tris-four  , siguro kundi dahil sa kanya hindi ko 'to matatapos heheh .. sa lahat din ng nag bigay ng opinion nila about Bestfriend thingy nayun .. maraming salamat talaga heheh ... 


mga Idol's baka sabaw kalabasan ng chapter na 'to .. kaya ngayun palang hihingi na ako ng sorry .. wala talag akong kaalam alam sa mga ganito eh heheh kaya kailangan ko pang mangatok sa iba't ibang author hahah basta Idol 1-2-tris-four salamat !! :D :D 


Enjoy Idol's 




----------------------------------

nasa BEG na ang Lady Eagles , tahimik pa din dahil sa pag katalo nila . walang umiimik . si Amy nauna na dahil hinatid pa nito si Maddie sa hospital , napag-alaman din kasi nitong tinakas lang talaga ni Alyssa si Maddie para mapanuod ng live ang laban nila . 

si Coach Cha naman hinatid na ni Alexa , bukas na lang nito kakausapin ang team . wala din kasi syang gustong sabihin at dahil sa init ng ulo nya ngayun baka kung ano pa ang masabi nya at baka hindi pa makatulong sa team .

dumaretso ng shower room si Bea para maligo na , hindi pa din ito umiimik dahil sa pagkatalo . tulad lang nuon . wala syang nagawa , sa kinalabasan ng laban parang dinurog talaga sila ng La salle .

ALy - " bea... " tawag nya ng makita nyang papasok na ito sa shower room

Bea - " maliligo lang ako" walang gana nitong sagot

wala ng nagawa si Alyssa kundi ang hayaan nito si Bea , alam na nito ang gagawin ni Bea . siguradong iiyak ito dahil sa pag katalo nila . napansin nyang nakaupo lang si Dennise sa bleachers kaya naman nilapitan din nya ito . 

Aly - " Den .. "

Den - " Oy ikaw pala .." 

napansin ni ALyssa ang pamumugto ng mga mata ni Dennise tanda na lumuha din ito , syempre sino ba naman ang matutuwa pag katapos ng hirap at pagod natalo na lang bigla . tinabihan naman nya ito .

Aly - " ayos lang kung ako muna ang magiging sandalan mo .." 

kinagat na ni Dennise ang ibabang labi nya saka pumatak muli ang luha , napayakap na lang sya kay Alyssa at dun lumuha ng lumuha . nasaksihan ni Alyssa na gusto din maipanalo ni Dennise ang laban kanina pero sadyang mapagbiro ang tadhan . ang laro ... ginawa pang laro .

Ella - " Mich san ka pupunta !!? hindi ka man lang hihingi ng sorry !?"

palabas palang ng BEG si Mich ng biglang may nagsalita sa likod nya , napatingin naman sya at nakita nyang si Ella . ngumiti naman ito ng nakakaloko bago tumalikod ulit

Mich - " sa lahat ng tao ... ikaw talaga nag tanong , bakit ? hindi mo ba ako kayang sumbatan huh Jia ? " 

nakaupo lang din si Jia sa bleachers pero malayo ito sa pwesto nila Alyssa , napatungo naman si Jia .

Mich - " oh , mukhang wala na naman ata tayong gagawin , aalis na 'ko "

humiwalay naman ng yakap si Dennise kay Alyssa , mabilis itong nag lakad sa pwesto ni Mich . lalakd na ulit sana ang huli pero nasa harapan na nya si Dennise . mag sasalita na sana ulit si Mich pero laking gulat nya ng biglang may palad na dumampi sa pisngi nya

PAK !

Den - " wala kang kwentang tao !! "

Mae - " teka wala dapat tayong sisihan .. Den tama na yan " awat nya dito

Nerdy FighterWhere stories live. Discover now