ngayun palang mga Idol gusto ko ng humingi ng sorry :( .. medyo sabaw to eh heheh .. bawi na lang ako next chapter :) :) pagtyagaan na lang muna natin to heheh Enjoy ! :D
--------------------------------
FLASHBACK
nagising si alyssa , dahan dahan syang tumayo mula sa kama nya . nag unat ng kaunti at sumilay sa bintana nya . ang ganda ng panahon , hindi masyadong mainit pero hindi masyadong nakulimlim . binuksan nya yung bintana nya para makalanghap ng hangin .
napangiti sya pagkatapos nalanghap ang simoy ng hangin , tumalikod na sya at dumaresto sa CR para linisin ang sarili . pag pasok nya palang sumalubong sa kanya yung sarili nya mula sa salamin.
Aly - " hmmm ... ayos din heheh "
pinagmasdan nya lang yung sarili nya , madalas nya itong ginagawa . para kahit papaano may magandang naidulot ang masama nyang nakaraan . maliban lang na nakaiwan na marka sa bandang balikat nya . isang markang kahit kailan hindi nya maalis . sa pag kita nyang iyon nawala agad yung ngiti nya . dahil sa masakit na alala kailangan nya pang ingatan ang marka sa kanyang balikat .
Aly - " tsk ! sana pwedeng alisin na lang yung balikat ko ... "
hinabud nya yung kasuotan nya at binuksan ang shower. dinamdam lang nya ang tubig na umaagos sa katawan nya . masarap twing umaga yung malamig na tubig para magising yung dugo .
hindi nag tagal pinatay nya ang shower at nag sabon , may naka agaw ng pansin sa bandang tagiliran ng tyan nya habang nag sasabon sya . isang peklat , marahan nyang hinaplos yun pero agad na winasik yung kaisipan nya at pinag patuloy ang pag sasabon .
lumabas na ng CR si Alyssa habang nag pupunas ng buhok . kumuha sya ng simpleng damit sa drawer nya . pumili pa sya at nung makapili ay sinuot nya ito . kinuha din nya ang salamin nya at pinunsan bago suotin .
pagkatapos nyang mag suot ng salamin , muli syang humarap sa salamin . napangiti sya ng hindi man lang mahahalata kung sino at ano ang kakayahan nya dahil sa kaanyuan nya .
Aly - " Nerd (smirk) .. "
umiling iling muna sya habang natatawa . kahit sino naman matatawa sa itsura nya . isang Nerd na hati ang buhok sa gitna tapos may suot na malaki at bilog na reading glass na walang grado .
sa palagay nya ayos na ang porma nya , kaya naman naisipan nya ng lumabas ng kwarto . pag labas palang nya ng kwarto nya , napakunot na yung nuo nya " bakit kaya tahimik ... " sa isip nya
dahan dahan syang bumaba ng hagdan at ginagala yung paningin nya . hindi nya naririnig kung may tao sa kusina . isa pang nakakapag taka , parang wala syang naamoy na almusal na laging niluluto ni Bea . sanay na kasi syang pag kagising nya laging may nakahain na almusal sa kanya .
nasa dulo na sya ng hagdan pero wala syang naririnig kahit isang tunog man lang ng kutsara . nadaanan naman nya yung baseball bat ni Bea na nakalagay lang sa gilid ng hagdan . kinuha nya ito at hinanda .
Aly - " bea .... " tawag nya pero walang sumagot
napahigpit naman yung kapit nya sa baseball bat saka nag lakad ulit . muli tinawag nya ng mahina yung pangalan ni Bea pero wala pa ding sumasagot . dahan dahan syang pumunta sa may kusina . sumilip muna sya bago pumasok sa kusina pero wala pa ding bea .
muli tinawag nya yung pangalan ni Bea pero mas malakas na pero wala pa ding sagot . hanggang sa napansin nya na may nakapatong sa lamesa nya na papel . nilapitan naman nya ito at binaba ang baseball bat . kinuha nya ang papel at binuksan . binasa nya ito pero miya miya lang kumunot ang nuo nya atsaka nilukot ang papel .

YOU ARE READING
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...