1. HEELS
sa campus tour, doon nyo mararanasan ang kalbaryo dahil lilibutin nyo ang buong campus nang naka heels. kaya naman yung mababa lang na heels ang bilhin nyo. pwede naman kasing mga 1.5 inch lang ang taas e. yung iba nag pifeeling lang talaga.
2. HAIR COLOR
mapa boys or girls man, bawal yan
3. FIRST DAY STUFF
sa first day walang masyadong gagawin kaya kung ako sayo, wag ka na mag dala masyado ng gamit. pwedeng ballpen at notebook/binder or kahit anong pwedeng pagsulatan. syempre, ihanda mo na rin ang speech mo dahil bawat subject nyo mag papakilala kayo isa isa. depende sa trip ng prof. minsan tatanungin ka kung ""why hrm/trm"", ""why ust"" or ""your plans after graduation"".
4. ELEVATOR
siguraduhin mong 5-10 mins pa bago ang time mo sa first subject. dahil baka 5-10 mins ka pa bago makasakay sa elevator. ayaw mo naman sigurong mag stairs dahil naka heels ka at nasa 6th floor pa ang room mo. baka pagdating mo sa room, haggardo versosa ka na. and wag din mag round trip. napagalitan na kami dahil jan hahaha
5. HYGIENE
dahil mainit ang patong patong na type A natin, siguraduhin mong may towel, powder at pabango ka. lalo na kung pawisin ka.
6. 7/11
yan ang mag sasalba ng buhay nyo pag nag run ang stockings. may nabibili jan na colorless nail polish.
7. NECK TIE AND SCARF
sa boys, wag na wag nyong tatanggalin ang neck tie nyo or wag kayong papasok ng walang neck tie. sa gils, ang scarf; okay lang naman na di masyadong mataas ang pagkakaribbon nyo jan. nakakasakal kaya.
8. HAIR CUT
bawal ang mahaba ang buhok sa boys. makukuhanan kayo ng ID sige.
9. JACKET
malamig sa room e.
10. SAVE MONEY
magastos sobra. lalo na pag dating nyo ng 1st yr 2nd sem. jan na ang start ng gastos nyo.
11. ORGS
sumali sa mga orgs esp HRMS AND TRMS
12. FOOD AND DRINKS
bawal kumain sa loob ng room. napagalitan na din ang section namin dahil jan. mag dala ba naman ng gardenia, jam and cereals e. sama mo pa yung mga chips and pack-lunch. hahahahaha
13. PE UNIFORM
bawal pumasok nang naka PE uniform sa loob ng building (well depende sa guard) kaya mag bihis na sa CR na malapit sa seminary gym or sa may grand stand.
14. TIIS GANDA
motto yan nga mga taga cthm. lahat ng nasa college natin ay magaganda at gwapo ( lahat ng THOMASIANS rather!!!! yeahhhhh hahahaha). pero sa cthm, dahil sa pagkainit init na uniform natin at sa HEELS, nag titiis tayo pero donchaworry, maganda/gwapo ka :)
15. BE PROUD
pag sinasabi nilang mga petiks lang sa cthm. NOOOOOOO mahirap din. nag kataon lang na skilled base tayo kaya mas Madaling matutunan (maybe). pero swear, kakabahan ka din at mahihirapan.
ang mga minor ang nakakakilabot. pero masaya (lalo na sa humanities and literature hahahahaha sorry maka arts ako e joke). maraming matatalino sa cthm. katulad na lang ng kaklase kong halimaw sa grades. hahaha and besides, liban sa ustet may interview pa. diba? kaya wag nyong lalang-langin kung HRM OR TRM ang program nyo.

YOU ARE READING
The Ultimate UST Freshie Guide
Non-FictionThis book is a compilation of Freshie Guides sent to our page: The UST Files