Tips For CS/IICS Freshies

672 0 1
                                    

Madaming akong napagdaanan at nasaksihan bilang CS student sa noo'y Faculty of Engineering-ICS Department pa. Ito ang ilan sa maipapayo ko sa mga bagong salta sa CS.

1. Si Sir Alex (Asst. Dean for IICS) ang takbuhan sa lahat ng isyung administrative. Ingat kayo, always be courteous and act professional 'pag kausap n'yo sya. Don't act as if high school pa kayo.

2. College Algebra and Trigo yung akala n'yo na kaya n'yong subject, pero believe me may mga bumabagsak doon. Kung sa Engineering Sciences pa din kumukuha ng mga Prof don, naexperience ko na si sir F. Yap sa College Algebra (Matalino, Strict, NANGBABAGSAK). Sa Trigo nakalimutan ko na yung prof, pero nagtitrigo din si sir Yap. Bili na kayo ng natural display na Sci-Cal (CASIO)

3. Ma'am Perla Cosme (Faculty Secretary - IICS) S'ya ang takbuhan 'pag magpapapirma ng mga chage schedules, add/drop ng subjects. Ayun, s'ya din ang Prof. sa Ethics and C++, magaling s'ya pero malumanay magsalita kaya medyo drowsy effect.

4. Ma'am Donata Acula, isa sa mga pinaka-magaling na prof sa Adv. Math, Stat and College Algeb pero strict. Isa sa mga favorite ko na prof dahil madaling makabiruan.

5. PHYSICS! D'yos ko. Kung gusto n'yo matuto talaga si Sir Vicente piliin n'yong prof, mabait din s'ya. Pero kung kaya n'yong makipagsabayan ng talino at mas madaming matutunan, si Ma'am Alulod ang piliin n'yo come 2nd sem. Yung Malaking Red Physics book, madaming meron non sa IICS, bilhin n'yo ng 500 lang pag luma na talaga.

6. Mahirap pa din ang Theo kahit akala natin parang wala lang. May required na book don, Salva Vida, mas maiging tanungin ang prof kung sa book kayo gagawa ng activities, kasi kung hindi madaming may ganon sa mga 2nd year students na pwede n'yo bilhin kahit gamit na, yung iba may sagot na.

7. Calculus, Si sir Cabero isa sa mga tinitingalang prof d'yan pero mas gusto ko pa din si Ma'am Acula. Kung kay sir Cabero kayo, matatapos n'yo ang syllabus for sure, kaso sa bilis n'ya magturo baka di n'yo maintindihan.

8. Prepare a coding netbook or laptop para mas madaling magcode anywhere.

9. Kung mag-add/drop kayo ng class lalo't Math, wag kayong mag-add ng Math class from Engineering, iba Math nila, mas madugo.

10. Logic! Sir Allan Maglalang ang Idol namin d'yan, pero make sure na ok lang sa inyo na late s'ya ng mga 30 mins (Pang-1hour yung 30 min lecture n'ya, ganon s'ya kagaling).

11. Always make sure na pag may subjects kayong isasacrifice, yung hindi pre-requisite ng succeeding subjects (pero mas maganda kung ipasa mo lahat.)

12. Ma'am Fajilan and Ma'am Morales-Topacio is the best Filipino and English Profs respectively.

13. 4th Floor Main stairwell ang location ng pinakamahalagang bagay sa Eng'g bldg. "PHOTOCOPY CENTER"

14. Ingat sa Asst. Dean ng Eng, sobrang higpit 'non

15. Make sure na you have the contact number of your Class Officers at meron din kayong number sa kanila kasi sila ang medium n'yo sa mga prof.

16.Enjoy the nocturnal life. Bonus pag may insomnia ka na, para sa'yo talaga 'tong course na ito.

17. Eat. Sleep. Code. ang motto ng CS.

The Ultimate UST Freshie GuideWhere stories live. Discover now