1. Bhe, UST Pharmacy ang pinasukan mo. The best Pharmacy school in the Philippines. Hindi dito pwede ang Petiks.
2. School supplies:
Depende sa'yo pero mahalaga talaga ang Highlighter, Intermediate pad, at binder. On my experience, buy a separate notebook for Chem 100 and Botany 102A kulang ang fillers mo sa dami ng sinusulat.
3. Speaking of BOTANY
Start Learning to Love Plants. Pamatay na subject ang Botany. Yung tipong nabasa mo na lahat, may reviewer ka pa galing Scholia, wala pa din. Bagsak pa din.
4. Join Scholia, nagtututor sila ng Deadly subjects before exam week.
5. Daig ng masipag magbasa ang matalino. Ang course na ito ay puro basa, basa, memorize...
6. Kung Hate mo ang Math, mali ang pinasok mo. Calculations...calculations everywhere.
7. Study your Chemistry Basics. Dahil Chemistry based ang Pharma.
8. Your Calculator is your bestfriend. Hindi mo masusurvive ang course na ito kung wala kang calcu. And kung prof mo si Sir Nieto sa Math 100 mo, pwede ang Calculator. Kahit sa exams.
9. Consider every subject as a major subject, dahil yun din naman ang tingin ng mga minor subjects. Wala ka ng magagawa dun.
10. Sa Botany Lab pala, Camera or cellphone camera is a must, pipicturan mo ang mga specimen. And at the end of the semester, Perfect mo na ang pagpicture ng specimen sa microscopes.
11. Sa blockmates mo, may forever. Dahil four or five years kayong magsasama. Be kind and help each other.
12. Magipon na ng barya dahil kada exam, quiz, etc. Binabayaran natin ang mga ito.
13. Mas malaking bag, mas maganda. Dahil pasan pasan mo ang mga librong makakapal araw-araw. Lalo na yung gen chem book na Zumdahl.
14. Mahalin mo na ang kama mo ngayon, may two months ka pa!! Hindi uso ang tulog sa course na ito.
15. Be Proud of your course. Hindi lang ""Glorified Sales Person"" taga-tinda ng gamot ang aabutin mo. Maraming opportunities ang Pharmacy.
16. Freshie ka pa lang, pero madami ka ng pagdadaanan sa course na ito. Pero in every struggle, laging tandaan na magdasal. It works, trust me.
17. SUPER SAYA NG PHARMA WEEK!!
Sumali sa mga events, dahil masaya ito at makakatulong din ito sa'yo.

BINABASA MO ANG
The Ultimate UST Freshie Guide
Non-FictionThis book is a compilation of Freshie Guides sent to our page: The UST Files