1. Enjoy niyo na yung first two years niyo sa entrep, dahil basic naman ang mga subjects niyo for your first two years, lahat nag pag YOLO niyo, gawin niyo na diyan, basta galingan niyo lang sa quizzes and exams, wala kayong problema sa mga subjects niyo.
2. Make a good impression, reach out to your blockmates, bond with them, basta gawin niyong solid ang samahan niyo as a block, pwede rin kayo mag reach out sa iba niyong ka batch (ibang sections), you'll never know when you'll need their help (wink wink)
3. Enjoy ang Phil Hist with Maam Atutubo, promise! Maraming kwento tungkol sa kasaysayan at current events
4. Galingan niyo kay Sir Suson, matagal kayong magkakasama sa stay niyo sa Entrep, maraming siyang ikukwento sa inyo, enjoy! Also, makukwento din niya na sobrang hirap ang subject niya sa 4th yr na Entre 19
5. Maswerte kayo if naging prof niyo si Sir Fernandez sa Computer, either Lecture or Lab
6. Maswerte din kayo kapag naging prof niyo si Sir Llamas sa retail, pero tricky ang mga quiz niya
7. Huwag kayo matakot kay Sir Aban, mabait yan, cool dept chair pa
8. Kapag naging prof niyo sa business plan si Sir Jackson, good luck! Enough said.
9. Sa third year, may subject kayo na Comlaw 1 (for first sem) and Comlaw 2 (for second sem), if maging prof niyo si Sir Marino, good luck din! Survival mode lalo na kapag quiz and exam, buong book ang coverage, pero 4 or 5 questions lang at 15-20 minutes lang mag pa test, tawanan niyo din yung mga jokes niya, same goes with the other profs, tawanan niyo mga jokes nila pero hindi ko na papangalanan kung sino pa mahilig mag joke sa mga prof sa entrep
9. Galingan niyo kapag naging prof niyo sa Eco, HR, and Retail si Sir Joms, marami din siyang kwento, and kwentuhan niyo lang siya, baka hindi na kayo makapagdiscuss, may promise!
10. Galingan niyo din kapag naging prof niyo si Maam Barts, mabait siya, super bait (Thank you Maam!)
11. Sa third year, gagawa na kayo ng business plan, mag gather kayo ng data, conduct ng survey, gawa ng industry analysis, market analysis, marketing plan, operations plan, hr plan, and financial plan, dapat consistent lahat yan at may coordination sa mga parts na yan. Makakatulong ang VMOKRAPI SPATRES frame work sa inyo . And based on experience, makakaexperience kayo
ng mga araw na hindi kayo makakatulog especially sa financial plan
12. Also, never plagiarize sa business plan niyo, as in never niyo gawin yun, very strict si Sir Jackson dito, gumamit ng paper rater sa parts niyo ng business plan para makita niyo if may plagiarism sa gawa niyo or wala
13. Pwede mag solo sa business plan, pero mahirap daw yun. Pwede din mag group hanggang 4 members, pero sa pag pili ng group mates, hindi porket tropa kayo ay ok kayo na business partners, it can ruin friendships kasi dapat ay seryoso sa business, it ain't all fun and games you know. Dapat yung mga kunin mong groupmates yung magaling din, yung may ability, and huwag kang kukuha ng free rider, (applicable din to sa other group projects), kasi kung may free rider kayo or kung ikaw ang free rider, your panel will eat you alive at baka ma redefense kayo or isa-isa kayo haharap sa panel niyo for defense instead na mag defense kayo as a group
14. Speaking of panel, hindi po kasama si control :) But on a serious note, dapat kapag nag defense kayo, alam niyo lahat tungkol sa business niyo and be presentable and have confidence, also magdala kayo ng sample product niyo, make your panel believe in your concept, may mga panelist na may specialization at iisang part lang ang gigisahin niya (hr, finance, or marketing lang ang focus ng ibang panel). Ang mga challenging na panelists ay sina Sir Jackson and Sir Suson, make them believe in your concept and makaka survive kayo. Si Sir Zernan naman ay isang mabait na panel, sobrang bait, hindi ka sisigawan sa defense, magbibigay lang ng suggestions
15. Be ready for revisions sa business plan
16. Pahirapan din mag pa sign ng final submission ng business plan sa mga magiging panel niyo
17. After makapasa sa defense ay meron namang Business Implementation, mag-operate kayo ng businesses niyo and dapat may proof of transactions, or else, yari kayo sa 4th year defense niyo, galingan niyo sa implementation and gagraduate kayo
18. Accounting with Sir Prieto is tricky! Pero kailangan niyo talaga ang accounting sa stay niyo sa entrep
19. Supportahan niyo activities ng STE!
20. Wag niyong galitin mga prof niyo, seriously. Wag niyong paabutin sa point na masigawan kayo ng "Do you love your country?!" (May libreng kiss ang makakahula kung sino nag sabi nito)
21. Also, kung mag cheating kayo sa quiz or test, kahit ano mang technique ang meron kayo, wag na wag kayo magpapahuli, pero kung ayaw niyo naman mag cheating, ok lang din. Sabi nga samin ng accounting prof namin, "Pumasa ka nga sa exam ko, pero pumasa ka ba sa exam ng langit?"
22. Punta kayo sa Rockband kapag may free time kayo, masaya mag laro ng NBA 2K dun
23. Maraming kainan sa paligid ng uste, enjoy eating
24. Pahirapan sumakay sa elevator ng commerce bldg kapag past 7pm na
25. Maraming magagandang dilag sa UST :)
26. Kapag release ng grades, baka mag-ala Brock Lesnar kayo kaka F5 kaya kaunting patience lang kapag mag-open ng my uste
27. You will encounter tough times, sigurado yan, isang magandang tambayan is yung church kung saan pwede ka magpray and communicate with God and pwede din mag reflect dahil tahimik dun
28. Marami din uses ang Miguel de Benavides Library, pwede kang gumawa ng homework dun, pwede kayo mag discuss ng group projects/business plan, pwede mag research or net or 9gag or maki update sa scores sa nba, at ang the best ay matulog, lalo na sa Filipiniana section, kasi malamig dun
29. Nauuhaw ka ba? Nasa TYK 2nd flr na fountain ang pinakamalamig na tubig sa uste
30. Pahirapan ang pagbili/pagkuha ng uaap tickets sa TYK
31. Nasa antonio ang mga murang paprintan, kaibiganin niyo ang mga tao dun para hindi ganun ka hassle lalo na kung magpapabind din kayo sa kanila
32. Enjoy every day of your stay in UST, cherish and treasure every day, kasi kapag grumaduate ka, tapos na lahat yan kaya i-enjoy ang bawat araw na nasa loob ka ng unibersidad, every time nasa classroom ka, every second kasama mo ang mga blockmates mo and mga prof mo, everytime nasisilayan mo ang fountain malapit sa piolo, every experience, dapat i-enjoy, thats all! Good luck freshies!

BINABASA MO ANG
The Ultimate UST Freshie Guide
Non-FictionThis book is a compilation of Freshie Guides sent to our page: The UST Files