1. Sir Resos - History professor. WEATHER WEATHER LANG. Minsan mabait, minsan hindi. Minsan nakikisakay sa trip, minsan hindi. Minsan paranoid, minsan paranoid pa rin, hahaha joke labyu sir. MADAMI SIYANG ALAM PROMISE. Pero warning lang, seryosohin niyo klase niya at wag kayong tatawa habang nagrereport kayo. Wag niyo na rin tangkain pang mangopya. At, so so siya magbigay ng grades, kung deserve mo ang grade, i-uuno ka niya, kung deserve mo ang singko, wala nang bawian yan. Kailangan masipag ka sa kanya. READY NA SA ESSAYS AT QUIZZES. Oh, wag na wag kang mag-aabsent, kung gusto mo lang naman maitaas grade mo. Maghanda na magmemorize ng mga nakakapagpabagabag na names sa klase niya. Magtanong lang kayo sa kanya marami kayong matututunan!
2. Ma'am Tuble (KAWAY KAWAY CA MAJORS!!) - PARANG NANAY. Maghanda sa report at utang na loob magsipag na kayong magbasa (lalong lalo na sa comm theories ) kasi yan ang magiging puhunan niyo sa klase niya. Sa reports naman, seryosohin niyo (at wag kalimutan i-cite ang sources) kasi yan ang magsasalba sa mga buhay niyo kung mababa kayo sa quizzes at exams. Mag ready ng 1/4 sheet of paper para sa quizzes. TRICKY MAGPAEXAM kaya hindi sapat ang pagbabasa, dapat niyo ring intindihin at i-internalize, itatak niyo sa puso, atay at mga balun balunan niyo ang nababasa niyo. Mabait naman si maam at approachable, medyo tipid lang sa grades pero super dami niyong matututunan sa kanya, pangako sa inyo, charing. Nagtuturo siya ng major subjects sa Communication Arts at Journalism programs.
3.Sir Nico - Magfafangirl muna ako teka. Joke hahaha, anyway isa pa tong si sir magaling magturo! English prof siya and sobrang idol ko. Bukod sa cutie si sir, super fun ng mga lectures niya. Madami ka ring matututunang grammar tricks/techniques/etc sa kanya. Kagaya na lang ng hindi COURSE ang tawag sa majors natin DEGREE PROGRAM daw. TANDAAN NIYO GUYS HAHA. Madami pang ganyan ganyan sa lectures. Medyo (di lang medyo actually) grammar nazi si sir kaya ingat nalang sa pagsagot ng essays niya or sa mga pinapagawa niyang write ups. All smiles din si sir kaya mag-hi kayo lagi pag nakakasalubong niyo sa hallways.
4.Sir Manapat - KOI FISH AT SOUND SYSTEM HAHAHA. Makwento si sir kaya naman i-ready niyo na ang mga tenga niyo sa mga kwento tungkol sa business, love life, at kung anu-ano pa. Magaling kumanta si sir pakantahin niyo siya! ETAR ang tinuturo niyang subject at nakakadugo ang quizzes at major exams niya. Required din kayong bumili ng libro niya, benta niyo nalang next sem hahaha. Kung may mga pagkakataon na magbibigay siya ng incentives para tumaas ang grades niyo, SUNGGABAN NIYO NA PLEASE LANG. Kayo na ang bahalang humusga pag naging prof niyo na siya. HAHAHA. Mga beh, tiis tiis lang sa storytelling time niya na minsan umaabot ng 30 mins (or more).
5.Sir Bien - Ito naman, #daddygoalz. Literature ang tinuturo niya at idol ko rin siya. Simple lang siya magturo pero madami ka namang matututunan. Recitation ang magiging sandata mo sa kanya kaya kung ako sayo, kapalan mo na ang fez mo at mag-recite ka nang magrecite kasi isasalba ka niyan. Ang hirap ng major exams niya HUHU, quizzes naman niya, madalas may essay at bawal erasures. DI MAKAKATAKAS ANG FRIXION PEN MO, lakas ng mga mata ni sir kaya wag mo nang tangkain pa. Sa pagkakaalam ko, otaku si sir kaya kausapin niyo siya about dun. Sobrang bait ni sir at madalas magjoke sa klase pero pag nagalit, ay nako bahala na kayo sa buhay niyo di niyo gugustuhing magalit. Daddy goalz talaga siya hahaha stalk niyo siya! Jk. Pwede niyo rin siyang hingan ng advice at tips. Tipid siya sa grade kaya MAGRECITE TALAGA KAYO. At, wag kalimutan sagutan ang activities niya sa Eleap! Pambawi din ang mga yan!
Ma'am Gotauco - Algebra professor. Sobrang bait ni maam pero sobrang strict siya pagdating sa homeworks at quizzes. Expect niyo na na meron kayong homework every meeting at wag na wag kayong mag-aabsent kasi sayang points niyo sa homeworks, isasalba kayo niyan! Cutie si maam, minsan nakakatulog siya habang nakaupo sa table at nagchecheck ng homeworks hahaha pero mabait talaga siya promise. Mas madali ang mga quizzes at major exams niya kesa mga homeworks!
Ma'am Tangco - PGC professor. Mas madalas pa yata siyang di pumasok kesa magturo eh hahaha. Ayos sana magturo si ma'am kaya lang ayun nga, pala-absent. Kabisaduhin ang preamble at titles ng articles sa constitution, isasalba ka niyan sa exam. Report report din pag may time pa.
Sir Ferdie - Itanong niyo nga sa mga ate't kuya niyo na upper class kung di nila kilala si Sir Ferdie. Magready sa kabog dibdib na mga recitations at sa pamatay dugong mga surprise quizzes at major exams. KONTI LANG PUMAPASA SA MGA MAJOR EXAMS niya kaya good luck! Mahilig siyang magpa-production like mock weddings (enjoy to!!!), plays, etc kaya diyan kayo bumawi. Sobrang galing na Lit professor madami kang matututunan di lang tungkol sa mga binabasa niyong selections kundi pati na rin mga lesson sa mga buhay buhay niyo. #Whogoatlord si sir, palakwento rin siya basta related sa lesson niyo. Best friend niyo ang syllabus dahil diyan niyo makikita yung mga dapat niyong basahin. MAGBASA IN ADVANCE UTANG NA LOOB. At kung kaya, basahin ang mga pinapabasa niya 20 TIMES. Ingat kayo, dahil maraming bumabagsak sa maling akala.
Para sa mga kapwa ko katatapos lang sa pagiging freshie or sa mga ate at kuyang higher years, dagdagan niyo naman tong listahan ko if you like haha. Freshies, madami pang remarkable professors sa AB, ma-eexperience niyo din sila. :)))))
Additional reminders:
1. Magdala ng sangkatutak na 1x1, 2x2 photos sa umpisa ng sem. Index cards na rin.
2. Sa freshie week (yes merong freshie week!), for girls, MAGDALA KAYO NG BAND AID DAHIL PALTOS GALORE SA FRESHMEN WALK AT TOUR
3. Payong at reg form = necessities
4. Barya, isa pang necessity
5. WAG MUNA BUMILI NG BOOKS. Hintayin ang profs na magsabi kung magrerequire sila ng libro, sayang kasi eh. Wag kayong excited, natuto na ako sa aking mga pagkakamali char.
5. Weather sa loob ng ab = minsan mainit, minsan sobrang init.
6. Wag atat pumasok ng rooms, hintaying makalabas ang mga previous classes. Expect na hunger games ang paglabas-pasok ng rooms pagpatak ng 11 am at 3 pm
7. Wag iwala ang lambda mga girls. Maki-chismis kayo sa mga nakatatandang artlets kung ano ang legend ng lambda HAHAHA.
8. Maging mabait sa mga staff, parte rin sila ng artlet family. Wag mag-astang king o queen of the world.
9. Di lang KFC at Jollibee ang pwedeng kainan sa Dapitan.
10. HAVE FUN, WELCOME TO AB, WELCOME TO UST!

BINABASA MO ANG
The Ultimate UST Freshie Guide
Non-FictionThis book is a compilation of Freshie Guides sent to our page: The UST Files