*Yumi*
Tahimik akong nakahiga katabi si Xavier. Akala ko hindi ko na siya makikita pa, pero naging mabait ang tadhana dahil hindi pa siya tuluyang inilayo sa akin. Bago nangyari ang sandaling paglaho ni Xavier kanina, buo na ang isip ko. Kung sakaling si Garnet ang pipiliin ng lolo ni Xavier, aalis ako na hindi kasama si Xavier. Naisip ko na ito lang ang maaaring paraan ko upang makapagsimula muli. Ngunit pagkatapos nangyari ang sandaling paglaho ni Xavier kanina, na-realize ko na hindi pa pala ako handing lumayo.
Hindi ko kailangang magkaroon ng anak ni Xavier upang maipagpatuloy ang aking nararamdamang pagmamahal para sa kanya. Sapat na ang mahal ko siya at mahal niya ako. Garnet can bear his child, but I will be the one that Xavier will love until the end of his day here on earth.
"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Xavier.
Lumingon ako sa kanya saka ngumiti bago magsalita, "iniisip ko kung paano nating magawang masaya ang nalalabi mong araw dito sa mundo."
"May naisip ka na bang mga gagawin natin?" nakangiti niyang tanong.
"Napasaya moa ko noong nag-date tayo. Gusto ko, ikaw naman ang pasasayahin ko," saad ko saka nagpatuloy, "ano ba ang pwede kong gawin para sumaya ka?"
"Maghubad ka saka magmasterbate sa harap ko," agad niyang sagot.
"Ano!?" napabangon ako sa gulat habang hindi tumawa ng malakas si Xavier.
"Ang manyak mo!" galit kong saad.
Tumatawa pa rin siya habang sinasabing, "ang cute talaga magalit nitong maganda kong aswang na girlfriend."
"Napakakulit din naman kasi nitong gwapo kong tikbalang na boyfriend," pabiro ko namang sagot.
"Makasama lang kita, sapat na sa akin," bigla siyang sumeryoso.
Bumuntong hininga ako saka sinabing, "sana magkasama tayo habambuhay."
*Xavier*
Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang nararamdaman ni Yumi. Tulad niya, hiniling ko rin na sana makasama ko siya ng mas matagal, pero alam kong impossible ang gusto naming. Hindi naming hawak ang tadhana. Sa susunod na maglaho ako, maaaring hindi na ako makabalik.
Nakatulog na si Yumi pero may nais akong gawin para sa kanya. Ayoko siyang maging malungkot kapag wala na ako kaya naisip ko na gumawa ng love letters. Balak kong i-schedule ang pagpapadala ng mga liham na ito, isang liham sa bawat buwan.
At para mas maramdaman niya ang pagmamahal ko, gumamit ako ng tablet at stylus pen. I want her to read my letter through my handwriting.
Ibinuhos ko sa liham ang lahat na nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. I even told her all my wishful thinkings, mga bagay na gusto ko sanang magawa naming magkasama. Sinabi ko rin na kung sakaling makahanap siya ng ibang mamahalin, maiintindihan ko. I want her to be happy. I want her to have a normal life. I want her to live her life to the fullest, isang bagay na hindi ko nagawa kasama siya.
Tinapos ko ang lihim sa pamamagitan ng paglagda gamit ang codename ko – Eros.
_____________________________
Tulad ng mga nakaraang araw, magkasama ang lahat sa hapagkainan upang mag-almusal. Nag-uusap sina lolo at Yumi, nagtapunan naman ng makahulugang titig sina Mommy at Daddy, habang ang kawawang si Tita Aubrey ay abala sa pag-uutos sa mga katulong upang maihanda ang almusal.
"Papa," masayang sabat ni Mommy sa pag-uusap nina Yumi at lolo saka nagpatuloy, "dumating na ang panauhing sinasabi kong dapat mong makilala."
"May schedule ako sa doctor ngayon," matabang na sagot ni lolo.
"Oh don't worry, papa," saad ni Mommy, "she is on her way here. Pwede ka naman naming samahan sa doctor pagkatapos mo siyang makilala."
Hindi sumagot si lolo bagkus ay tumunog ang cellphone ni Mommy.
"Garnet," agad na sagot ni Mommy.
Aaminin kong kinabahan ako sa maaaring mangyari, pero may tiwala ako kay Yumi. Alam kong anuman ang mangyari, she will be able to face this.
"Ow, okay," saad ni Mommy saka tinapos ang tawag.
"Garnet is here, papa. Sasalubongin ko lang," saad ni Mommy.
"Sa veranda kami maghihintay," saad ni lolo saka lumingon kay Yumi, "sumama ka sa akin."
Tumango si Yumi saka tumayo upang sumunod kay lolo. Tumayo na rin si daddy upang samahan sila habang nabato naman sa kinatatayuan niya si tita Aubrey dahil gaya ng dati, walang pumapansin sa effort niyang paghahanda ng masarap na almusal.
"She's here!" saad ni Mommy nang makarating sila sa veranda.
I looked at her and just like how I saw her before, she came to the scene like a goddess ready to claim her spot. Pero hindi tulad ng dati, wala akong nararamdamang pananabik na malapitan siya. She is beautiful; yes, pero tanging paghanga lamang sa kagandahan niya ang nararamdaman ko.
"Papa, this is Garnet Rivera. Siya ang sinasabi kong dapat mong makilala," saad ni Mommy.
"Ano ang dahilan kung bakit kailangan ko siyang makilala?" tanong ni lolo na halatang hindi natuwa sa pagdating ni Garnet.
"Si Garnet, papa," bahagyang tumigil sa pagsasalita si Mommy upang sandaling tapunan ng tingin si Yumi saka nagpatuloy, "ay ang unang girlfriend ni Xavier."
"Yeah right," tumango si lolo saka nagpatuloy sa pagsasalita, "ang natatanging babaeng bumigo sa apo ko."
"Hindi mo naintindihan, papa," agad na sabat ni Mommy, "hindi kagustohan ni Garnet ang makipaghiwalay kay Xavier. It was Aubrey's fault."
Hindi nagsalita si lolo pero sumabat si Garnet, "I was young and afraid. Mahal ko si Xavier but he was still very young to take responsibility."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni lolo.
"Xavier and I has a son," saad ni Garnet pero tila tumigil ang mundo nang sinabi niyang, "at kasama ko ang anak naming."
Buhay ang anak namin? All those years na inakala kong pina-abort niya ang baby namin; she actually gave life to our baby.
Halatang nagulat si lolo pero agad na nagsalita si Mommy, "nalaman ko ang ginawa ni Aubrey kaya gumawa ako ng paraan upang masigurong mabubuhay ang mag-ina ng anak ko. All those times na umaalis ako, I did not do it merely to travel. I did it dahil tinutulongan ko si Garnet sa pagpapalaki ng anak nila ni Xavier."
Para akong nabuhusan ng malamig na yelo pagkatapos kong marinig ang katotohanan. So this is the reason why my mother is always not with me. She is taking care of my son.
*Yumi*
Hindi ko alam kung saan ako lulugar pagkatapos marinig ang rebelasyong dal ani Garnet at ng Mommy ni Xavier. Anong laban ko sa first love na nagkaroon ng anak kay Xavier. Clearly, I have no place in this house. Pinilit kong magpakatatag pero tumingin ako kay Xavier at nakitang bakas sa kanyang mukha ang pagnanais makita ang kanyang anak.
Gusto ko sanang umalis pero ayokong maging bastos kaya ininda ko ang sakit na nararamdaman ko upang hintayin ang maaaring sagot ng lolo ni Xavier.
Magsasalita sana si lolo pero biglang may sumabat, "Senyor, si Xavier!"
Agad akong napalingon kay Xavier at nakita ang kanyang unti-unting paglaho. Nawala kaagad ang lahat na sakit na nararamdaman ko at pumalit ang takot.
Agad na umalis si lolo at sumunod naman sa kanya ang lahat. Pero wala na akong pakialam sa mga nangyayari. Batid kong ito na ang huling pagkakataong makita ko si Xavier. Tumulo ang aking mga luha habang lumapit sa kanya.
"Mahal kita," saad ni Xavier na halatang natatakot din sa nangyayari.
"Mahal din kita, Xavier," saad ko at sa isang iglap, naglaho na si Xavier.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, sa pag-asang lilitaw ulit si Xavier. Madalas, umaabot ng isang minuto pero bumabalik siya; pero sa pagkakataong ito, lumagpas na ng isang minuto.
"Xavier!" walang pakialam na sigaw ko.
Alam kong maaaring isipin ng mga taong makarinig sa akin na nababaliw na ako, pero wala na akong pakialam. Sumigaw ako ulit at itinawag ang pangalan ni Xavier. Limang minuto, walo, sampu – wala pa ring Xavier na lumitaw.
Napa-upo ako upang indahin ang sakit na nararamdaman. Alam kong darating ang araw na ito, pero kahit anong gawin ko, hindi ko napaghandaan ang sakit ng kanyang pagkawala.
"Y-Yumi," narinig kong may tumawag sa akin saka sinabing, "pinapatawag ka ni Senyor Vanhallen."
Tumango ako saka pinunasan ang aking mga luha. Ito na marahil ang kinatatakutan kong pagkakataon. Ang sabihin ng lolo ni Xavier na si Garnet ang pinipili niya. Bakit naman niya ako pipiliin? I was just Xavier's online girlfriend; at nandito lang ako upang tapusin ang misyon ni Xavier sa Amano-Kai at sa kay Kuya Wayde niya.
Tahimik akong nakasunod sa katulong habang binabaybay namin ang daan patungo sa isang bahay katabi ng mansyon. Lahat nakatingin sa akin nang pumasok ako sa bahay pero nagsalita ang katulong na sumundo sa akin, "pumasok po kayo sa silid na 'yan."
Tumango ako saka sinunod ang saad niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan pero huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob ng silid.
"Hijo, nandito na ang girlfriend mo," saad ni lolo.
Nabato ako sa kintatayuan ko.
Si Xavier, nakaupo sa kama kung saan may nakakabit sa kanyang dextrose.
Buhay si Xavier!