*Xavier's POV*
Buong araw akong hindi pinapansin ni Yumi sa dahilang napagkamalan siyang baliw dahil sa akin. Pero ano ang magagawa ko? I am just a helpless, good for nothing ghost. Ni hindi ko nga matulongan ang kapatid ko, ang iwasan pa kayang mapagkamalang baliw si Yumi.
"Yumi," sinubukan ko ulit siyang suyuin pero tulad ng inaasahan ko, deadma lang ako sa kanya, "para matapos na ang lahat, tulongan mo na lang ako. I just need you to contact sarhento Valderama."
Sandali siyang tumingin sa akin pero nakakapangilabot ang tingin niya. Para siyang isang aswang na nangangain ng multo. Hindi naman siya pangit na aswang. Siya ata ang pinakamagandang aswang sa balat ng lupa. Kung nabubuhay pa siguro ako ngayon, siya siguro ang naipakilala kong girlfriend kay lolo. Kapag nangyari 'yun, tiyak na ipipilit ni lolo na ipakasal kami kaagad at kapag nangyari 'yun, siguradong nabuntis ko kaagad ang aswang na 'to.
"Aswang este, Yumi, hindi ka naman mapagkamalang baliw kung hindi ka nakikipagbanghayan sa akin," saad ko.
"Hoy multo na mukhang tikbalang, lubayan mo ako!" galit niyang sambit, "may pasok na ako bukas at marami akong kailangang aralin."
"S-sige," napatayo ako ng tuwid, "hihintayin ko na lang na matapos ka sa pag-aaral."
Isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas. Nakaramdam ako ng antok. Hindi pa rin natapos sa pag-aaral sa Yumi at tila dinuduyan naman ako ng katahimikan ng paligid.
_____________________
"Estas, DURA! DURA! Dura, dura, dura!" napabangon ako nang biglang tumunog ang malakas na musikang gawa ni Daddy Yankee.
Alas sais na pala ng umaga at nakita kong nagbibihis na si Yumi. Maswerteng talaga ako dahil libre kong natatanaw ang makikinis niyang mala-Song Ji Hyong legs habang nilalagyan niya ang mga ito ng lotion. Di naman ako nabibitin sa mala-K-idol niyang balingkinitang katawan. She is the perfect millenial woman, astig at palaban pero babaeng babae – my perfect kind of wife.
"Ahem!" narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako sa mga mata niya.
Ayan na naman ang mala-aswang niyang tingin sa akin. Seriously? Ganyan ba ako ka-yummy para titigin niya ako ng ganyan. Para talaga siyang aswang na nangangain ng multo eh.
"Pwede ba? Alam kong kayang-kaya mo akong silipan pero huwag ka naman masyadong obvious!" saad niya.
"Umaasa kang ikaw ang tinitignan ko?" tumawa ako ng malakas, "for your information, marami na akong nakikitang nakahubad na ba –"
Hindi ko natuloy ang dapat kong sabihin dahil agad niyang tinanggal ang nakatapis niyang tuwalya kaya tumambad sa akin ang kanyang nakakasinag na kagandahan.
"You were saying?" may halong pangungutniya niyang saad habang nakapamaywang.
"Ah-eh- s-sa-sabi ko," langya! Ba't di ko madirecho ang pananalita ko?
"Ang sabihin mo, manyak ka talagang multo ka!" saad niya saka walang alintanang nagsuot ng blusa.
Agad akong napatalikod dahil may naramdaman akong kakaiba. Agad kong chineck si junior. Lang'ya! Sa isang taong naging multo ako, ngayon ko lang nalamang tinatayuan rin pala ang multo.
"Ano 'yang tinitignan mo?" napaigtad ako nang maramdamang nasa likod ko na pala si Yumi.
"W-wala! Ikaw, ba't ang lapit-lapit mo sa'kin?" agad kong sagot sa tanong niya.
"Papasok na ako," nagkibit balikat siya, iIiwanan ko ang laptop para may pagkakaabalahan ka naman dito," saad niya saka binuksan ang pinto.
"'Di na," agad akong sumunod sa kanya, "sasama ako sa'yo."
"Naba – " magrereklamo sana siya pero nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya.
"Huwag ka nang umangal," saad ko, "baka mapagkamalan ka na namang baliw."
Bumuntong hininga siya saka nagpatuloy sa paglakad. Hindi naman maalis sa aking isip ang eksenang paglagay ko ng aking hintuturo sa kanyang labi. Ano kaya ang pakiramdam nun? Malambot kaya ang mga labi niya? Tsk! Ano ba 'tong iniisip ko.
'Hello! Xavier, wake up!' pinagalitan ko ang sarili ko, 'walang patutunguhan ang nararamdaman mo ngayon. You're dead and she's so much alive! Sasaktan mo lang pareho ang mga sarili niyo dahil kahit anong gawin mo, a dead person can never fall in love with a living."
Tahimik lang akong nakasunod kay Yumi. Ayoko siyang mapagkamalang baliw sa university kaya nanahimik lang ako. I can't help but admire her. Akala ko isa siyang nerdy loner, pero hindi pala. Marami siyang kaibigan sa school at halatang isa siya sa mga hinahangaan. I learned that she is the graphic artist of their school publication, at hindi lang 'yan, isa din pala siya sa pambato ng unibersidad sa soccer.
I followed her from one class to another hanggang sa huling subject niya kung saan may pagka-terror ang kanilang guro.
"Get your pens ready," saad ng guro nang pumasok siya sa silid, "we will have an exam on calculating means."
'Ayos! Statistics,' sa isip ko, pero napansin kong nakapinta ang kaba sa mukha ni Yumi.
"OMG!" saad ng katabi ni Yumi, "hindi ko naireview ang lesson na 'yan."
"Ako rin," bakas sa mukha ni Yumi ang pag-alala, "kailangan ko pa namang bumawi sa subject na 'to."
Napangiti ako sa narinig ko. Mukhang ito na ang magiging chance ko upang maging knight in shining armor ni Yumi. Math is my favorite subject and Statistics is just a piece of cake.
*Yumi's POV*
Kinakabahan ako habang hinihintay na mai-abot sa akin ang test paper na hinanda ng aming propesor. Sino ba naman ang hindi magugulat? After the one week break due to the school shoot-out, itong surprise exam pa ang napiling pambungad sa amin ng aming old maid na propesor!
Hindi sa tagilid ako sa subject na 'to, may kailangan lang akong i-maintain na grade para hindi matanggal ang scholarship ko. Ito madalas ang wrong impression ng mga propesor sa aming mga athletes. Tingin nila sa paglalaro lang kami magaling kaya lagi nilang chinachallenge ang abilidad namin. I always proved her wrong, pero mukhang hindi ko magagawa 'yun ngayon. Wala talaga akong maalala sa previous lessons namin dahil sa nangyaring barilan noon.
"I-add mo lahat ng values divided by kung ilang sample values ang nandiyan," biglang sabat ni Xavier habang tinitigan ko ang testpaper.
Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.
"Huwag mo akong tignan," saad niya, "sundin mo lang ang sinasabi ko para masagot mo 'yang test mo."
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito pero wala na akong panahon para mag-inarte. Sinunod ko ang lahat na sinabi niya at naging madali ang pagtapos ko sa test. Ipinasa ko sa propesor ang testpaper ko pero mukhang hindi siya natuwa sa ginawa ko. Nanatili akong nakatayo habang chini-check niya ang testpaper ko. Pagkatapos niyang i-check ito, kumuha siya ng isa pang testpaper saka sinabing, "Solve this in front of me."
"Seryoso?" may halong pangungutyang saad ni Xavier, "ano ba ang problema ng propesor mo? Bakit hindi siya natuwang nai-perfect mo ang test?"
Hindi ko na sinagot si Xavier bagkus ay tinanggap ko ang testpaper ni binigay ng propesor saka hinila ang bakanteng upuan sa harap upang sa mismong tapat ng mesa ng propesor ako sasagot.