Chapter 23

1.2K 54 21
                                        


*Xavier's POV*

Nagsilabasan ang mga nakababatang kapatid ni Yumi nang pumasok sina Yumi at mga magulang niya sa silid. Tatlong dalagita at isang bintalyo ang nakasimangot na umupo sa aking harapan.

I don't normally bother when people stare at me, pero ibang klaseng titig ang iginawad sa akin ng mga kapatid ni Yumi. Para silang mga aswang, maliliit na mga aswang, na gusto akong kainin. No doubt, it is really in their family.

"Mahal mo ba ate ko?"

"Anong nagustohan mo kay ate?"

"Anong kaya mong gawin para kay ate?"

"Hindi mo ba sasaktan si ate?"

Halos sabay-sabay silang nagtanong kaya napanganga ako dahil hindi ko alam kung sino sa kanila ang una kong sasagutin.

"Magsalita ka!" bulyaw ng isa sa kanila.

"I, uh, uhm," bahagya akong nautal pero huminga ako ng malalim saka nagsalita, "Mahal ko ang ate niyo dahil mabait siya at maalaga. Pakakasalan ko ang ate niyo at hindi ko siya sasaktan."

"Sinungaling!" tumayo ang isa sa kanila, "maldita at bully si ate. Kapag nandito siya, siya palagi ang nasusunod. Hindi siya mabait at maalaga!"

"Pakakasalan mo si ate? Siguradong dadaan ka muna sa butas ng karayum dahil paniguradong dadaan ka muna sa pagsubok," saad nang isa na nakatayo na rin.

"At dapat kayanin mo lahat dahil kung hindi, paghihiwalayin namin kayo," saad ng pinakamaliit na babae saka nagsalita ang nag-iisang lalaki, "at kapag sasaktan mo si ate, humanda ka sa akin."

Gusto kong matawa pero natutuwa ako sa kanila. Tumayo ako upang lahat sila ay tumingala sa akin saka ko sinabing, "kaya kong ipaglaban ang ate niyo."

"S-sabi ko nga," saad nung pinakamatangkad sa kanila saka nagpakilala, "ako nga pala si Mei. Gusto mo ng tubig?"

"Yes, please," sagot ko.

"Ako naman si Rei. Ikukuha kita ng meryenda," saad ng katabi ni Mei.

"Ako si Shin, gusto mong hilutin ko ang balikat mo?" sabi ng isa.

"H-huwag na," agad kong sagot.

"Ako naman si Hiro at totoo ang sinabi ko kanina," nakatingalang saad ng batilyong lalaki, "lagot ka sa akin kapag sasaktan mo si ate."

"Mei, Rei, Shin, Hiro!" narinig kong tinawag sila ng kanilang ama, "'di ba sinabi namin sa inyo na sa kwarto muna kayo?"

"Eh gusto namin makilala ang boyfriend ni ate," sumagot si Hiro.

"Kasi hindi kapani-paniwalang magkakaroon si ate ng boyfriend,"sabat naman ni Shin.

"Anong hindi!" sumugod si Yumi at umaktong babatukan ang mga kapatid nang muling magsalita si Shin.

"Joke lang ate," saad nito sabay tawa.

"Pumasok na nga kayo!" utos ni Yumi sa kanila pero kumunot ang noo ni Yumi nang dumating sina Mei at Rei na may dalang meryenda."

"Pumasok muna kayo sa kwarto niyo," utos ng kanilang ama.

Inilapag ni Rei ang dalang biscuits sa mesa habang nilagay din ni Mei ang bote ng tubig at baso.

Bumalik si Yumi sa tabi ko habang umupo ulit sa harap namin ang kanyang mga magulang.

Hinintay muna ng ama ni Yumi na makapasok ang mga kapatid ni Yumi bago siya nagsalita.

"Matagal na naming napag-usapan ang tungkol sa sitwasyon ni Yumi. Hinintay lang namin na kumpirmahin niyo ang hinala namin bago namin sasabihin ang aming desisyon," seryosong saad ni ama ni Yumi saka nagpatuloy.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now