Chapter 13

1.4K 64 18
                                        



*Xavier*

"Xavier, sino si Garnet Rivera?" tanong ni Yumi habang nakasunod sa akin, "at bakit siguradong-sigurado ang mommy mo na siya ang pipiliin ng lolo mo?"

"She is just someone from my past na hindi na kailangang pag-usapan," saad ko habang umiiwas pa rin ng tingin sa kanya.

"No! Kailangan natin siyang pag-usapan," padabog na saad ni Yumi, "kailangan kong makilala kung sino siya para malaman ko kung ano ang magiging lugar ko dito kapag dumating siya."

I blew on the air and looked up. Tama si Yumi, she has the right to know about Garnet para mapaghandaan niya ang sinasabing pagdating nito. But I still can't help but wonder, bakit siya babalik? Why after 8 years, babalik siya upang agawin ang lugar ni Yumi sa buhay ko? What is she up to?

"Sasabihin mo ba sa akin o hahayaan mo na lang na ako mismo ang tutuklas kung sino siya?" pagbabanta ni Yumi.

"She was my first love," saad ko habang nabato si Yumi sa kinatatayuan niya.

Nanatiling tahimik si Yumi kaya nagpatuloy ako, "anak siya ng bestfriend ni mommy, and she is five years older than me. I had a huge crush on her noong nagbibinata ako pero hindi ko masabi sa kanya dahil bata lang ang tingin niya sa akin."

Tinignan ko si Yumi upang matantya ang reaksyon niya pero nanatili siyang kalmado. I guess it is really better to tell her everything.

"Thirteen ako noong nagsimula akong magkagusto sa kanya, at that time, she was celebrating her 18th birthday. Anak siya ng bestfriend ni mommy kaya noong ipinagdiriwan niya ang kanyang 18th birthday, napasama ako sa listahan ng kanyang 18 roses. First time ko siyang nakita sa rehearsal ng kanyang cotillion. Iba ang partner ko at that time, but my eyes were on her. Ito kasi ang unang beses na mapamangha ako sa kagandahan ng isang babae," kwento ko kay Yumi.

Umupo ako sa gilid ng pool kung saan nakikita ko ang repleksyon ni Yumi sa tubig.

Tumabi si Yumi saka nagsalita, "so ano nangyari? Ipinagkasundo ka ba ng mommy sa kanya?"

Umiling ako saka ipinaliwanag sa kanya ang lahat, "masyadong bata ang tingin nila sa akin kaya hindi nila naisip na ipagkasundo ang mga anak nila. Garnet is five years older than me. I was about to enter high school then habang nasa kolehiyo naman siya."

Naalala ko ang panahong 'yun. That was the time when I literally wanted to stop time for Garnet habang gusto ko ring padaliin ang oras ko. I was wishing the impossible, to be man enough for Garnet to notice me.

"We were both enrolled in the same university kaya sinasadya kong dumaan sa mga lugar kung saan madalas ko siyang nakikitang nakatambay. I was secretly admiring her from afar for three years hanggang sa isang araw, nakita ko siyang umiiyak. I didn't know how to comfort her but I found myself mindlessly walking towards her," paliwanag ko.

Hindi kumibo si Yumi kaya nagpatuloy ako, "that was the time when I learned that her five-year boyfriend, ang lalaking nakita kong escort niya noong debut niya ay nakipaghiwalay sa kanya. I must admit, natuwa ako sa narinig ko. I was graduating in high school then at ilang buwan na lang ay magiging college na rin ako. I thought I will be man enough to be her boyfriend but of course, hindi ako pwedeng manligaw kaagad. I decided to be her friend and comfort her. That was not a bad idea dahil naging close kami. Since then, she started inviting me to go out with her. Alam kong para sa kanya, simpleng gala lang 'yun, but to me, I always think that I am on a date every time I go out with her."

"Napaka-hopeless romantic mop ala noon. So may napala ka ba?" natatawang saad ni Yumi.

Tumango ako kaya agad siyang nagsalita, "you mean naging kayo?!"

You'll also like

          

Sinagot ko siya ng iling saka ako nagpaliwanag, "I can't say na naging kami."

"Bakit?" nagugulohang tanong ni Yumi.

"Well, we go out often until she started inviting me to visit her condo," saad ko tumingin sa kumikislap na tubig sa pool, "noong una, nanonood lang kami ng mga palabas at minsan naman, naglalaro ng video games. Pero isang araw, nakita niya ang boyfriend niya na may bago nang girlfriend, she was so hurt that she cried her heart out. Hindi ko alam kung paano ko siya pakakalmahin pero siguro dala na rin sa hindi ko mapigilang nararamdaman sa kanya, I kissed her."

Nanatiling tahimik si Yumi kaya nagpatuloy ako, "I had no plan then pero tumugon siya sa halik ko, and not only that, she took the lead. After we kissed, tinulak niya ako pahiga sa sofa at agad siyang pumatong sa akin. My heart raced as I watched her took off her blouse and then she kissed me. Aaminin ko, I was not prepared for what happened pero nagpatianod ako sa nais niyang mangyari. Back then, I thought I was the luckiest."

"So nakipagtalik siya sa'yo dahil nakita niyang may bagong girlfriend ang ex niya? Wow ha!" saad ni Yumi. Hindi ko matantya kung inis ba ang nasa tinig niya o simpleng pangungutya lang.

"So dahil sa nangyari, naging magnobyo kayo, ganun ba?" agad na tanong ni Yumi.

"Tulad ng saad ko kanina, hindi ko masabing kami talaga dahil hindi naming napag-usapan ang estado ng relasyon namin," sagot ko.

"So ano 'yun? One night stand?" sa pagkakataong ito, napansin kong naiinis na si Yumi.

"Huwag na kaya natin siyang pag-usapan? Parang naiinis ka na eh," biro ko kay Yumi.

"Hindi ako naiinis," pinilit niyang magpakalma, "siguro reaksyon ko lang 'yun dahil ang babaw ng dahilan niya upang makipagtalik sa'yo. She is clearly using you as a rebound. Saka ilang taon ka noong nangyari yun?"

"Sixteen," simple kong sagot.

"Imagine? Sixteen ka pa 'nun. Siyempre naintindihan ko kung bakit ka tumugon sa gusto niya. Bata ka pa, tuso ang mga bata sa mga ganyan. Pero siya ang mas nakakatanda at siya dapat ang nakakaisip ng matino," saad ni Yumi.

"Do you want me to continue?" tanong ko.

"Oo, siyempre," nakangusong saad ni Yumi saka siya nagpatuloy, "saka gusto kong malaman kung ano ang lamang niya sa akin."

"Don't worry, I am sure na mas ikaw ang magugustohan ni lolo," saad ko.

"Hindi tayo nakakasiguro. Besides, mukhang siguradong-sigurado ang mommy mo na siya ang pipiliin ni lolo," buntong hiningang saad ni Yumi.

"So anong nangyari?" tanong ni Yumi.

"Pagkatapos ng nangyari sa amin, umiwas siya. Sabi niya, hindi dapat 'yun nangyari at dapat ay kalimutan naming na may nangyari sa amin. But it was not that easy. Siya ang first love ko, siya din ang naging una kong karanasan. Dahil doon, naging mas agresibo ako at hindi ko siya tinatantanan. Napansin ko ring mahina siya. She tried to refuse me but she can't do enough to get rid of me. Hindi ako sumuko hanggang sa naulit na naman ang pagtatalik namin. Sa pagkataong ito, I made sure that she'll feel that I am man enough to be with him. Pinaghandaan ko rin 'yun. Nagbasa ako at nanood ng mga films upang malaman ko kung paano ko siya mapaligaya sa kama," saad ko.

Tahimik lang si Yumi kaya nagpatuloy ako, "after the second time, naulit ng ilang pang beses. Minsan, mas nauna pa ang pagtatalik naming kaysa ang mag-usap. I was addicted to her at hindi naman niya matutulan ang pagiging mapusok ko sa sex. It went on until before my high school graduation. Nakipagkita siya sa akin at sinabi niyang buntis siya."

"OMG! So may anak kayo?" gulat na tanong ni Yumi.

"She told me that she is pregnant but she said she is not planning to keep the baby," saad ko na nagpa-awang sa baba ni Yumi.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now