Chapter 24

2K 81 48
                                        


*Xavier's POV*

Hindi ako nahirapang pakisamahan ang ama ni Yumi dahil nasasabayan ko ang hilig niya. Though cars are not my expertise, madali kong natutunan ang mga trabaho sa talyer dahil interesado din ako sa automotive. I really love fixing things kaya hindi ko namalayang lumipas na pala ang ilang oras habang nandoon ako sa talyer.

"Xavier, bukas mo na ipagpatuloy 'yan," tinapik ako ni Papa Migz.

Gusto niyang tawagin ko siyang papa kaya sinunod ko ang gusto niya; pero aaminin ko, masaya akong makasama ang ama ni Yumi. I've never spent a time with my own father. Hindi ko naiintindihan ang mga hilig ng aking ama. Hindi katulad ng komplikado kong ama, Papa Migz' happiness is simple – his goals are clear and his motives are obvious.

"Migz, handa na ang hapunan!" tawag ni Mama Stella, ang ina ni Yumi.

"Tara na Xavier, madaling magtampo 'yang mama mo lalo na kapag niluluto niya ang specialty ng pamilya," saad ni papa.

"Sige, ililigpit ko lang 'tong mga kagamitan," sagot ko.

"Huwag na, si Alvin na ang bahala niyan. Kabisado niya kung paano ipupwesto ang mga 'yan na madali ko lang makita," saad ni papa.

Agad namang lumapit ang sinasabing Alvin ni papa saka padabog na kinuha ang mga nakalapag na kagamitang ginamit ko. Napansin ko ring masama ang tingin ni Alvin sa akin kaya kinausap ko siya.

"May problema ba tayo?" tanong ko.

"Wala! Bakit, may kailangan ba tayong problemahin?" masungit na sagot nito sa akin.

Halatang hinahamon niya ako pero wala ako sa mood na patulan siya kaya binalewala ko na lang ang masamang tono ng pananalita niya sa akin.

"Xav –" narinig ko si Yumi pero bigla itong napahinto saka sinabing, "Alvin?"

"Yumi," nakangiting tumayo si Alvin na agad namang niyakap ni Yumi.

Nagulat ako sa nakita kong pagyayakapan ng dalawa sa harap ko.

"Akala ko ba nag-abroad ka?" masayang tanong ni Yumi.

"Naghihintay pa ako ng tawag mula sa agency," sagot ni Alvin.

"Ahem," sinadya kong tumikhim upang maalala ni Yumi na nandito lang ako pero tila hindi epektibo dahil nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Alvin.

"Oh? Eh bakit ikaw ang nagliligpit diyan?" tanong ni Yumi kay Alvin.

"Tumutulong lang ako. Nakiusap kasi ang papa mo na dito muna ako magtatrabaho habang naghihintay pa ako ng tawag sa agency."

"AHEM!" nilakasan ko ang aking pagtikhim upang mapansin ako ni Yumi.

"Ay, oo nga pala," saad ni Yumi habang napalingon sa akin.

"Si Xavier nga pala, ang –"

"Ang mapapangasawa ni Yumi," agad akong sumabat dahil pakiramdam ko ay may gusto ang lalaking ito kay Yumi.

"Narinig ko nga," natatawang saad ni Alvin.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.

"W-wala, may naalala lang ako," nakatawa pa ring umiiling si Alvin saka nagpatuloy, "akala ko kasi, Tomboy itong si Yumi."

"Nakakainis ka na!" kunwaring naiinis si Yumi pero halata naman ang kanyang ngiti.

"Alam ko namang 'di ka tomboy pero hindi ko inakalang ikaw ang mauunang ikakasal sa inyong magkakapatid," patuloy na pangungulit ni Alvin kay Yumi dahilan upang kumulo ang dugo ko.

You'll also like

          

"Gago!" hindi inis kundi may halong paglalanding saad ni Yumi.

"Alvin, nandito ka rin pala," saad ni mama Stella na kakarating lang.

"Oo, nakiusap kasi si papa," sagot ni Alvin.

'Papa?' nagulat ako sa itinawag ni Alvin kay papa Migz. Sino ba 'tong kutong na 'to?

*Yumi's POV*

Hindi ko inasahang magkikita kami ni Alvin ngayon. Si Alvin ang kababata ko na naging naging ex-boyfriend ni ate Kimi. Ang totoo, matagal na akong may crush sa kanya kaya sobra akong nasaktan nang malaman kong nililigawan niya ang kapatid ko. Dahil doon, nilibang ko ang sarili sa pag-aaral hanggang sa makakuha ako ng scholarship sa St. Mary's University.

"Dito ka na rin maghapunan," niyaya ni Mama si Alvin.

Nagkahiwalay man sina ate Kimi at Alvin, hindi naman nabago ang pakikitungo ng mga magulang ko sa kanya. Kung tutuusin, parang anak na rin ang turing nina papa't mama kay Alvin.

"Sino siya?" tanong ni Xavier habang nakasunod kami kina Mama at Alvin.

"Si Alvin, nasabi ko na, 'di ba?" saad ko.

"Oo, pero ba't papa ang tawag niya kay Papa Migz?" tanong ni Xavier.

Napangiti ako dahil pakiramdam ko na pinagseselosan niya si Alvin.

"Ex-boyfriend siya ni ate Kimi, yung pangalawa sa aming magkakapatid," paliwanag ko.

"Ah," tumango siya saka nagtanong, "eh kung ex-boyfriend, ba't papa pa rin ang tawag niya kay Papa Migz?"

Hindi ko maiwasang matuwa sa inasal ni Xavier pero ayokong galitin siya kaya sinagot ko na alng ang tanong niya, "kababata ko siya bago naging sila ni ate."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Xavier kaya 'di ko sinasadyang mapatanong, "selos ka?"

"Anong selos? Ba't naman ako magseselos," halatang umiwas ng tingin si Xavier saka bahagyang bumilis ang paglakad kaya nauna na siya ngayon sa akin.

Nakangiti akong sinundan ng tingin si Xavier dahil kahit ayaw niyang aminin, nararamdaman kong naiinis siya sa presensya ni Alvin. Ewan, alam kong masama pero pakiramdam ko, kung pagseselosin ko si Xavier sa pamamagitan kay Alvin, ay possibleng maalala niya ang dati niyang nararamdaman sa akin.

_____________________

Sadyang mahaba ang aming mesa dahil sa dami naming magkakapatid, at dahil dalawa sa mga kapatid ang wala, naging kapalit sa mga pwesto ng mga wala kong kapatid sina Alvin at Xavier. Sa pwesto ni ate Aiko umupo si Alvin na nasa kaliwa ni papa habang sa pwesto naman ni ate Kimi umupo si Xavier na nasa pagitan namin ni Mama.

"Kumusta pala ang aplikasyon mo sa abroad?" tanong ni mama kay Alvin nang magsimula na kaming kumain.

"Tatawag lang daw sila," malimit na sagot ni Alvin.

"Nagkita ba kayo ni Kimi sa Maynila noong nagpunta ka para sa aplikasyon mo?" tanong ni papa.

"Sinadya ko siya pero mahimbing daw ang tulog kaya hindi ko na pinagising sa ka-boardmate niya," sagot ni Alvin.

"Hay naku, itong si Kimi. Hindi ko alam kung ano ang balak sa buhay. Mukhang nawiwili na siya sa trabaho niya, kaso hindi naman pwedeng habambuhay siyang ganyan. Hinayaan niyang magkalaboan kayo dahil lang sa trabaho niya," saad ni Mama saka nilingon si Xavier at sinabing, "kaya kayong dalawa, huh. Kahit anong mangyari, huwag niyong hayaang magkalaboan kayo dahil lang sa pera. Dahil ang pera, madali niyong mahanap. Pero ang relasyon, kapag nawasak, mahirap nang ayusin."

Hindi kami nakasagot ni Xavier kay Mama dahil biglang nagtanong si Alvin kay Xavier.

"Hindi ko nabalitaang nagkaboyfriend pala 'tong kaibigan ko. Saan kayo nagkakakilala?" tanong ni Alvin.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now