*Xavier's POV*
Lalo akong nagduda kay Yumi nang banggitin niya ang Amano-Kai, pero nagtaka din ako nang banggitin niya si kuya Wayde. Walang nakapagsabi sa akin tungkol sa nangyari kay kuya Wayde, marahil dahil nakatutok ang lahat sa paggising ko.
Hindi rin kami nakapag-usap ni Vyn kaya naisipan kong tawagan siya.
"Hello?" agad na sagot ni Vyn sa tawag ko.
"Vyn, si X 'to," saad ko.
"X? Naku pasensya ka na. Hindi kita nabisita dahil may inaasikaso ako," saad ni Vyn.
"Oo nga. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko.
"Nakita ko na si Chyler, pare. Salamat din sa tulong mo dahil nasugpo na rin namin ang Amano-kai at natunton ang lahat na may ugnayan sa sindikato," pagsisiwalat ni Vyn.
"Masaya ako para sa'yo, pare. Pero may gusto sana akong itanong sa'yo," saad ko saka nagpatuloy, "ano ang alam mo sa nangyari kay kuya Wayde?"
"Kasalukuyang tinatapos ni Abo ang report niya tungkol sa kaso ng kuya mo," saad ni Vyn.
"B-bakit? Ano ang kaso niya?" tanong ko.
"Oo nga pala," narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Vyn saka nagpatuloy, "nakalimutan kong na-comma ka pala ng mahigit isang taon. Para lang kasing nandito ka dahil kay Yumi."
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.
"Wala ka bang naalala sa mga nakalipas na buwan?" tanong ni Vyn.
"I was asleep for more than a year, ano ba ang dapat kong maalala?" tanong ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Vyn saka nagsalita, "ang totoo, ayoko sanang maniwala. Pero pinatunayan ni Yumi na totoong kasama ka niya noong mga panahong tumutulong si Yumi sa pagtuklas namin tungkol sa Amano-kai."
Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko dahil ang ibig sabihin nito ay totoo lahat ang mga sinabi ni Yumi sa akin.
"Makikibalita ako kay Abo tungkol sa development sa kaso ng kuya mo. Tatawagan na lang kita kapag hawak ko na ang report. Don't worry, pare. Napatunayan nang hindi kasama ng Amano-Kai ang kuya mo at hindi siya sangkot sa nangyaring pagkakabaril sa'yo. He was just framed," saad ni Vyn.
Tinapos ko na ang pag-uusap namin saka napaisip. Bakit naisipan ng Amano-Kai na i-frame si kuya Wayde?
Maraming tanong ang nabuo sa isip ko ngunit naputol ang aking pag-iisip nang lumabas sa banyo si Yumi. Tumingin ako sa kanya saka nakiramdam. Pinilit kong damhin ang sinasabi ni Yumi na pagmamahal ko sa kanya, pero putcha! Libog ang nararamdaman ko nang tinignan ko ang kabuohan niya.
Suot na niya ang binili kong damit. Hindi man ito kasing revealing sa mga damit na binibili ko sa mga babaeng balak kong paglaruan, lumilitaw pa rin ang kaseksihan at kagandahan niya. Naglalaro ang mga imahinasyon ko sa kung paano ko siya huhubaran. I mean, don't get me wrong. Pumirma siya na ipagbubuntis niya ang magiging anak ko. Pwedeng-pwede kong singilin ang kasunduang 'yun ngayon.
"Ano ang tinitingin mo?" pagtataray niya sa akin.
"Asa kang tinitignan kita. Bigla ka kasing lumabas ng banyo kaya ako napatingin sa gawi mo," pagrarason ko.
"Sabihin mo na ang gusto mo, pero dahil wala ka naman naisip na pupuntahan natin ngayon, pwede bang dumaan na lang muna tayo sa university?" saad niya.
"Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong ko.
"Nagmessage kasi ang guidance office, kailangan ko daw mag-file ng leave of absence sa university kung balak kong huminto ng isang taon," sagot niya.
"Hihinto ka sa pag-aaral?" muli kong pagtatanong.
"Pagkatapos kasing mabuo ang kasunduan namin ng lolo mo, agad niyang tinawagan ang unibersidad upang ipaalam na pansamantalang hihinto ako sa pag-aaral," sagot ni Yumi.
Napatawa ako sa narinig ko. Talagang disidido si lolo na gawin ang kasunduan nil ani Yumi. Ni hindi na nga niya mahintay ang paggising ko. Pero hindi na niya kailangang makipagsundo pa kay Yumi. Buhay ang anak namin ni Garnet, 'yun lang naman ang kailangan niya.
With that in mind, I do not need to get married just to give him a grandchild.
"So ano? Pupunta ba tayo sa university?" tanong ni Yumi.
"Hindi naman natin itutuloy ang kasunduan ninyo ni lolo, 'di ba? Kaya hindi mo na kailangang huminto sap ag-aaral," saad ko.
"Kahit na," lumapit siya saka nagpatuloy, "mula noong pinatira ako ng lolo mo sa mansyon, hindi na ako nakakapasok sa mga klase ko. Marami na akong na-miss na mga gagawin sa mga subjects ko kaya mas mainam na i-process ko na lang withdrawal ko sa subjects kaysa tumatak sa transcript ko na bumagsak ako."
"Okay, fine. Pero ihahatid lang kita. Ayokong bumuntot sa'yo sa loob ng university," saad ko.
"Mas okay 'yan," nagkibit balikat siya saka nagpatuloy, "ayoko ring makita na may tikbalang akong kasama."
*Yumi POV*
Pinilit kong hindi pansinin ang mga pagtingin sabay bulongan ng mga estudyante sa unibersidad habang dumadaan ako sa hallway. Dumirecho ako sa registrar's office para kumuha ng withdrawal form saka tumungo sa faculty room upang magpapirma ng form.
Pagkatapos kong gawin ang proseso ng pag-file ng leave of absence ay agad akong pumunta sa parking lot, ngunit nagulat ako dahil wala na ang sasakyan ni Xavier doon.
Agad kong kinapa ang aking cellphone sa bulsa saka ko naalala na hindi ko pala ito nadala.
'Saan kaya nagpunta ang tikbalang na 'yun?' tanong ko sa isip saka bumuntong hininga. Babalik din siguro 'yun kasi kung hindi, paniguradong masisira ang balak niyang pagpapanggap namin.
Minabuti ko na lang na pumunta muna sa soccer field para manood ng practice.
Aaminin kong na-miss ko ang normal kong buhay. Ang buhay na aral-laro-bahay lang; pero hindi ko rin maipagkakailang naging mas makulay ang buhay ko dahil sa pagdating ni Xavier. With him around, natutunan kong magmahal at magpakatatag para sa minamahal.
"OMG! The gold digger is here," narinig kong may nagsalita mula sa likod ko.
Kilala ko ang boses na 'yun, si Savannah, ang evil bitch na lagging binu-bully ang kaibigan kong si Cerise.
"I heard na pansamantalang titigil ka muna sa pag-aaral dahil nabuntis ka raw?" lumapit si Savannah saka nagpatuloy, "gosh! Hindi ko akalaing masisikmura mong makikipagsiping sa iyang matanda. I mean, I heard, nakatungkod daw na matanda ang nabingwit mo, Senyor Vanhallen ata 'yun."
"Savannah, nanahimik lang ako dito pero mag-ingat ka sa mga sinasabi mo lalo na kapag hindi kompleto ang impormasyong nakalap mo," saad ko habang hinarap siya.
"So totoo nga, hihinto ka," napahalukipkip si Savannah saka sinabing, "I heard na delikado ang scholarship mo dahil nahihirapan kang ipasa ang ibang subjects mo. So this is your plan B? Maghanap ng dirty old man upang may magsusustento sap ag-aaral mo. Malas mo lang, matinik na matanda nabingwit mo. Binuntis ka kaagad," pangungutya ni Savannah.
"Huwag mong kalimutan na hindi ako sa Cerise. Hindi ako umuurong sa away," babala ko sa kanya.
"Naku Yumi, mag-ingat ka," nagkunwaring concern si Savannah, "baka makunan ka't mawala ang pagkakataon mong makaasawa ng matandang madaling matsugi."
"Hayop ka!"
Hindi ako nakapagpigil dahil agad kong sinugod si Savannah. Habang nakasabunot ako sa buhok ni Savannah ay sinisipa ko rin ang mga kaibigan niyang nakikisabunot din sa buhok ko.
Hindi ko maalala kung ilang minuto ang pakikipag-basag ulo ko sa kanila pero dumating ang mga student marshals at agad na pinaghiwalay kami. Maraming pasa man ang natamo ko, nakontento naman ako dahil nakita kong nabigyan ko ng black eye si Savannah.
Dinala kami sa guidance office at isa-isang kinausap ng guidance counselor. Hindi naman ako nag-alala dahil kilala si Savannah na trouble maker sa university. Pagkatapos sa ginawa niyang pagpapahiya sa kaibigan ko, kilala na siya sa bilang bully sa unibersidad.
"Mabuti na lang at nakapag-file ka na ng leave of absence," panimula ng guidance counselor, "dahil kung hindi, baka malagay ko sa student record mo ang pakikipagsabunotan mo kay Savannah. Alam mo namang makakaapekto ito sa scholarship mo."
"Hindi ko na kasi napigilan," saad ko, "naiinis kasi ako sa mga sinabi niya."
"Pero dahil sa reaksyon mo, mas lalo mong pinalaki ang problema. Alam mo namang sira na ang kredibilidad ni Savannah kaya hindi mo na dapat pinatulan ang mga sinasabi niya," saad ng guidance counselor.
"Pero marami pa rin ang nakikinig sa mga tsismis na pinapakalat niya," mahina kong saad.
"Hayaan mo na," saad ng guidance counselor, "lalabas din naman ang katotohanan."
Pinauwi ako ng guidance counselor at pinagsabihang iwasan muna ang gulo. Nalaman ko rin na posibleng mawawala ang scholarship ko dahil sa desisyong paghinto ko sa pag-aaral.
Napabuntong hininga ako dahil ang scholarship ko lang ang dahilan kung bakit nakakapasok ako sa unibersidad. Pero dahil sa sakripisyong ginawa ko para kay Xavier, mawawala ang pangarap kong makatapos. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung paano ko maipapaliwanag sa mga magulang ko na maaaring hindi ko na maipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Buong araw akong naghintay kay Xavier. Wala akong pamasahe, walang pera at walang cellphone. Maliban sa hindi pa ako nakapag-lunch, nauuhaw na rin ako, 'Saan na kaya si Xavier?'