August's POV
You gotta be kidding me. Who the fuck is this child? Magulo ang blonde nitong buhok pero nakakalunod naman ang kulay asul na mga mata nito. May mga dumi-dumi pa ito sa mukha pati suot nito na pakiramdam ko ay batang lansangan ito na namanalimos. Pero, uso ba ito rito? Wala pa akong nakikitang street children dito sa pandora.
"Hey Kid, where is your mom?" Tanong ko rito at pilit ko itong binabaklas sa aking paa na akala mo tukong nakakapit.
She looked at me like a confused puppy. Yes, she is a girl not a boy halata sa mukha nitong batang babae ito na nasa edad na tatlo o dalawa, not sure.
"Mama!" Sagot lang nito sa akin.
"My god, don't tell me anak mo talaga yan August?!" Gulat na tanong naman sa akin ni Franco.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Kamukha ko ba Franco? Buhok pa lang walang wala na." Reklamo ko naman rito. Baliw na ito eh. Ni hindi pa ako nagkaboyfriend at mas lalong virgin pa ako kaya inposible ang sinasabi nila.
"Baka mana sa ama." Sagot naman ni Jules.
"Baliw! Kung may anak nga ako, bakit ko naman itatanggi yun?" Sarap kutusan ng dalawa eh. Kaya wala akong nagawa kundi ang kargahin na lang yung bata. She looks a mess but doesn't smell. Weird, dahil sa itsura niya dapat nangangamoy na ito, but she is not. She smells like sea breeze. She doesn't smell like sunshine. Amoy araw.
"Anong gagawin mo diyan? Baka hinahanap na yan ng mga magulang niyan." Nag-aalalang saad naman ni Gen sa akin.
Yun na nga ang iniisip ko. Baka hinahanap na ito kaso bata ito, hindi naman namin pwedeng iwan ito ditong pakalat kalat. Bakamasagasaan lang ito bigl o kaya naman makidnap. Mukahang wala pa naman pangransom ang mga magulang nito. Hindi ko kayang gawin yun gaya ng ginawa ng mga magulang ko. Pagkatapos akong ipanganak, itinapon lang ako sa ampunan.
"Magtanong tanong tayo." Saad naman ni Lucas.
Si Cayden naman ay nakatingin lang sa bata at walang ekspresyon habang si Clint at Alucard ay busy sa kakatingin ng mga bilihin at si Alice naman at Denver ay pansamantalang tahimik.
Agad na lumapit ako sa matandang nagtitinda doon para magtanong kung sino ang magulang ng batang ito.
"Manang, mawalang galang na po pero pwede ba magtanong?" Tanong ko rito at tumango naman ito. "Kilala mo ba kung sino ang mga magulang ng batang ito?" Tanong ko rito at tsaka itinuro ang batang hawak ko.
Tumingin naman ang matanda sa batang hawak ko at napakunot noo at umiling ito. "Hindi ineng. Paminsan minsan nakikita ko ang batang yan dito pero walang magulang na kasama. Laging ganyan din ang itsura at suot." Sagot naman nito sa akin.
Anong ibig sabihin nito? Yung dating sa akin ay parang walang magulang itong batang ito. "Hindi niyo nakita kung may magulang ba siyang kasama?"
Umiling ito. "Wala Ineng. Wala naman batang lansangan dito, kaya nagtataka din ako sa batang yan. Miminsan ko lang makita siya, nanghihingi ng pagkain sa mga nagtitinda, binibigyan naman dahil nakakaawa. Ilang beses na namin inireport ito sa kataas taasan pero oras na hanapin na ang bata ay nawawala naman ito at hindi magpapakita ng ilang araw, tapos babalik na naman." Sagot nito sa akin.
Napatingin naman ako sa bata at kita ko ang takot sa mga mata nito. Ramdam ko na naiintindihan niya ang pinag-uusapan namin ng matanda.
"Sige salamat manang." Saad ko rito at lumayo na doon at lumapit sa grupo. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung saan ang mga magulang nito. Imposible naman kasi kung wala itong magulang.
"May nakalap ka ba?" Tanong kaagad sa akin ni Gen.
Umiling ako. "Wala. Kahit sila ay hindi kilala ang bata." Sagot ko at tiningnan ko ang bata na ngayon ay nakatingin na rin sa akin na akala mo ay minememorya ang buong mukha ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin sayo."

YOU ARE READING
THE ADVENTURE OF AUGUST IN PANDORA'S WORLD
FantasySEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasangkot sa isang away si August, isang di inaasahang pangyayari ang naging dahilan at napadpad siya sa i...