10. Changing Course

46.5K 2.3K 150
                                        

August POV

Normal na akong naglalakad ngayon dito sa academy. Di ko na kailangan na magpaninja moves dahil na halungkat na ni Gen ang sekretong baul ko. Hahaha. Just kidding. Pero wala na akong rason para iwasan ang bruhang yun dahil alam na nito ang bagay na gusto nitong malaman.

Pumasok na ako sa room namin and as usual they are keeping themselves to something God knows what.

"August!" Tawag sa akin ni Hera na abot tengang ngiti.

Napatingin naman sa kanya ang aking mga kaklase na nagtataka kung bakit tinawag ako nito. Pero ni isa ay wala din nagtangka na magsalita. Takot lang nila.

"Hi!" Bati ko naman rito. "Such a nice morning." Pahabol ko pa dito at tsaka ay umupo na ako na katabi ito. No, to be specific, one seat apart kami.

"Yes! And by the way, I brought food from home. We can eat it later on lunch." Masayang balita nito sa akin.

Napangiti naman ako. Pagkain is my favorite thing. Kaya pakiramdam ko ay nagutom ako kahit kakakain ko lang ng agahan. "Uy, excited na ako para lunch!" Tatawa-tawang saad ko naman.

"Hahahaha. Ako rin!" Tuwang tuwa na saad nito.

"Class, please be seated." Biglang saad ng teacher namin na si Ms. Corrie na nakapasok na pala.

Kaya agad-agad na nagsi-upuan ang mga kaklase ko. Lahat ay umaktong parang mga statwa, wala man lang nakaslouch kaya napatuwid din ako.

"Today, Headmaster Avion will be announcing something important." Saad ni Ms. Corrie at tumingin ito sa may pinto kaya napatingin din kami roon. May lumitaw doon na lalaki na nakasuot ng parang pang royal guard na kulay puti na may cape na asul. "Headmaster." Bati ni Ms. Corrie at nagbow ito.

Napatayo din kami at nagbow dito at umupo ulit. Tinitigan ko ang Headmaster since ito ang first time na nakita ko siya. The man is about on his late twenties at talagang killer look ito.

"Good morning students!" Nakangiting bati nito sa amin.

"Good morning Headmaster!" Sabay sabay na bati namin rito.

"I know, lots of you are wondering why I am here. So to answer your curiousity, I am here to welcome you, the first year of Volks Academy. I was not around last opening due to some unforseen situation." Kuwento nito sa amin.

Hanga naman ako dito. Talagang pinuntahan pa kami para lang i-welcome. Mukhang malaking importansya sa kanila ang mga first year.

"And in addition to that, we made a slight changes with the curriculum of the academy. The new rule is, there will be a one time courtesy in each student to change course." Saad nito.

Bigla naman nagkaroon ng ingay ang buong klase. Pati ako ay napasinghap din! Akalain mo, may one time courtesy pang nalalaman ito! So pwede pa la akong makalipat? Yehey!

"And, the deadline for submission is up until today. If you wish to transfer, just go to registrar office to sign a form. And that will be all for today I think. So I am going to leave now since I am done with my quest. Good day." Saad nito sa amin at umexit na.

"Wow. That was first the time in history. One time courtesy." Di makapaniwalang saad ni Hera.

Ang lawak lawak naman ng pagkakangiti ko ng dahil sa magandang balita. I would definitely transfer no matter what.

THE ADVENTURE OF AUGUST IN PANDORA'S WORLDWhere stories live. Discover now