SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak.
Isang araw habang nasangkot sa isang away si August, isang di inaasahang pangyayari ang naging dahilan at napadpad siya sa i...
"We need to wear glasses, para cool." Suhestiyon ni Alice at kumuha ito ng tatlong aviator glasses at binigyan kami isa-isa.
"Can you remind me why do we have to wear glasses?" Tanong ko naman. Cool ba ang hinahanap niya? Eh bakit hindi pa siya nagsuot kanina?
"Duh, nakaka-insecure ka naman kasi that's why we have to wear glasses para mabawasan naman yang ganda mo." Sagot pa nito with as a matter of fact tone.
Napataas naman ang kilay ko. "So kasalanan ko pa ngayon?"
"Ay syempre hindi. Unfair lang talaga itong mundo." Ngising sagot ni Alice sa akin.
Napailing naman si Gen. "Tumigil na nga kayo. Sige na baba na tayo baka ano pa isipin ng mga boys sa baba.
Patamad kong isinuot ang glasses. Yung totoo ay hindi ako sanay magsuot nito. I have a 20/20 vision at hindi naman din ako fashionista dahil hindi ko naman afford yun.
Nagsimula na kaming maglakad pero parang tinutubuan ako bigla ng hiya. Ewan ko ba at kinakabahan ako na ewan. Yung totoo ay nahihiya talaga ako dito sa suot ko. Pero pilit kong kinakapalan yung mukha ko kesa naman makutya ako ni Cayden.
Sa sobrang pag-iisip ko ay napansin ko na lang na wala na sa harap ko sina Gen at Alice. Hala ka! Nauna na ang dalawang buwiset! Badtrip at kailangan ko pa talagang maglakad mag-isa! Kaya kahit nanlalamig ako ay naglakad pa rin ako and I am trying to wear my usual facade, yung walang pake look. I am also wearing a heeled flip flops na kulay puti. Bumaba na ako sa Grand Villa at tanaw ko kaagad na nagkakasiyahan sila pero parang may nadagdag. May dalawang hindi pamilyar sa akin yung nakikita ko na kaharutan nina Franco at Jules.
I just walk silently at malapit na ako sa pool.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N: for imaginary purposes.
Nakaramdam na lang ako ng kilabot sa paligid at napatingin na lang ako sa pool ng biglang nagtalsikan ang tubig.
"What the hell is happening?!" Biglang naisigaw ni Franco.
"Crap! I can't move!" Reklamo naman ni Jules.
"Break the spell man!" Sigaw naman ni Lucas.
"NO ONE WILL TURN AROUND!" Nasindak naman ako sa maladagundong na boses ni Cayden. "TRY IT AND YOU'LL BE DEAD." Banta pa nito.
Biglang natahimik ang lahat. Si Alice at Gen naman ay nakanganga pero si Alice ay natatakot. Ako naman ay hindi makagalaw dahil pakiramdam ko ay delikadong lumapit sa pool lalo na ng magtama ang paningin namin na Cayden na sobrang dilim nun! God! Anong problema ng taong to? Hahakbang na sana ako pero nagsalita naman ulit itong si Cayden.