Currently in PandoraLady August's POV
Napakatahimik ng gabi, mga huni ng kuliglig lamang ang aking naririnig. Bukas na nakatakda ang aking kasal kay Prince Cayden at bukas din siya kokoronahan bilang Emperor ng Veneesha.
Dapat masaya ako dahil ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal din ako, pero habang tumatakbo ang oras ay parang pinapatay na ako sa sakit at kalungkutan.
Bumuntong hininga na lang ako at naglakad ako papuntang lawa sa harap ng aking marangyang silid. Walang mga kawal na nakabantay kaya malaya akong nakakapaglakad sa bakuran. Narating ko ang maliit na lawa na pinapaligiran ng mga kulay puting lutos at napatingin ako sa puno ng sa gilid ng lawa na nililiparan ng mga alitaptap.
Ang ganda ng paligid. Parang puno ng mahika ang lawa kasabay ng hangin. Pero kahit gaano pa kaganda ang paligid ay di maalis alis ang kalungkutan sa aking puso.
Kinapa ko ang aking dibdib at nahawakan ko ang medalyon. Ito ang bigay sa akin ng Prinsipe, palatandaan na ako ang babaeng kanyang pakakasalan.
"I love you, but I am not the one who is destined to love you." Naibulong ko sa hangin. Hinubad ko ang medalyon at tiningnan yun sa huling pagkakataon. "Lith puram syeth ta lismuth dithpularam ansuem juseya meth." Isang orasyon ang aking binitiwan at inihulog ko ang medalyon sa lawa.
"Lady August! What have you done?" Gulat na tanong sa akin ng taga pangasiwa ng templo. Parang nawalan ng kulay ang mukha nito na palipat lipat ang tingin nito mula sa akin at sa lawa na pinaghulugan ko ng medalyon.
"It doesn't belong to me." Sagot ko sa kanya.
Tila nagtaka naman ito sa naging sagot ko at bumaha ang kalituhan sa mukha nito. "Why are you saying that? You've been chosen long ago to be Prince Cayden's bride.
Ngumiti ako ng mapait. Naalala ko na sobrang saya ko ng ako ang pinili ng prinsipe. Mahal na mahal ko ang prinsipe kaya sobrang kasiyahan ang naramdaman ko ng pinili niya ako. Pero lahat ng kasiyahang yun ay gumuho mula noong nakaraang araw.
"You were right, I have been choosen. But I am not the true owner of the medallion. I am not destined to marry Prince Cayden." Mapait na sagot ko. Tears pooled but I held it back from falling.
Mas lalong nalito pa ang tagapangasiwa sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko. "It doesn't make any sense, how could you say that Lady August."
Tumingin ako kanya. Siguro oras na para malaman niya ang katotohanan. "Head mistress, you know that I have the ability to see the future." Panimula ko sa kanya. "Tomorrow, I will die. There will be an assination and I will be killed." Saad ko na siya naman ang pagkagulat ng tagapangasiwa. Napatakip ito sa bibig habang nanlalaki ang mga mata.
"Oh my god." Sambit nito na parang mawawalan na ng ulirat. Di na nakakapagtataka yun dahil talagang nakakagulat ang mangyayari bukas.
"My life is until tomorrow, but I want to save the Prince, I tried to look for a solution and I found there is another me living in a far galaxy. She will replace me." Tuloy ko.
"What? Another you?" Gulat na tanong nito.
Tumango ito. "Yes, there is another me, living in Earth. She is me. She is the one destined to marry the Prince. My destiny is to die tomorrow."

BINABASA MO ANG
THE ADVENTURE OF AUGUST IN PANDORA'S WORLD
FantasySEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasangkot sa isang away si August, isang di inaasahang pangyayari ang naging dahilan at napadpad siya sa i...