August's POV
Ilang araw na ba ang lumipas? Right, tatlong araw na laging sira ang araw ko. Paano ba naman kasi lagi akong nadedetention! Like littering, curfew, sleeping inside the class. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may nakabantay sa akin na gumawa lang ng mali at detention na kaagad ako. Yung totoo, may spy camera bang nakasunod sa akin? Ha! Imposible naman yun dahil hindi uso dito ang drones o spy camera. Oo may cellphone pero hindi ganun ka techie ang technologies dito.
"August, ano ba ang nangyayari sayo? Ginagawa mo ng bahay ang detention room." Puna ni Gen sa akin.
Naiinis akong napakamot sa batok ko. "Ewan ko ba Gen, feeling ko eh under surveillance ako. Konting mali ko lang detention slip na kaagad." Sagot ko naman rito. Nakakabanas lang eh, kasi parang ako lang ng ako yung napapatawan ng detention. May nakikita naman akong iba na lumalabag pero bakit walang detention slip? May galit ba ang guidance councilor sa akin?
"Iwasan mo na lang kasi yung mga bawal, kasi inaaraw araw mo na eh. Hindi ka na updated sa mga meetings dito sa dorm." Saad naman ni Alice.
Isa pa itong meeting. Alam na nila na nadetention ako, hala meeting pa rin kahit wala ako. Pwede naman silang magmeeting ng nakauwi na ako. Kaya nagtatanong pa ako kina Gen at Alice kung ano ang nangyayari sa meeting and worst, I was mark as absent in every meeting and of course, kagagawan naman yun ni Cayden. Tsk, dinadamay niya yung school life ko sa personal issue namin eh.
"I am trying pero nagugulat na lang ako. Kulang na nga lang eh, hindi na ako gagalaw para walang mali." Sagot ko naman rito. "Feeling ko tuloy, sinasadya talaga nila eh."
"Well, if you think about it..... Baka kasi todo yung atensyon nila sayo since you are a new member of the Elites. Isa kasi sa catergory natin ang abiding the rules and regulations." Saad naman ni Gen na napaisip pa.
Ngumisi naman ako. "Do I look like a rule abider? I break rules." Napapailing na saad ko. "And whoever is spying me, humanda ang siya. Wag niya lang hintayin na mapuno ako sa kanya."
"Hey relax, baka naman kasi nagkataon lang din August." Usal ulit ni Alice.
"Sana nga lang Alice, dahil kung hindi... Lintek lang talaga ang walang ganti." No matter how I think. My instinct is screaming that there is something not right. And I trust my instinct so much.
•••
Genieva's POV
Napabuntong hininga na lang ako. Somehow, I feel like I know what is happening. Kahit hindi ko itanong, parang alam ko kung sino ang may gawa nito. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay August dahil hindi naman ako sigurado. Mahirap na ang mambintang. It feels like this is some kind of a revenge from that person. Her nemesis.
"Oh, ano naman yang iniisip mo?" Sita naman sa akin ni Lucas. Kararating lang nito at wala na rin si August dahil may klase pa siya.
"I am just thinking, why the sky is blue." Wala sa sariling sagot ko rito.
Napakunot naman ng noo si Lucas. "Lakas ng trip mo no? Yan pa talaga iniisip mo?" Napapailing na turan ni Lucas.
"Eh sa wala akong maisip eh." Sagot ko na lang rito.
"Haist, mas magandang isipin kung kelan tayo magkakaroon ng misyon." Nababagot na saad nito sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit, excited ka na ba? Matagal pa tayo magkakaroon ng misyon, lalo na at kakapasok pa ni August. She needs more training dahil liability siya sa grupo." Sagot ko naman rito. I don't want to be mean but I am stating a fact. Hindi biro ang misyon ng mga Elites and it requires training and experience. Kung magkakamisyon kaagad kami ay walang choice si August kundi ang sumama dahil myembro siya and she will be in danger again.... Hindi pa nga namin alam kung sino ang gustong pumatay sa kanya at hindi rin kami sigurado kung umabot na ba sa kanila ang katauhan ni August.

YOU ARE READING
THE ADVENTURE OF AUGUST IN PANDORA'S WORLD
FantasySEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasangkot sa isang away si August, isang di inaasahang pangyayari ang naging dahilan at napadpad siya sa i...