19. Duel ⚔Part 2

41.5K 2.2K 222
                                        

August's POV

Tumalsik kaagad si Venna pero agad itong nakabangon ng tumama ang kamao ko sa kanyang mukha. Aba himala lang kasi buhay pa ito ngayon. Kung ordinaryo lang ito, malamang comatose na ito kaagad!

Hindi na nagpapigil si Venna at agad na umatake pabalik sa akin at mabilis ko naman na nailagan ang sipa nito. Kahit mabilis siya, mabilis din ako. I grew up living like this kaya hindi na ako nagugulat sa mga ganito kabilis na galaw.

Pinaulanan ko ng suntok si Venna na mabilis naman nitong iniiwasan. Hanggang sa tumama naman ang aking sipa sa tiyan nito na ikinaatras nito at napasuka ito ng dugo.

Napangisi na ako sa nakikita ko. Blood. She's suffering from extreme pain already. I can see it in her eyes. I can already smell her fear.

"Come on, witch. Isn't this what you want? You want fun right?" Ngising tanong ko rito. Hanep lang di ba? Lakas ng sayad ng babaeng ito. Lakas maghamon tapos ngayon mukhang susuko na.

"Bitch!" Asik nito sa akin na ikinangisi ko ulit.

"Bitch. Witch. Glitch. Itch. Sounds alike right? Well, they are the adjectives that suits you well." Ngising ganti ko rito.

"Damn you!" Asik nito at hindi na ito nagdalawang isip na sumugod sa akin at tinamaan ako sa panga na ikinaatras ko naman. Pero agad akong nakabawi kaya gumanti din ako ng suntok na ipinatama sa tiyan nito na sa sobrang lakas ay natalsikan ako ng dugo nito na lumabas sa bibig niya.

Agad naman niya akong nahawakan sa aking kamay at hindi ko napaghandaan ang kanyang gagawin at basta basta na lang niya akong binalibag!

Fuck! Ang sakit! Wooooohhh! Tangina! Feeling ko binalian ako ng sangkaterbang pelvic bones! Ang balakang ko! Pakiramdam ko nagdislocate! Pucha! May kasamang gigil yung pagbalibag sa akin eh!

Dinig na dinig ko naman ang sigawan habang nakahiga pa rin ako dito sa arena at sinusubukang tumayo. Pucha ang sakit talaga walang joke! Magaling man ako pero hindi naman bakal mga buto ko. Kaya pilit ko ang tumayo kahit parang gusto ko naman bumagsak dahil sa sakit ng balakang ko. Pucha naman oh!

"Tang'na ang sakit ah!" Sigaw ko rito. Kahit hinihingal na si Venna, kitang kita ko kung paanong ngumisi ito dahil sa kinasasadlakan ko ngayon. Hayop lang eh, hindi ako na inform na wrestling pala ito. Kung alam ko lang eh di sana nagpaturo ako kay the rock.

"Are you now dying bitch?" Hamong saad ni Venna sa akin.

"Hahahahaha." Halakhak ko naman. Ano kala niya? Mapapatay na niya ako sa simpleng balibag lang? Ayos din ito eh, saan kaya niya inilagay utak niya? "Malayo pa sa bituka to Venna. Pero ikaw, baka naghalo halo na yang mga bituka mo at ilang segundo na lang eh paglalamayan ka na!" Ganti ko naman dito. Alam ko naman na hindi nakakamatay mga atake ko. Hindi pa naman ako baliw para gawin ang isang krimen. Hell, baka kung gagawin ko yun eh baka bumalik ako doon sa kulungan and worst ipapalapa nila ako sa mga orcs. No way!

"You are limping already.... And it is screaming my victory." Ngising saad naman ni Venna.

Ang daldal. Nakakairita na tong babaeng ito ah. "Dami mong satsat, dali atake na ng magkaalaman na." Hamon ko na rito at pilit iniinda ang sakit ng aking balakang.

Kaya hindi na ito nagdalawang isip na sumugod sa akin at sinipa kaagad ako na sadyang timaan pa ang balakang ko! Shit! Shit! Shit! Ang sakit! Ngiwing ngiwi na ang itsura ko at ramdam ko na ang panlalamig sa mga kamay ko kaya bago pa may mangyari ay umikot ako at sinuntok ko si Venna sa tyan ulit at isang suntok muli ang pinakawalan ko na tumama sa panga nito at agad na pinatama ko ang kamay ko sa leeg nito para mawalan ito ng malay.

THE ADVENTURE OF AUGUST IN PANDORA'S WORLDWhere stories live. Discover now