Chapter 9 [Part 1] - Lezzz Do This

4.9K 120 30
                                        

[Jake's POV]

"Jake, wala ka bang lakad ngayon pare?", tanong ni Lance sa akin sa kabilang linya.

"Wala naman, bakit?", sagot ko.

"Aaah, samahan mo ko kesa paulit-ulit mong tinititigan yang picture nung engagement ni Laureen at ni Gi na nahagip lang si Kat ng camera na naka side view at nakikipagusap don sa friend niya!", tumatawang sabi ni Lance sa telepono.

"G*go! Hindi no! Kalalabas ko lang ng kwarto, magbebeeakfast kami ni Kara", sagot ko sa kanya.

Tinutukoy ni Lance ang kaisa-isang picture sa party king saan andoon si Kat sa background.

Meron ako noon sa cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa facebook ni Luigi.

"Lumabas na kayo ni Lance, tinatamad ako kumain Jacob", sabi ni Kara na nasa likuran ko na pala, umupo siya sa upuan sa harap ko pero yumuko ito at mukhang natulog ulit sa mesa.

"Sige pare. Saan ba tayo pupunta?", sabi ko kay Lance sa kabilang linya.

"Inom."

"Inom? Ang aga ah! May problema ka?"

"Haha. Wala g*go. Kape, hindi ba pwedeng kape?", tumatawang sabi ni Lance.

"Eh kasi pag ikaw nagyaya o si Ken, pag sinabing inom, alak yan eh. Hahaha."

"Grabe! Sakit! Hahaha. Dali na, bihis na!"

--------------------------------

"Mag-girlfriend ka na kasi ng may ka-date kang mag-kape", sabi ko kay Lance habang nakasakay ako sa sasakyan niya.

"Nagsalita ang may girlfriend!", sagot ni Lance.

"G*go!", natatawa ko tuloy na sabi.

"Wag mo ko problemahin Jake", nilingon ako ni Lance at kumindat sa akin. Siya ang nagmamaneho. Nasa passenger's seat ako.

"Oo na, daming sinasabi", sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko.

Pumili si Lance ng mesa na nasa labas ng coffee shop.

Siya na din ang umorder para sa amin. Libre niya na daw ito. Naiwan akong mag-isa sa mesa.

Kanina habang nasa sasakyan kami ay binubuklat buklat ko ang isang magazine ng mga bahay, ayon na din ito sa utos ni Lance dahil nagiisip daw itong magpagawa ng sarili niya.

Ngayon bina-browse ko pa din ang magazine habang naghihintay kay Lance. Ng mapili ko na ang pinakamaganda sa paningin ko sa magazine, tinandaan ko ang page at sinarado na ang magazine. Tumingin ako sa paligid. Hindi ko na napansin ang daan kanina sa pagtitingin sa magazine.

Establishments. Bookstore. Pastry store. At flowershop sa tapat ng coffee shop na kinaroroonan ko.

Flowershop? Pucha! Gag*ong Lance!

Nanlaki ang mga mata ko sa narealize ko.

"Eto na!", sabi ng dumating na si Lance dala ang isang tray.

"G*go ka pare, bakit nandito tayo?", kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Bakit? Nasaan ba tayo?", tumatawang sagot ni Lance.

"T*rantado! Kunwari pa. Alis na tayo dito!"

"Mamaya na! Magkakape tayo dito diba? Eto sayo", abot nya ng isa sa akin.

"Sinadya mo dito, g*go ka, flowershop nina Kat yang nasa harap eh! Atsaka bakit tatlo ang inorder mo?", hyper na sabi ko sa kanya. Kinakabahan ako sa kinauupuan ko.

"Para sa akin ang isa! Mga pare!", sumulpot si Luigi sa lamesa namin.

"Anong ginagawa mo dito Luigi?", tanong ko sa kanya.

Nag-apir silang dalawa ni Lance. Pagkatapos ay tumingin sila parehas sa akin ng nakangisi.

"Umalis na tayo dito", tumayo ako sa upuan ko pero tumayo dib si Lance at pinaupo ako.

"Teka lang, teka lang", sabi niya. Nilapit niya ang upuan niya sa akin at inakbayan ako, "Wag ka ngang bakla!", sabi niya pa.

"Hindi ako bakla, g*go!"

"Then, harapin mo na 'to Jake!", sabi ni Luigi na tinataas-taas pa ang kilay niya habang humihigop ng kape.

Naiintindihan ko ang sinasabi nila. Ang palagi kong pagngiti ng wala sa hulog pagkasama ko ang barkada at pag tinatanong ako ay si Kat ang isinasagot ko. Dahil si Kat naman talaga ang naiisip ko.

O kaya ang paminsan na pagsasabi ko ng "para sayo Kat" kapag nagbabasketball kami at ako ang magshu-shoot ng bola. Na hinihiyawan ng barkada.

O ang paminsan din na tanong ko kay Laureen tungkol sa detalye ng prepaation ng kasal nila ni Gi, dahil lagi akong hinuhuli ni Laurewn at sinasabihang hindi naman daw sa kasal ako interesado kundi sa updates kung anong itsura ni Kat kung saka-sakaling magkikita sila tungkol sa bulaklak o invitations.

"Harapin na Jake", paguulit ni Luigi.

Huminga ako ng malalim.

"Harapin na", ulit ni Lance.

"Kinakabahan ako", ang tangi kong naisagot.

Tumawa sila ng malakas parehas.

Tumawa na lang din ako, "Planado 'to no?", sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumawa lang ulit sina Lance at Luigi.

Umiling ako habang natatawa.

"So....... Dada-moves na tayo Jake", sabi ni Lance.

"Ano?", tanong ko.

"Kilos kilos din", sabi niya, "Paspasan na natin 'to", sabi pa niya.

"Teka, dahan-dahanin natin Lance", tumatawang tutol ni Luigi.

"Dahan-dahan pa? Bilisan na natin Gi! Ganon naman tayo dumiskarte eh!", sabi ni Lance sa kanya.

"Haha. Di na ko ganon. I'm a changed man. Hahahaha", sabi ni Luigi.

Naiiling na lang ako sa kanilang dalawa.

"Sige ganito. Salitan tayo ng diskarte Gi", kumindat pa si Lance.

"Hahaha. Pwede", sabi ni Luigi.

"Kinakabahan ako sainyo. Pero salamat mga pare", sabi ko sa kanila.

"Lezzz do this", sabi ni Lance.

Huminga ako ng malalim.

Inalala ko ang mukha ni Katherine. ang mga mata niya. Ang mga ngiti niya. Ang boses niya.

"Kaya ko 'to", sabi ko sa kanila ng nakangiti.

"Alright!", sabi ng dalawa. Nag-apir pa ang dalawa.

"Kelan tayo magsisimula?", tanong ko.

"Ngayon na!", sabi ni Luigi.

--------------------

;)

The Right WayWhere stories live. Discover now