[Kat's POV]
Binuksan ko ang pinto para pumasok sa shop.
Pero bago ako pumasok, may kung anong humatak sa akin para lumingon at tignan ang lalaking nakabunggo ko. Mukhang okay na naman ito. Mabuti kung ganon. Naglalakad na ito papalayo hawak ang bulaklak na kanina ay nahulog nya.
"O! Bakit bumalik ka?", tanong sa akin ni Sars.
"Nakalimutan ko yung iphone ko!", pagmamadali kong makapunta sa table ko.
"Gurangers ka na, nagiging makakalimutin ka na", sabi ni Sarah sa akin.
"Che!", sabi ko sa kanya, "San si Rics?", tanong ko sa kanya.
"Nag-CR", sabi ni Sarah.
"Aaaah", yun lang ang sinabi ko sa kanya habang binubuksan ko ulit ang drawer na kanina ay ni-lock ko.
"Ay Kat! Alam mo ba may isang customer kani-kanina lang na galing dito, bumili ng roses tapos hindi kinuha yung sukli!", kwento ni Sarah.
"Talaga? Baka nakalimutan lang, tabi mo na muna Sars, baka bumalik yon para kunin ang sukli nya", sabi ko kay Sarah.
"Ewan ko lang, tinawag ko sya eh, pero hindi ako pinansin. Sa lakas ng sigaw ko, imposibleng hindi nya ko narinig ah!"
"O? Ano bang binili? Baka naman kunwari ka lang na tinawag mo sya pero ayaw mo naman talaga bigay sukli nya", natatawa kong sabi kay Sarah.
"Che! Anong akala mo sa akin? Honest kaya 'to! Hahabulin ko sana sa labas kaso wala si Rics, sinong ta-tao dito sa loob? Actually kakaalis lang, baka nga nasalubong mo pa eh", sabi pa nya.
"Ngayon lang?", tanong ko sa kanya habang nila-lock ang drawer.
"Oo. Lalaki", sabi ni Sarah.
Tumingin ako kay Sarah, "Pink roses ang binili?", tanong ko sa kanya.
"Oo! Ang galing mo ah! Pano mo nalaman?", sabi ni Sars sa akin.
"May nakasalubong kasi ako kanina. Tapos may dala syang pink roses, nahulog nya sa lupa. Actually nabunggo ko", sabi ko kay Sarah, I bit my lower lip.
"Baka yun na nga yon! Cute?", tanong ni Sarah sa akin ng nakangiti. Alam ko ang ngiti na 'yon. Sinusukat nya ako.
"Di ko nakita ang mukha eh, nakayuko kasi", sabi ko sa kanya.
"Sayang! Gusto ko pa naman malaman kung ka-level nya si Feminine Wash Guy na hindi basta-basta 'okay lang' sa mga mata ni Katherine Sarmiento. Haha", sabi nito ng natatawa.
"Hahaha. Ewan ko sayo Sars!"
"Malay natin! Kasi para sa akin gwapo sya. Kaso walang spark eh", sabi ni Sars na akala mo eh seryoso, tinapik-tapik nya pa ang dibdib nya.
"Hahaha. G*g aka talaga Sars! O sya, sige alis na ko ulit!", sabi ko kay Sarah.
"Babush", sabi ni Sarah sa akin.
"Rics! Alis na ko ulit. Nakalimutan ko iphone ko eh", sigaw ko para marinig ni Rica.
---------------------------------------------------------------------------
[Jake's POV]
Bago ako tuluyang makalapit sa sasakyan ni Luigi ay lumingon ako muli sa direksyon ng shop. Nakita kong kakapasok lang ni Katherine doon.
"Usog!", masayang sabi ko kay Lance.
"What's with the smile?", sabi ni Lance with a questioning look, pero umuusog sya habang sinasabi nya yon.
"Ahmmm. Wala naman", sabi ko sa kanya.
"At para saan yan?", tanong ni Laureen sa akin ng nakangiti habang nakaturo sa bulaklak na hawak ko.
"Ah eto? Wala lang. Para sa... Para sa bahay! Sa sala! Hehe", sabi ko kay Laureen.
"Sa bahay?", tanong ni Kara sa akin.
"Yeah! Sa sala. Maiba lang", sabi ko sa kanya.
Kumunot ang ulo noo ni Kara, "You're weird. Ano nga?", sabi nya sa akin ng nakangiti.
"Oo nga, para kanino yan Jake, hindi ako naniniwala na para sa sala nyo yan", gatong ni Laureen.
"Girls, wag nyo ng kulitin si Jake, okay? If he says that it's for their living room, then let's just believe him okay?", sabi ni Luigi sa kanilang lahat.
Ngumiti sa akin si Luigi at ngumiti din ako pabalik sa kanya.
Magpo-protesta pa sana si Laureen at magsisimulang magsalita pero inunahan na sya ni Luigi agad, "Honey....", sabi nya sa malambing na boses.
"Okaaaay", pagsunod ni Laureen kay Luigi ng nakangiti.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

YOU ARE READING
The Right Way
General Fiction‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...