Chapter 5 [Part 2] - Prospect

7.2K 134 52
                                        

[Jake's POV]

"Ano ba yan!", sabi ni Lance.

"Akala ko yun na!", sabi ni Luigi.

"Pa-suspense pa", sabi ni Kara.

"Whew! Ang lakas ng kaba ko don ah!", sabi ko sa kanilang tatlo.

Tinawanan lang nila ako.

Hindi ang Katherine na hinahanap namin ang natagpuan namin sa pinuntahan naming apat. May angking kagandahan ang Katherine na nakita namin, pero hindi sya 'yon.

"Pero akala ko talaga sya na yon, sa description mo kasi, pasok sya eh", sabi ni Lance, "Wag ka mag-alala mahahanap din natin yon", tinapik nya ang balikat ko.

"Yeah, we'll find her. Patience Jake", second the motion ni Luigi ng nakangiti sa akin.

Napangiti na lang din ako kay Luigi. Halos parehas sila ng sinabi ni Laureen sa akin. Tinawagan din ako ni Laureen kanina at yan din ang sinabi nya sa akin, "Patience is a virtue Jake. Mahahanap mo din sya."

"Hey, hey, she accepted it already!", hyper na sabi ni Kara na hawak-hawak ang phone ni Luigi.

"Ni Katherine?", tanong ni Luigi sa kanya, lahat kami umikot sa likod ni Kara para makita din ang tinitignan nya.

"Oo!", sagot ni Kara.

"Patingin!", inagaw ko kay Kara ang iphone ni Luigi.

Pero inagaw din sa akin ni Luigi iyon.

Habang nag-aagawan kami tumatawa lang si Kara.

Sa huli si Luigi ang nanalo, ngumiti sya at pinakita kay Lance ang screen ng iphone nya. Ganon din ang naging reaction ni Lance. Ngumiti lang din ito at sinabing, "Nice!"

"Ano na? Patingin ako!", sabi ko sa kanilang dalawa.

"Wag kang atat!", sabi ni Lance. Pagkatapos ay pinakita naman nya kay Kara ang screen ng iphone.

"Hmmmm. Pwedeeee!", sabi ni Kara, "Ulit nga Jacob, big eyes tama?"

"Yes!", mabilis na sabi ko.

"Hihihi. Pretty face?", tanong nya ulit.

"Oo!", sabi ko ulit ng mabilis, "Ano ba Kars, you're killing me! Akin na nga yan!", hinablot ko kay Kara ang iphone.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago unti-unting tinignan ang screen.

Big eyes.

Pretty face.

"Anoooo?", excited na tanong ni Kara.

"Ano na p're, na-stroke ka na dyan", sabi ni Lance sa akin.

"Hindi sya 'to", sabi ko sa kanila, huminga ulit ako ng malalim at binalik kay Luigi ang iphone nya.

"Ano ba naman yan!", nanlulumong sabi ni Kara.

"Ang ilap talaga!", sabi ni Luigi.

Nakatambay na kami ngayon sa coffee shop kung saan malapit lang sa area sina Laureen, Charm at Aaron na nakikipag-deal para sa invitations ng kasal ni Luigi at Laureen.

"Buti hindi nagalit si Laureen na di ka sumama sa kanya", sabi ni Lance kay Luigi.

"Hindi. Sya nga nagsabi na samahan ko kayo ngayon para daw tulungan si Jake. Kaya na daw nila ni Charm at Aaron yon", sabi ni Luigi sa kanya ng nakangiti.

"Ahhh", sabi ni Lance.

"Ready na ba lahat bro?", tanong ko kay Gi.

"Hindi pa lahat, may mga aayusin pa. Ayaw ng wedding coordinator ni Laureen. Sya daw ang gusto nyang umasikaso mismo", sabi nya pa ng nakangiti.

The Right WayWhere stories live. Discover now