Chapter 5 [Part 3] - Prospect

6.9K 154 65
                                        

[Kat's POV]

Pumasok ang tatlong tao sa shop. Dalawang lalaki at isang babae.

Siguro 'yon na ang mga kasamahan na hinihintay ng babaeng customer na andito sa shop ngayon.

"Hon!", sabi ng babaeng kausap ni Sars kanina pa.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Hinayaan ko na si Sarah sa kanila. Basta matapos ko lang ang ginagawa ko aalis na din ako ng shop. May gagawin pa ako bukas ng umaga.

"Pssst Kat", narinig kong bulong ni Rica na nasa tabi ko na pala. Nakatayo sya sa may gilid ko.

"Ow? Bakit?", tanong ko sa kanya.

"Di mo tutulungan si Sars?", sabi nito sa akin.

"Kaya na ni Sars yan", sabi ko sa kanya ng nakangiti ng bahagya.

"Sabagay. Sanay na naman si Sars sa ganyan. Tsaka mukhang nageenjoy sya sa pag-entertain ah", sabi ni Rica ng natatawa.

"Sinabi mo pa. Type ni Sars yung semi-kal na matangkad", sabi ko kay Rica.

"Aha! Kaya pala, suma-side step pala ang babae. Landutay! Hahaha", natatawang sabi ni Rica.

"Hayaan mo na. Hehehe", sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw?", tanong sa akin ni Rica, "Kelan ka aber?"

Dumila lang ako kay Rica at binalik na ang atensyon ko sa mga inaayos ko.

"Totoo bang ang dahilan lang na hindi mo tinutulungan si Sars ay dahil kaya na nya 'yon? O baka naman may ioba pang dahilan? Napapansin ko Kat pag ganyang mga pagka--", mahinang tanong ni Rica sa akin.

"Rica....", mahinang sabi ko sa kanya, pinahihiwatig kong ayaw ko ng patutunguhan ng usapan naming.

"Finers!", sabi ni Rica. Tumayo lang sya sa likod ko at nilaru-laro ang buhok ko. Inikot-ikot nya ito sa daliri nya.

Napangiti na lang ako ng bahagya.

-----------------------------------------------------------------------------------

"Sige po Maam, kami na po bahala. Thank you so much po", masayang sabi ni Sars sa babaeng kausap nya.

"Thank you din! Anong name mo pala?", narinig kong tanong ng babae kay Sarah.

"Sarah po Maam. Bigyan ko po pala kayo ng number ng shop", narinig kong sabi ni Sars at narinig ko ding naglakad sila papalapit sa amin ni Rica.

"Rics, pengeng calling card natin", sabi ni Sars kay Rica.

Tumingala ako para ngumiti sa babae at muling binalik ang mga mata ko sa ginagawa ko. Lahat ng kasama nya ay nakaupo na. Sya na lang ang kumakausap kay Sarah.

Inabot ni Rica ang calling card ng shop.

"Na kay Ms. Rica naman yung number ko, binigay ko kanina sa kanya para kung may kelangan pa sa invitations or ready na yung samples makokontak nya ako, kunin mo na lang sa kanya", sabi ng babae.

"Sige Maam, ibibigay ko na lang kay Sarah mamaya", sabi ni Rica, sinamahan nya si Sars na maglakad para ihatid sa pintuan ang mga customers namin.

"Thank you sa inyo", sabi ng babae kina Rica at Sarah.

Tumayo na din ako at tumingin ako sa gawi nila. Tumayo na ang mga kasamahan ng babae.

"Thank you sa tulong nyong lahat sa fiancée ko", sabi ng lalaki na lumapit sa babae, tumingin ito isa-isa sa amin at ngumiti, atsaka inakbayan ang fiancée nya, atsaka nagsimulang naglakad palabas ng shop.

Tumango ako sa lalaki. At uupo na ulit sana sa upuan ko, pero....

Wait.

Wait lang.

He looks familiar.

Lumakad ako palapit sa pinto at sinundan ng tingin ang lalaki.

-----------------------------------------------------------------

[Jake's POV]

"Kamusta ang pageemote?", tanong ni Kara sa akin pagpasok nya sa kotse ni Luigi.

Sa likod ito naupo. Katabi si Lance. Umupo din sa tabi ni Lance si Laureen.

"Uy teka, bakit andyan ka Laureen? Dito ka sa tabi ni Luigi", sabi ko sa kanya sabay ang pagbaba ko sa passenger's seat.

"Ano ka ba, okay lang naman na andito ako sa likod eh, ikaw talaga Jake. Sige na dyan ka na sa harapan", sabi ni Laureen sa akin ng ipagbukas ko sya ng pinto para makababa sya.

"Di na, ikaw na dito sa harap", sabi ko sa kanya. Hinintay ko syang makababa at makasakay sa passenger's seat bago ako pumasok sa likod at tumabi kay Lance.

"Kamusta ang invitations? Okay na?", tanong ko kay Laureen habang inaayos ni Luigi ang seatbelt ni Laureen.

"Okay na na-settle na ang design", sabi ni Laureen sa akin, at sa tono ng boses nya ay mukhang masaya ito, "Tsaka ang babait nila eh", sabi pa nya.

Pinaandar na ni Luigi ang sasakyan nya.

Ng tumapat kami sa shop na pinanggalingan nila ay binaba ni Laureen ang bintana ng sasakyan, kumaway sya, "Thank you, ulit! Bye-bye!", sabi nya.

Tumingin din ako sa direction na kinakawayan ni Laureen.

Tatlong babae na nasa may pintuan ng shop.

Kumaway ang dalawa sa kanya. Habang ang isa ay nakatingin lang sa sasakyan namin.

Tinuon ko na ang pansin ko sa kalsada ng tuluyan na kaming makalampas.

Ang isa ay nakatingin lang sa sasakyan namin.

Saglit.

Otomatikong nilingon ko pabalik ang nalampasan naming shop.

"Bakit Jake?", tanong ni Lance na nasa tabi ko.

Bumilis ang pulso ko.

Bakit ganito?

"Jake? Are you okay?", tanong ni Kara sa akin.

"Gi, paki-balik sa shop, pare", sabi ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------

;)

The Right WayWhere stories live. Discover now