[Jake's POV]
"1, 2, 3, pass!"
"Wooooooooo!"
"Waaaaaaaa! Talo na naman ako! Love tulungan mo ko!", nagrereklamong pagta-tantrums ni Charms kay Aaron.
Naglalaro kami ng '1,2,3 pass' at nauna na si Laureen mabuo ang baraha nya ng ibaba ni Ken ang isang baraha. Nasa kanan ni Ken si Laureen, nasa kanan ni Laureen si Aaron, nasa kanan ni Aaron si Charm, at nasa kanan naman ako ni Charm. Nasa kanan ko si Ken. Nakapa-ikot kaming lima.
Kung sino man ang unang makabuo ang syang pwedeng magbigay ng consequence sa pinakahuling makapagpatong ng kamay sa table.
Pang-apat na beses na itong nangyayari. Si Laureen ang nakakabuo at si Charm ang nahuhuli. At ito na din ang ika-apat na consequence para kay Charm. Hindi si Laureen ang nagbibigay noon kundi si Ken. Dahil walang maisip si Laureen. Pero pare-parehas lang ang mga iyon. Ang pasayawin sya ng 'whoops kiri'.
"Loooove! Bakit ako lagi ang nahuhuli? Huhu", tantrums ni Charms.
"Hahahahaha!" - sabay pa sa pagtawa si Laureen at Ken, nag-apir din ang dalawang iyon.
"Sorry Love, hindi ko kasi alam kung anong card ang dapat kong ibaba eh, hindi ko na nga binubuo yung sakin eh, sinisira ko na nga lang, basta makabuo ka lang", natatawa at malambing na sabi ni Aaron sa kanya.
"Aaaaaw. Thanks Love!", nakangiting sabi ni Charm sa kanya pabalik.
"Ayeeee! Tama na yan sayaw na!", nanunuksong sabi ni Ken, pero saglit lang yun dahil inutusan na nya si Laureen na i-play ang youtube video ng 'whoops kiri' sa laptop na nasa lap ni Luigi.
"Hahahaha. Okay, fine", tumatawang sabi ni Laureen. Naglakad na sya sa kabilang mesa kung nasaan sina Lance, Kara at Luigi na pare-parehong naka-laptop.
"Honey, peram laptop. Pa-play lang ulit. Sasayaw si Charm", nakangiting sabi ni Laureen kay Luigi.
"Sure! Ikaw pa, malakas ka sa akin eh", sagot ni Luigi sa kanya, kinindatan pa nito si Laureen.
"Haha. Gumaganon ka pa dyan!", sagot ni Laureen sa kanya ng nakangiti atsaka pinatugtog ang 'whoops kiri'.
"Go Charm!", kantyaw ni Ken kay Charm.
"Sige na Love, pagbigyan mo na si Ken. Hehe", paga-amo ni Aaron kay Charm.
"Kasi naman eh", parang batang sabi ni Charm.
"Sige sasabayan na lang kita", sabi sa kanya ni Aaron.
Tumayo na si Aaron sa upuan nya at inalalayan si Charm na makatayo din. At sabay silang natatawang sumabay sa tugtog.
~~Whoops kirri whoops kirri whoops, everytime I see you,
Whoops kirri whoops kirri whoops, I want to know you,
Whoops kirri whoops kirri whoops, hope you feel the same too,
And I go whoops kirri kirri kirri whoops, I think I love you~~
"Hahahaha", naririnig ko ang malakas na tawa ni Laureen kahit na hindi ko sya nakikita dahil na kay Aaron at Charm ang mga mata ko.
Nakakatawa kasi si Aaron na matigas ang katawan na sumasaway. Pero si Charm natural ang pagsaway nya. Isa si Charm sa members ng cheerleading namin nung college kami. At gaya ni Laureen tumatawa din ng malakas si Charm dahil kay Aaron.
Tumatawa din si Ken at sumisigaw ng "Go Aaron, go Aaron!"
Si Lance, Luigi at Kara din ay sumabay na sa pagtawa sa amin.
"Nakakatawa ka Aaron, ang tigas ng katawan mo", maluha-luhang sabi ni Kara dahil sa kakatawa.
"Hahahaha. Sorry. Sinabayan ko lang talaga si Charms", natatawang sabi ni Aaron.

YOU ARE READING
The Right Way
General Fiction‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...