[Kat's POV]
Pinagmasdan kong makalayo ang sasakyan na iyon mula sa kinatatayuan ko sa shop.
"Kat, ayos ka lang ba?", tanong ni Sars sa akin.
"Sinong tinitignan mo?", tanong ni Rica.
"Sya ba 'yon?", wala sa sarili kong sabi.
"Sinong sya Kat?", tanong ni Rica sa akin.
Tinignan ko lang sina Sars at Rica na parehas nakakunot ang noo sa akin.
Nagkakamali lang ba ako? Pero sya 'yon. Hindi ko makakalimutan ang mukha nya noong gabing 'yon. Nasa loob sya ng sasakyan nya at mukhang wala sa sarili sa sobrang pag-iisip.
Hindi ko makakalimutan ang gabi na 'yon.
Bago pa kung saan ako dalhin ng isip ko, pinigil ko na ito.
"Wala, wala. Nevermind", sabi ko sa kanilang dalawa.
Naglakad ako papunta sa table ko. Pinasok ang mga resibo sa drawer at ni-lock iyon. At pagkatapos ay hinablot ang bag at kinuka ang susi ng kotse ko,"Kayo na magsara nitong shop, alis na ko", sabi ko sa kanilang dalawa.
"San ka punta, huy?", pahabol na tanong ni Sarah sa akin.
"Uwi na ko Sars, sumama ang pakiramdam ko", sabi ko sa kanya.
"Okay ka lang ba Kat? Kaya mo mag-drive?", tanong ni Rica ng may pag-aalala sa tono ng boses nya ng makalabas ako sa shop, nasa may pintuan sya.
"Kaya ko Rics, don't worry, okay?", sabi ko sa kanya, pumasok na ako sa sasakyan ko at nag-drive na pauwi.
------------------------------------------------------------------------------------------------
[Jake's POV]
"Wait here", sabi ko sa kanilang lahat.
"Jake, ano bang meron?", tanong ni Kara, hindi ko na tinignan ang mukha nya, pero sa tono nya, sa palagay ko naka-kunot ang noo nya.
Hindi ko na sya sinagot at dali-dali na akong lumabas ng sasakyan.
Pero bago ko pa isara ang pinto ng kotse, narinig kong tinawag ni Luigi ang pangalan ko, "Jake...."
Sumagot ako sa kanya,"Gi."
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Nothing, go", sabi nya sa akin, ngumiti sya ng bahagya.
Ngumiti din ako sa kanya at tuluyan ng sinara ang pinto ng sasakyan.
Naglakad na ako papunta sa shop.
Tumunog ang iphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito.
From: Luigi Lim
"Whatever it is, if you need help, I'm one text away."
Pagbasasa ko sa message ni Luigi sa akin. Huminto ako sa paglalakad, lumingon sa gawi ng kotse at tumango. Alam kong alam ni Luigi na para sa kanya 'yon.
Humawak ako sa handle ng pinto at bago binukas yon ay huminga muna ng malalim.
"Hi Sir! Ano pong maitutulong namin? Flowers po ba?", tanong sa akin ng isang babae.
Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng shop.
"Sir?", tanong ulit ng babae.
"Aaah o-oo. A-ano bang maganda?", tanong ko sa babae, sabi ko sa kanya habang pinagpapatuloy ang paglilibot ng mga mata ko sa loob ng shop.
Para hanapin sya.
"Para sa girlfriend nyo po ba? Hindi kayo sasablay sa roses Sir", nakangiting sabi nito sa akin, pagbalik ko ng tingin sa babae.
"Ah hindi, para sa isang kaibigan lang na magbe-birthday", sabi ko sa kanya.
Hindi ko sya makita.
Pumikit ako, huminga ng malalim at muling dinilat ang mga mata ko.
"Aah. Ito pong boquet pwed---"
"Sige, I'll get that", mahinang sabi ko sa babae. Pinutol ko na ang sasabihin nya.
Wala na sya sa shop.
Wala na.
Was she a customer? I thought she works here.
Damn it.
Inabot sa akin ng babae ang bulaklak, binayaran ko iyon at hindi na kinuha ang sukli ko.
Narinig ko pa itong hinabol ako. Pero nagpanggap akong hindi ko na sya narinig.
Lumabas ako sa shop na 'yon na may bitbit na bulaklak.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

YOU ARE READING
The Right Way
General Fiction‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...