Chapter 6 [Part 2] - Pulses

6.3K 151 42
                                        

[Jake's POV]

Lumabas ako sa shop na 'yon na may bitbit na bulaklak.

Wala na akong pakialam kung magtanong man ang mga kasama ko kotse mamaya kung bakit ako may dalang bulaklak. .

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero sumusulyap paminsan sa shop.

Hindi ako mapalagay. Gusto kong pumasok ulit.

Humarap ako sa shop at nagsimulang maglakad ulit papunta doon.

Pero ilang hakbang lang ay nagdesisyon na din akong mag-iba ng direksyon at maglakad na lang din pabalik ng sasakyan.

*Dug*

Nabitawan ko ang bulaklak na hawak ko ng may bumangga sa akin.

Umupo ako para damputin 'yon.

"Naku, sorry! Pasensya ka na", sabi ng boses ng isang babae. Kasabay ang marahan na paghawak sa balikat ko.

*Dug-dug-dug-dug*

Muling bumilis ang pulso ko sa boses na iyon. Napako ako sa pagkakaupo ko.

*Dug-dug-dug-dug*

Kasabay ng pagyuko nya para damputin ang isang bagay na nahulog mula sa kanya ang pagbagsak ng buhok nito at paghalo ng isang pamilyar na scent sa hangin.

"Ayos ka lang ba?", tanong nito sa akin pagkatayo nya.

"A-ayos lang ako Miss", sabi ko sa kanya ng nakatungo.

"May masakit ba sayo? Hindi ka ba makatayo?", nag-aalala ang boses nya.

Nakatayo ito, habang ako naman ay naka-tukod ang isang tuhod sa lupa.

"Aah, hindi Miss, okay lang ako, magsisintas lang ako ng sapatos", sagot ko sa kanya ng hindi sya tinitignan. At kahit nakabuhol ng maayos ang mga sintas ko ay tinanggal ko ang isa sa pagkakabuhol at inayos ito.

"Ah okay, sige. Pasensya ka na ulit sakin ha", sabi nito, "Gusto mo bang palitan ko ng bago ang boquet mula sa shop namin? Mukhang nadumihan sya eh", sabi nya pa.

Shop namin.

I let out a quick smile, still not looking at her.

"Aaah. Hindi na Miss, okay lang. Thank you", sagot ko sa kanya.

"Ah ganon ba? Sige una na 'ko", sabi nya sa akin.

Nakita ko syang lumampas sa akin at naglakad papunta sa direksyon ng shop.

The familiar voice. The familiar scent.

I held the flower in one hand, stood up and started to walk towards Luigi's car. And though I knew I was walking away from her, I was smiling and was walking with an unexplainable light feeling.

I don't need to look at her.

Because at the very sound of her voice, the vivid image I have of her face suddenly flashed in my head.

And right from that very second, I knew....I already found her.

My Katherine.

-------------------------------------------------------------------------------------

;)

The Right WayWhere stories live. Discover now