Chapter 13 Same Time

284 16 14
                                        

Charmie’s P.o.V

Mag iisang oras ko nang tinititigan itong number nung tukmol na yun dito sa likod ng contract namin,na napakaewang contract. Mukha naman siyang mayaman bakit hindi siya mag hire ng sarili niyang personal assistant anoo! Iniisip ko pa din kung itetext ko ba siya o hayaan ko na lang? Argghh! Ano ‘to? pag subok na naman ba Lord sa katatagan ko? Jusko naman,subok na subok na,kina Tiyang pa lang at sa mga tao sa school na walang ginawa kundi kutyain ako.

Eh kung takasan ko na lang kaya siya? Ah! Mag ta-transfer na lang ako ng school para hindi na niya ako makita. Cancel cancel,hindi pwede yun,wala ding silbi dahil ayon sa kaniya alam niya kung saan ako nakatira mukhang talagang pinahanap niya ako at disididong pag bayaran ko angpag tapak sa ego at pride niya. Eh kung ipadala ko siya sa mga alien? Cancel din,mukha akong tanga kung gagawin ko yun dahil unang una pa lang,wala akong ka-friendship na alien. Waahh! Ano itetext ko na ba? Aish! Bahala na nga,tutal pumasok na siya sa buhay ko kaya ito na itetext ko na.

“Hoy tukmol! Ako’to.”

 

Erese erase. Baka mapikon tapos paulanin pa ng bomba tong bahay. Tingin ko may pag ka terorista yun eh. Hindi man lang naawa sa pinutulan niya ng kamay. Ang creepy! -_-

“Eow pows…”

Erase ulit. Baka sandamakmak naman ang matanggap kong panlalait pagnag jejemon ako. Stressful ha!

“Your highness,ano pong maipag lilingkod ko sa’yo?”

 

SEND. Ayan medyo binaitan ko yung text ko para naman maaga aga niyang bitawan ‘tong contract na’to ano. Aba hindi ako makakatiis kung hanggang grumaduate na lang ako eh nandyan siya inuutus-utusan ako.

*Bzzzt*Bzzzt*

“Tomorrow morning,six thirty sharp sa storage room pa din. Wag kang male-late bulldog.”

Basa ko sa text niya.

Aba kita mo’tong lalaking to. Hanggang text sasabihan akong bulldog?!

“HOY PARA SABIHIN KO SA’YO,MALAYO ANG ITSURA KO SA BULLDOG!! Uhm .. Ata..?”sigaw ko a cellphone ko pero yunglast word humina,hindi kasi ako sure.

“HOY CHARMIE,SINO BA KAAWAY MO DYAN HA?! Gabin gabi na para ka pa dyang umaalulong!”sigaw ni Tiyang sa labas.

Gising pa pala siya. Akala ko naman ako na lang ang gising dito sa bahay.

“Wala ho Tiyang,nag kakabisa lang ho ng itetest namin bukas. Hehehe.”sagot ko.

Tsss. Yung lalaking yun ginagalit talaga ako. Ano naman kaya ipapagawa niya sakin bukas? Saka ang aga ha?! Lord sana bigyan niyo ako ng special powers para labanan lahat ng ipapagawa nung lalaking yun sakin please!

Nag talukbong ako ng kumot ng maalala ko si Kelvin kaya aman napaupo ako sa kama.

HALA! Sabi ko nga pala itetext ko si Kelvin kapag nakauwi na ako,anong oras na? Mag e-eleven na ng gabi. Pssh! Na-stress ako masyado sa lalaking yun nakalimutan ko tuloy hubby ko. Agad kong kinuha muli ang cp kong nasa gilid ng unan ko para itext si Kelvin.

“Gising ka pa? Si Charmie ‘to. pasensya na kung late ako nakapagtext. Kung tulog ka na sige goodnight na lang. sweet dreams J.”

Text ko with smiley face sa dulo. Naghintay ako ng halos limang minute para sa reply niya kaso wala. Mukhang tulog na. Nahiga na akong muli ng mag vibrate ang cp ko kaya napaupo akong muli at tiningnan ko kung sino yungnagtext.

Ugly Pretty CharmieWhere stories live. Discover now