Chapter 11(part 1) Close to reality

311 19 11
                                        

Charmie’s P.o.V

“So sino yung gwapong kasama mo ha Charmie?”tanong ni Queenie na sinundan ako hanggang dito sa kwarto ko.

Kanina niya pa ako kinukulit kahit nakahiga na ako dito sa kama ko,ayaw niya akong lubayan. Konti na lang talaga maiirita na ako. Psh! Ayaw na lang kasi daretsuhin na natipuhan niya si Kelvin.

“Bakit ba Queenie? Sinabi ko ngang kaibigan ko lang yun.”sagot ko,pisti ayaw niyang maniwala. Ano pa bang katibayan ang gusto niyang makita? Waaahh! Gusto ko ng matulog eh! T.T

“Really? Eh may yakapang nagaganap sa inyo ni gwapo kanina tapos kaibigan. Dali na tell me,boy friend mo?”tanong niya tapos nakataas ang kilay.

Grabe talaga kakulitan ng lahi namin ano? Buti ako nag mana sa tatay ko. Sa ginagawa niya daig ko pa nakagawa ng krimen. Kung makatanong akala mo detective eh. Kulang na lang at mag suot siya ng coat na itim,sumbrerong itim,eye glasses at manigarilyo. Psh!

“Hindi Queenie. Kaibigan ko nga lang siya.”sagot ko sabay talukbong ng kumot.

Naramdaman ko namang umupo siya sa gilid ng kama ko. Haaay! mag patulog naman sana siya oh!

“Kung kaibigan mo siya,edi ipakilala mo ko Charmie.”sabi niya kaya napaupo ako sa higaan.

Oh see? Sabi na,namatahan niya si Kelvin eh. Palibhasa ang talas ng mata sa mga gwapo. Nako may taglay na kakatihan talaga tong pinsan ko.

“Ano? Bakit naman kita ipapakilala? Edi ba marami ng gwapo sa school niyo? Dun ka na lang humanap Queenie wag siya.”sabi ko sa kaniya ng daretso at napataas siya ng kilay at napacross arm.

“So may gusto ka sa kaniya?”walang katapusang tanong niya.

Hindi naman ako sumagot agad. Masyadong kumplikado kausap tong magaling kong pinsan para sagutin ang tanong niya. Sana may kakayahan akong mag hypnotize ng tao para mapatulog ko tong si Queenie ng isang dekada.

“May gusto ka nga. May nakapag sabi na ba sa inyo na ang taas ng pangarap mo?”tumayo siya. “Wag ka ng umasa sa kaniya Charmie. Walang papatol sayo,hello? Wake up! Ang pangit pangit mo! Dyan ka na nga! Ambisyosang paa.”sabi niya saka umalis siya sa kwarto at malakas na isinara ang pinto.

Napahiga ako at tumingin lang sa kisame.

“Oo,pangit ako. Pero kung itrato talaga ako ng iba,diring diri.”sabi ko sa hangin sabay pikit.

“HEY YOU BULLDOG FACE!! YOU ARE SO FUCKING DEAD!! MALI KA NG PINAHIYA!!”

 

Out of nowhere bigla yang pumasok sa isip ko kaya napadilat ako. Waahhh! Isa pa yan,isa pa yan! Maganda ngang alam kong gusto ako ni Kelvin kaso wala pang isang araw may pangit agad na nangyari! Inisip ko yung mukha nung lalaki. Huhuhu! Sinampal at sinikmuraan ko pa naman siya. Malamang hanggang ngayon nang gagalaiti yun sa galit. Sabi pa ni Kiara na nakita na daw niya yun sa school,kailangan ko na bang mag disguise para di niya ako makilala. Pano kung huntingin niya ako? Pano kung saktan niya ako? Pano kung dukutin niya ang mga mata ko tapos ipakain sa aso? Pano kung… pano kung ... waaah! Kinuha ko yung isang unan sa gilid ko at tinakpan yung mukha ko.

Ugly Pretty CharmieWhere stories live. Discover now