Chapter 11 (part 2) Slave

340 21 11
                                        

Millana’s P.o.V

Ang sarap gumising dito sa pamamahay ow actually mas tamang term ay mansion ng mga Chen. Talagang nababahay ako dito,mapabilang sa kanila. Maaga akong gumising para mapag handa ng break fast si Marcus.,lam kong maaga ang pasok niya ngayon. Ako naman since hindi ako nag aaral lahat ng atensyon ko ibibigay ko kay sa kaniya. Napag desisyunan kong next year na ipagpatuloy ang studies ko. Im still young pa naman eh.

“Manang pagawa ako ng milk.”utos ko sa katulong.

Kararating ko lang dito sa kusina at nadatnan ko yung isa sa mga katulong nilang matatanda dito. Nag aayos siya ng pag kain sa isang tray.

“Sige po Maam,ihahatid ko lang po itong pagkain sa taas.”tanggi ng matanda na kinaasar ko kaya nung binitbit niya yung tray na may kape at sandwich at naglakad ay hinawakan ko siya sa braso kaya nabitawan niya yung tray at natapos.

Nabasag yung coffee cup maging yung platito. Nagulat naman yung matanda at tila natakot.

“Tinatanggihan mo ko? Hindi mo ba ako nakikilala ha? How dare you!”sigaw ko sa kaniya.

Nakakainis huh! Sino siya para balewalain yung utos ko. Ako si Millana Fabien,at hindi mag tatagal idudugtong na sa pangalan ko ang Chen kaya dapat niyang sundin ang pinag uutos ko.

“M-Maam sorry po, kasi yang pag kain na yan ay kay Sir---“di ko na siya pinatapos mag salita dahil mag dadahilan lang siya.

“Stop it! Wag ka ng mag salita.”utos ko sa kaniya kaya natikom siya. “Sa susunod na tanggihan mo ko,masesesante ka. mawawalan ka ng trabaho. Kaya isaksak mo dyan sa kokote mo na wag na wag kang tatanggi sa lahat ng iuutos ko.”sabi ko sa kaniya sa nanggigigil na boses.

“Manang nasaan na ba yung pagkain ko? Kanina pa ako nag hihintay sa taas.”

Nagulat ako ng dumating si Marcus na naka uniform na at dala ang kaniyang bag.. Ow shoot! Sa kaniya pala yung pag kain?!

“A-ano po kasi sir…”

Agad akong nag salita.

“Nahulog kasi niya yung tray Marcus,tingin ko sa katandaan eh nanghihina na siya,but don’t worry,gagawa na lang kita ng bagong sandwich saka coffee,sabayan mo na ako mag break fast.”sabi ko.

Napatingin naman si Marcus sa matanda na ngayon ay nakayuko at halatang natatakot.

“Sige na manang iligpit mo na lang yan,sa labas na ako kakain.”sabi niya at hindi ako pinansin.

Mag lalakad na sana siya paalis ng mag salita ako.

“Ahm,dito ka na lang kumain Marcu---“

“No thanks.”sagot niya na plain lang ang tono.

Ugly Pretty CharmieWhere stories live. Discover now